Kaligirang Pangkasaysayan Ng El Filibusterismo (Buod)

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMO – Sa paksang ito, inyung matutunghayan ang buod ng kaligirang pang kasaysayan ng “El Filibusterismo.” Isa ito sa pinakamahalagang malaman natin, bilang isang mamamayang Pilipino.

Dahil ang nobelang ito ay bahagi ng ating kasaysayan, kung paano inapi at pinahirapan ang kapwa nating mga Pilipino noon. Tunghayan sa ibaba ang kaligiran ng kasaysayan ng el filibusterismo.

Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo
Kaligirang Pang kasaysayan ng El Filibusterismo

Bago pa man bumalik sa sariling bayan si Rizal noong Oktubre 1887. Marami ng siyang dinanas na kasawian sa kanyang mga kamag-anakan at kaibigan dahil sa pagkakasulat niya ng nobelang “Noli Me Tangere.”

buod ng kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismo

Ang nobelang El Filibusterismo (“Ang Pilibusterismo“) o Ang Paghahari ng Kasakiman ay isinulat ni Dr. Jose Rizal. Ito ang kanyang pangalawang nobelang isinulat. Tunghayan ang buod ng kaligirang kasaysayan El Filibusterismo .

BUOD NG EL FILIBUSTERISMO


Nagsimula ang lahat matapos lumaganap ang kayang unang nobela na pinamagatan niyang "Noli Me Tangere." Ang nobelang ito ay nakarating sa mga Kastila, dito nagsimula ang banta sa buhay ni Jose Rizal at ng kanyang pamilya.

Sa kabila ng mga banta sa kanyang buhay ay patuloy pa rin ang kanyang pagsusulat dahil nakita niya ang magandang epekto nito sa kanyang kapwa Pilipino at sa mga mananakop (Kastila). Dahil sa labis na galit ng mga Kastila kay Rizal ay umalis ito ng bansa.

Ito ang isang sulat na ipinadala ni Rizal kay Blumetritt habang siya ay naglalakbay.

“Lahat ng mga punong panlalawigan at mga arsobispo ay naparoroon sa Gobernador Heneral araw-araw upang ako’y ipagsumbong. Ang buong ahente ng Dominiko ay sumulat ng sumbong sa mga alkalde na nakita nila akong lihim na nakikipagpulong sa mga babae at lalaki sa itaas ng bundok. Totoong ako’y naglalakad sa bundok kung bukangliwayway na kasama ng mga lalaki, babae at bata upang damhin ang kalamigan ng umaga ngunit laging may kasamang tenyente ng guwardiya sibil na marunong managalog…

Inalok ako ng salapi ng akong mga kababayan para lisanin ang pulo. Hiniling nila ang mga bagay na ito hindi lamang sa aking kapakanan kundi sa kanila na rin sapagkat marami akong kaibigan at kasalamuha na maaaring ipatapon kasama ko sa Balabag o Marianas. Dahil dito kahit may kaunting karamdaman, ako’y dali-daling nagpaalam sa aking pamilya.”

Ngunit, sa kabila ng lahat ipinagpatuloy pa rin niya ang pagsusulat ng isa pang nobela. Ito ang "El Filibusterismo" ang ikalawang nobela ni Jose Rizal, isa ito sa pinaka-tanyag na nobela na gawang Pilipino. 

Kanyang isinulat ang nobelang ito upang mamulat ang mga kababayang Pilipino sa pang-aapi ng mga Kastila. Dahil sa nobelang El Filibusterismo, naging inspirasyon ito ng mga Pilipino sa pag laban sa mga Kastila at sa mga isyung lipunan na kanilang hinaharap. 

Sa kanyang pagsusulat sa nobelang ito ay hinango niya sa kanyang mga karanasan sa buhay. Kabilang dito ang ginawang pagpapahirap sa kanyang mga mahal sa buhay.

Ang pagkuha ng mga sinasakang lupain ng mga magsasaka sa kanyang nasasakupan. Tampok din sa nobela ang kanyang pagmamahal kay Leonor Rivera. Dahil hindi sila pinahintulutan na magpakasal sapagkat ayon sa mga magulang ni Leonor, isang erehe raw si Rizal.

Hindi naging madali ang pagsusulat ni Rizal, nagkaroon siya ng mga suliranin, isa na rito ang pananalapi.
Ito naman ang sulat na ipinadala ni Rizal kay Jose Maria Basa tungkol sa kanyang mga paghihirap na dinanas.

“Ako’y nanghihinawa na sa paniniwala sa ating mga kababayan. Parang sila’y nagkakaisa upang maging mapait ang aking buhay; pinipigilan nila ang aking pagbabalik, nangangakong bibigyan ako ng tustos, at pagkatapos na gawin sa loob ng isang buwan ay kalilimutan nang muli ako… Naisangla ko na ang aking mga alahas, nakatira ako sa isang mumurahing silid, kumakain ako sa mga pangkaraniwang restawran upang makatipid at mailathala ko ang aking aklat.

Hindi naglao iyon, ititigil ko kung walang darating sa aking salapi. A, sasabihin ko sa iyong kung hindi lamang sa iyo, kung hindi lamang ako naniniwalang may mga mabubuti pang Pilipino, nais kong dalhin ang aking mga kababayan at ang lahat sa demonyo…”

Mabuti na lamang ay pinahiram siya ng kanyang kaibigan na nagngangalang Valentin Viola na mula sa Paris. Nang malaman nito ang paghihirap ni Rizal.


Natapos ni Jose Rizal ang paglilimbag ng nobela noong 1891 sa ibang bansa. Ipinamahagi niya ito sa ibat-ibang bahagi ng Europa at Hong Kong.

Konklusyon

Ating tinalakay sa artikulong ito ang kaligirang pang kasaysayan ng El Filibusterismo at ang buod nito. Isa ito sa magandang pag-aralan sapagkat maraming mag-aaral ang nakakalimut tungkol dito. Marahil sa mabilis na pagbabago ng mundo at ng teknolohiya.

Ang paksang ito ay isang malaking tulong para sa mga mag-aaral sa kanilang aralin sa Filipino. Maari ninyong ibahagi sa iba ang artikulong ito, upang magkaroon din sila ng kaalaman tungkol sa paksang iyong natutunan.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagbabasa hanggang sa dulo ng artikulong ito. Nawa ay mayroon kayong natutunan. Kaya, hinihikayat ko kayong magbasa at mag-aral tungkol sa ibat-ibang aralin sa Filipino.

Mga katanungan

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa “Kaligirang Pangkasaysayan Ng El Filibusterismo,” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.

Para sa iba pang Aralin

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment