SAMBAHAYAN – Sa paksang ito, ating malalaman kung ano nga ba ang kahulugan ng sambahayan? At, ano ang ugnayang namamagitan sa sambahayan at bahay kalakal. Bilang isang mamayang Filipino kailangan mayroon din tayong nalalaman tungkol sa ating ekonomiya.
Bago ang lahat alamin muna natin kung ano ang kahulugan ng sambahayan. Halina’t tunghayan at palawakin ang ating kaalaman tungkol dito.

Ngayon, atin ng tatalakayin kung ano ang kahulugan ng sambahayan ekonomiks at bahaging ginagampanan nito sa ekonomiya na kailangan ninyong malaman. Ito ay mga bagay na dapat nating malaman tungkol sa mga nangyayarari sa ekonomiya.
Ano ang Sambahayan?
Ang sambayanan ay tumutukoy sa isang sektor sa ekonomiya na kinabibilangan ng mga pamilya o ng mga tao na kumikita ng pera. Dahil dito, maari sabihin na ang sambahayan ang nagbibigay ng kita sa mga bahay-kalakal.
Mayroong dalawang(2) sektor sa isang simpleng ekonomiya:
❶ Sambahayan
❷ Bahay Kalakal
Dagdag pa rito, ito ay kinabibilgan ng mga tao habang ang bahay kalakal naman ay ang gumagawa ng produkto at serbisyo.

Sambahayan at Bahay kalakal
Sambahayan
➤ ito ang nagbibigay ng mga manggagawa at ng mga lupa sa bahay-kalakal. Sila rin ang bumibili ng mga produkto at serbisyo na lumalabas galing sa bahay kalakal.
Ginagamit nito ang mga produkto at serbisyo para sa ikauunlad nila tulad na lamang ng eduksayon, kalusugan, at marami pang iba.
Bahay Kalakal
➤ ito naman ang gumagawa ng mga produkto at serbisyo. Sila naman ang nagbibigay ng trabaho sa mga sambahayan. Binibigyan din nila ng pera sa anyo ng sahod at upa sa lupa ang mga nasa sambahayan.
Dagdag pa rito, ang bahay kalakal ang pangunahing aktor sa modelo ng pambansang ekonomiya na tagalikha ng mga produkto o serbisyo.

Bahaging ginagampanan ng Sambahayan
- Ito ang nagmamay-ari sa mga salik ng produksyon.
- Ang nagbabayad sa gastos mula sa paggawa ng mga produkto at serbisyo.
- Ito ang tumatanggap ng mga kinita galing sa bahay kalakal bilang kabayaran sa ginastos mula sa paggamit ng mga salik sa produksyon.
Ano ang ugnayang namamagitan sa Sambahayan at Bahay kalakal?
Ang dalawang aktor na ito ay umaasa sa isa’t isa upang matugunan ang kanilang pangangailangan at kagustuhan. Sa maikling salita, ang sambahayan ay kalipunan ng mamimili at ang bahay-kalakal ay tagalikha ng mga produkto at serbisyo.
Makikita ang ugnayan ng dalawang aktor sa paikot na pagdaloy ng pera. Tunghayan ang maikling proseso ng mga nangyayari sa paikot na daloy ng pera.
- Ang buong pamilya o ang isang sektor ng ekonomiya ay bumibili ng produkto sa anyo ng pera.
- Ang sambahayan ay nagbibigay ng mga manggagawa sa bahay kalakal.
- Binebenta ng bahay kalakal ang mga produkto at serbisyo sa mga nasa sambahayan.
- Gumagawa ng mga produkto at serbisyo ang bahay kalakal gamit ang mga likas na yaman at mga trabahador.
- Ginagamit ng bahay-kalakal ang natirang pera para sa ikauunlad nila tulad ng pagkuha ng mga dagdag na trabahador.
- Kumikita ang mga bahay kalakal mula sa isang sektor ng ekonomiya ng pera.
- Ginagamit ng mga manggagawa ang nabili nilang produkto at serbisyo para sa ikauunlad ng kanilang buhay.
- Ang mga manggagawa ay binabayaran ng bahay kalakal sa anyo ng sahod ng nito at upa sa lupa.
- Ginagamit ng mga manggagawa ang sahod para bumili ng mga produkto.
Konklusyon
Ang paksang ito ay tungkol sa kung ano ang sambahayan at ano ang ugnayan nito sa bahay kalakal. Ito ay isang sektor sa ekonomiya na kinabibilangan ng mga pamilya o ng mga tao na kumikita ng pera. Mahalagang matutunan ito ng mga mag-aaral dahil bahagi ito ng ating ekonomiya.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagbabasa sa artikulong ito. Nawa ay mayroon kayong natutunan sa araling ito. Kaya, hinihikayat ko kayong magbasa at mag-aral tungkol sa ibat-ibang aralin.
Mga katanungan
Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa “Ano Ang Sambahayan, Ugnayan at Ginagampanan Nito,” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.
Para sa iba pang karagdagang aralin
- Pang-ugnay Halimbawa Sa Pangungusap
- Salitang Naglalarawan Kahulugan
- Kilos Lokomotor At Di Lokomotor
- Paano Gumawa Ng Talumpati
- Ano Ang Neokolonyalismo
We are Proud Pinoy.