KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG NOLI ME TANGERE – Isa na namang nobela ni Jose Rizal ang ating tatalakayin, ang kasaysayan ng pagsulat nito at mga mahahalagang bagay tungkol sa nobelang ito. Ang “Noli Me Tangere” ay mahalagang pag-aralan upang magkaroon ng kaalaman ang mga mag-aaral sa nakaraang panahon.
Upang mabigyang kahalagahan ang kasaysayan ng mga Pilipino na nakaranas ng pang-aalipin, pag-aalipusta, at pagpapahirap mula sa mga Kastila. Maraming aral ang matutuhan at makukuha ng mga mag-aaral sa nobelang ito.

Ating pahalagahan ang kanilang mga ginawa, makamit lamang ang kalayaan na matagal nilang minimithi, na ating tinatamasa ngayon. Sa pamamagitan ng nobelang ito, nailathala ni Rizal ang mga kaganapan noon at mananatili itong buhay sa puso at isip ng mga Pilipino.
Ngayon, atin ng tunghayan ang kaligirang pangkasaysayan ng noli me tangere at ang kasaysayan ng pagsulat nito. Basahin ito ng mabuti at unawain.
Kasaysayan ng Noli Me Tangere
Ito ang kauna-unahang nobela na isinulat na Jose Rizal, inilathala noong 1887. Ang ibigsabihin ng nobelang “Noli Me Tangere” sa wikang Filipino ay “Huwag Mo Akong Salingin,” ito ay hango sa bibliya sa ebanghelyo (San Juan 20:13-17). Ang “Noli Me Tangere” ay inialay ni Rizal sa Inang Bayan.
Isinulat niya ang nobelang ito upang mapukaw ang mga Pilipinong natatakot sa mga Kastila. At, ito ang naisip niyang mabisang paraan sa paghihimagsik laban sa mga mananakop (Kastila).
Ito ang ang nakitang paraan ni Rizal upang ipagtanggol ang kanyang mga kapwa Pilipino laban sa mga mananakop. (3)Tatlong taon ang kanyang iginugol upang matapos ang nobelang ito. Ang nobela ay mayroong (65) anim na pu’t limang kabanata.
Ang isang kabanata ng nobela ay tinanggal at hindi naisama sa paglimbag ni Rizal, marahil sa kakulangan ng pondo. Karugtong ito ng kabanata, “Ang Elias at Salome.”
BUOD ng KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG NOLI ME TANGERE
Ang Noli Me Tangere ay ang kauna-unahang nobelang naisulat ni Jose Rizal. Tungkol ito sa paghihimagsik ng mga Pilipino laban sa pang-aapi, pang-aalispusta, at kalupitan ng mga Kastila. Si Dr. Jose Rizal ay (24) dalawangpu't apat lamang ng sinimulang niyang isulat ang nobela. Nailathala ang nobelang ito noong siya'y (26) dalawangpu't anim. Ang kanyang inspirasyon kaya niya naisipang magsulat ay ang mga aklat na "The Wandering Jew, Uncle Tom’s Cabin, at ang Bibliya." Ito ang mga aklat na nagbigay sa kanya ng inspirasyon at lakas ng loob upang ipagtanggol ang mga Pilipino laban sa mga Kastila sa paraang pagsusulat. Nais ni Rizal na kumuha ng iba pang karanasan sa kanyang kapwa Pilipino. Subalit hindi ito naisakatuparan, kung kaya mag-isa niyang sinulat ang nobela. Noong 1884 sinimulan niyang isulat ang nobela sa Madrid, ngunit kalahati lamang ang natapos niya. Sa Paris niya pinapatuloy ang pagsusulat ngunit hindi rin niya ito natapos. Noong Pebrero, 21, 1887 sa Alemanya, ay natapos niya ang huling bahagi ng nobela. Pagkatapos ng maraming taon ay natapos din ni Rizal ang kanyang nobela ngunit wala siyang pilak upang ipalimbag ito. Mabuti na lamang ay pinahiram siya ni Maximo Viola (kanyang kaibigan) ng salapi. Ito ang naging daan upang maipalaganap ang kayang nobela. Nagkaroon ito ng 2,000 na kopya at lumaganap ito sa ibat-ibang lugar. Ang nobelang ito ay nakarating sa mga Kastila. Hindi nila nagustuhan ang mga isinulat ni Rizal kaya labis na lamang ang kanilang galit kay Rizal. Ang "Noli Me Tangere" ay isinulat ni Rizal upang upang mabuksan ang mga mata ng Pilipino sa kanser ng lipunan na nangyayari sa bansang Pilipinas. Laban sa mga mananakop (Kastila). Nagalit man ang mga Espanyol kay Rizal at nangamba ang kanyang pamilya na baka siya’y mapahamak inibig parin niyang makabalik sa Pilipinas dahil ❶Una, hangarin niyang maoperahan ang kanyang ina dahil sa lumalalang panlalabo ng kanyang mata. ❷ Pangalawa, upang mabatid niya ang dahilan kung bakit hindi tinugon ni Leonor Rivera ang kanyang mga sulat mula taong 1884-1887. ❸Pangatlo, ibig niyang malaman kung ano ang naging bisa ng kanyang nobela sa kanyang bayan at mga kababayan. Umalis si Rizal sa Maynila noong ika-3 ng Pebrero,1888. Sa kanyang pag-alis ay nagpunta siya sa Hong Kong, Japan, San Francisco, New York sa Estados Unidos, at London sa United Kingdom. Habang siya ay nasa ibang bansa ay iniukol ni Rizal ang kanyang panahon sa pagsulat ng mga tugon sa mga tuligsa sa kanya.
MGA LAYUNIN NI RIZAL KUNG BAKIT NIYA ISINULAT ANG NOLI ME TANGERE
Tunghayan ang mga layunin ni Rizal sa kanyang nobela,
- Maisakatuparan ang mithiin na magamit ang edukasyon sa pagkakamit ng kalayaan at kaunlaran para sa bansang Pilipinas.
- Sanayin sa kakayahan at interes ang mga mag-aaral upang ang pagkaturo ay maging integratibo, makabuluhan, napapanahon, kawili-wili, nakalilinang ng kritikal at mapanuring pag-iisip, at nakapaghahanda sa mga mag-aaral sa mga pagsubok at realidad ng totoong buhay.
- Mahubog sa kabutihan ang mga kabataang susunod at maging sa kasalukuyang henerasyon na maging lider ng ating bansa at magiging pag- asa ng ating bayan.
Karagdagang kaalaman!
Inyung mababasa sa nobelang ito ang kanser ng lipunan noong panahon ng mga Kastila. Narito ang mga halimbawa:
- Colonial Mentalality – ito ay ang pagpapalagay ng mga Pilipino na sila ay nabibilang sa mga dayuhang Kastila. Ang pagtatangkilik sa mga produktong gawa sa ibang bansa
- Social Climber – ito ay ang pagnanais ng mga Pilipino noon na mapabilang sa “ALTA SOCIEDAD.”
- Racial Descrimination – ito ang pagbabawal sa mga kababaihan na makisalamuha o makipag-usap sa mga kalalakihan. Hindi rin pinapayagan na pumasok sa paaralan ang mga kababaihan upang matutu. Ito ang paghihiwalay ng mga kababaihan sa mga kalalakihan.
- Fatalism – ito ay ang paggigiit ng simbahan at ang pagtuturo sa mga Pilipino naialay ng isang tao ang kanyang kapalaran at kinabukasan sa Diyos.
- Religious Intolerance – ito ang ginamit ng mga Kastila upang lasunin at takutin ang pag-iisip ng mga Pilipino.
- Servility– ito ang labis na paggamit ng mga Kastila sa mga Pilipino noon. At, ang paglilingkod o pagpapalugod sa mga mamayan ng mga maimpluwensyang tao.
Matapos ang lahat ng paghihirap ng mga Pilipino noon, sa kabutihang palad ay nakamit din nila ang kalayaan. Ngunit, ang simbahang Katoliko ay tinangkang harangin ang pagtuturo at pagbabasa ng nobelang “Noli Me Tangere,” at “El Filibusterismo.”
Ito ay nangyari noong 1856, marahil salungat daw ito sa itinuturo ng simbahang Katoliko. Subalit, hindi sila nagtagumpay at dito naitatag ang RA 1425 o tinatawag na “BATAS RIZAL”. Ito ay isang mandato na pag-aaralan ang buhay at nobela ni Dr. Jose Rizal sa lahat ng matataas na paaralan sa Pilipinas.
Konklusyon
Ating tinalakay sa artikulong ito ang kaligirang pangkasaysayan ng Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal. Isa ito sa magandang pag-aralan sapagkat maraming mag-aaral ang nakakalimut tungkol dito. Marahil sa mabilis na pagbabago ng mundo at ng teknolohiya.
Ang paksang ito ay isang malaking tulong para sa mga mag-aaral sa kanilang aralin sa Filipino. Maari ninyong ibahagi sa iba ang artikulong ito, upang magkaroon din sila ng kaalaman tungkol sa paksang iyong natutunan.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagbabasa hanggang sa dulo ng artikulong ito. Nawa ay mayroon kayong natutunan. Kaya, hinihikayat ko kayong magbasa at mag-aral tungkol sa ibat-ibang aralin sa Filipino.
Mga katanungan
Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa “Kaligirang Pangkasaysayan Ng Noli Me Tangere,” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.
Para sa iba pang Aralin
- Ano Ang Tulang Patnigan
- Ano Ang Pagsalaysay
- Anekdota Halimbawa At Kahulugan Nito
- Ano Ang Kaligirang Pangkasaysayan
- Kaligirang Pangkasaysayan Ng El Filibusterismo
We are Proud Pinoy.