NEOKOLONYALISMO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano ang kahulugan ng neokolonyalismo, uri, epekto, at ang mga halimbawa nito. Isa ito sa mahalagang malaman bilang isang mag-aaral at mamamayan.
Kapag ikaw ay hindi pamilyar sa salitang neokolonyalismo siguradong mapapatanong ka talaga kung ano ba ang ibig-sabihin ng neokolonyalismo? Tunghayan sa ibaba ang lahat ng inyong kailangan malaman tungkol dito.

Ngayon, atin ng tatalakayin kung ano nga ba ang tinatawag na neokolonyalismo kahulugan, uri, epekto at mga halimbawa nito na kailangan ninyong malaman. Ito ay mga bagay na dapat nating malaman tungkol sa mga nangyayarari sa ating bansa.
Ano ang kahulugan ng Neokolonyalismo?
Ang neokolonyalismo o neo- kolonyalismo ay tumutukoy sa isang impluwensyang panlipunan at pangkultura ng mga mananakop. Ito ang tawag sa makabago at hindi makatuwirang pananakop ng mga makapangyarihang bansa laban sa mahihinang bansa ng hindi direkta ngunit sa ekonomikal na pamamaraan.
Dagdag pa rito, ang salitang ito ay nagmula sa“ neo” na ang ibig sabihin ay makabago. Ang kanilang pamamaraan ng pananakop ay hindi na tulad ng dati, hindi na sila gumagamit ng dahas o kahit anumang pananakot.
Ano ang Halimbawa ng Neokolonyalismo?
Ang ilan sa halimbawa ng neokolonyalismo ay:
- Ang halimbawa ng neokolonyalismo ay maaaring sa aspeto ng pulitika, ekonomiya, kalakalan, kultura, at iba pa.
- Ang kanilang estratehiya ay ang pagpapautang ng pera sa mga bansang mahihirap katumbas ng kanilang ninanais o kagustuhan. Dito na magsisimula ang pagkontrol ng isang kolonisador na bansa sa pamumuhay ng mga tao.
- Sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong o foreign aid ng mga mayayamang bansa sa mga mahihirap na bansa.
Anyo ng Neokolonyalismo
Narito ang ilang anyo ng neokolonyalismo
- Neokolonyalismong Politikal ⟹ Ang neokolonyalismong Politikal ay ang pagkakaroon ng kalayaan sa politika. Ang bansang ito ay may sariling pinunu at pamahalaan. Subalit makikita pa rin ang impluwensiya ng dating mananakop sa dating kolonya.
- Ang halimbawa nito ay ang pagsunod ng isang bansa sa dating kolonya sa mga patakarang panlabas ng isa pang bansa o ang dating mananakop.
- Neokolonyalismong Pangmilitar ⟹ Ang neokolonyalismong pangmilitar ay isang kondisyon na kung saan ang bansang mananakop ay magbibigay ng kalayaan sa bansang kolonyal kung ito ay papayag na makapagpatayo ng base militar ang bansang mananakop.
- Ang halimbawa nito ay kung ang dating mananakop ay inatake o may kalaban na ,ibang bansa, magiging obligado ang dating kolonya na tulungan ito. At kapag ang dating kolonya naman ang inatake, maaaring ipagsawalang bahala ito ng dating mananakop ang pagtulong dito.
- Neokolonyalismong Pangkabuhayan ⟹ Ang neokolonyalismong pangkabuhayan ay nagpapapataw muna ng mga kondisyon na may kinalaman sa ekonomiya ang mga bansang mananakop sa bansang kolonya nito bago nito palayain ang bansang kolonya.
- Ang halimbawa nito ay ang pagkakaraon ng pagpapahintulot ng malayang kalakalan sa dating mananakop at hindi pagpapataw ng buwis sa mga kalakal nila.
- Ang pagkakaroon ng pahintulot sa mga dayuhan(dating mananakop) na magkaroon ng lupa sa dati nitong sinakop na bansa.
Tanda ng Neokolonyalismo
- Ang isang mahinang bansa ay nagiging tambakan ng mga produkto ng mga malalaking bansa.
- Ang mga yamang likas ng mga mahihirap na bansa ay pinagsasamantalahan ng mga malalaking bansa.
- Nagiging tagapagtustos ang mga mahihirap na bansa ng mga hilaw na materyales na ginagamit ng mga mayayamang bansa.
- Ang mga mahihirap na bansa ang nagiging pangunahing pinagkukunan ng lakas paggawa sa murang halaga.
Uri ng Neokolonyalismo
Ang neokolonyalismo ay mayroong tatong uri:
✔ Ekonomiko
Ito ang uri ng neokolonyalismo na nagbibigay ng kaagarang tulong sa bansang nangangailangan kunwari ang bansang ito ay may malakit. Subalit, ang totoo ay gusto lamang nito na sakupin ang bansang mahina. Dito na pumapasok ang kanilang pangingialam sa pamamalakad ng ekonomiya ng isang bansa.
✔ Kultural
Ito naman ay ang pagtuturo sa mga dayuhan sa mga bagong pananaw, dito na pumapasok ang pagtangkilik ng mga banyagang kultura.
✔ Gobyerno
Dito pumapasok ang pamamahala ng banyagang bansa sa isang mahinang bansa.
Mga Epekto ng Neokolonyalismo
Narito ang ilang epekto ng neokolonyalismo sa isang bansa.
Labis na Pagkakandili o Overdependence
Ito ay ang sobra o labis na pag-asa ng mga mahihirap na bansa sa mga makapangyarihan o mayayamang bansa dahil sa mga tulong na kanilang ibinibigay nito sa mga mahihirap na bansa. At, dahil doon ay tumataas ang antas ng pagsalalay ng mga mahihirap na bansa sa mga mayayamang bansa.
Kawalan ng Pagkakakilanlan o Loss of Identity
Ito ay ang kawalan ng dignidad o karangalan ng isang bansa dahil madalas na may kapalit ang ibinibigay na tulong ng mga mayayamang bansa sa mga mahihirap, nawawalan ng dignidad ang mga mahihirap na bansa.
Patuloy na Pagkaalipin o Continued Enslavement
Ito ay ang patuloy na pang-aalipin ng mga mayayamang bansa sa mga mahihirap na bansa. Sapagkat ang mga mahihirap na bansa ay madalas nagiging alipin kapalit ng tulong. Dahil ito sa walang kakayahan ang kanilang bansa sa tustusan ang pangangailangan ng mga mamayan.
Konklusyon
Ang paksang ito ay tungkol sa neokolonyalismo kahulugan, epekto at mga halimbawa nito. Ito ay isang pamamaraan ng pananakop ay hindi na tulad ng dati, hindi na sila gumagamit ng dahas o kahit anumang pananakot.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagbabasa sa artikulong ito. Nawa ay mayroon kayong natutunan sa araling ito. Kaya, hinihikayat ko kayong magbasa at mag-aral tungkol sa ibat-ibang Filipino lesson.
Mga katanungan
Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa “Ano Ang Neokolonyalismo (Epekto, Halimbawa, At Kahulugan),” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.
Para sa iba pang Aralin
- Ano ang Pang-ugnay
- Pang-ugnay Halimbawa Sa Pangungusap
- Salitang Naglalarawan Kahulugan
- Kilos Lokomotor At Di Lokomotor
- Paano Gumawa Ng Talumpati
We are Proud Pinoy.