KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN – Sa artikulong ito, ating palalawawakin ang inyung kaalaman tungkol sa kung ano ang kaligirang pangkasaysayan. Tila marami sa inyu ang nakalimut na tungkol dito.
Ang paksang ito ang magpapaalala sa inyu sa kahalagahan ng ating kasaysayan. Tunghayan sa ibaba ang aming kinalap na mga detalye na kailangan ninyong malaman at bigyang pansin.

Ngayon, atin ng talakayin ang kaligirang pang kasaysayan . Dito inyung mababasa ang mga naganap noong unang panahon na dapat ninyung malaman at isaisip ang mga mahahalagang nangyari noon sa komunidad ng bansang Pilipinas.
Ano ang Kaligirang Pangkasaysayan?
Ang kaligirang pangkasaysayan o tinatawag na “historical background” sa wikang Ingles. Ito ay tumutukoy sa mga pangyayari o mga kaganapan noong unang panahon.
Naglalarawan ito ng mga dahilan kung bakit at paano mayroong ganito at bakit ganito ang isang bagay, tao, pangyayari, at iba pa. Dagdag pa rito, tinatawag din itong pinagsimulan o “origin.”
Dito malalaman ang pinanggalingan o pinag-ugatan ng isang bagay, tao, at mga pangyayari. Maaring ito at nababasa, naririnig, nakikita, at nararanasan at patuloy na nakakaapekto sa mga bagay-bagay hangang sa kasalukuyan.
Isa sa mga halimbawa nito ay ang pananakop sa atin (bansang Pilipinas) ng mga Kastila. Karamihan sa ating kultura ay ating nakuha sa kanila. Kagaya na lamang ng relihiyon, damit, pagkain, mga salitang hiram, at marami pang iba.
Halimbawa ng Kaligirang Kasaysayan
Narito ang (4) apat na halimbawa ng kaligirang kasaysayan.
1. Kaligirang pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
Ang Noli Me Tangere ay ang kauna-unahang nobelang naisulat ni Jose Rizal. Tungkol ito sa paghihimagsik ng mga Pilipino laban sa pang-aapi, pang-aalispusta, at kalupitan ng mga Kastila. Si Dr. Jose Rizal ay (24) dalawangpu't apat lamang ng sinimulang niyang isulat ang nobela. Nailathala ang nobelang ito noong siya'y (26) dalawangpu't anim. Ang kanyang inspirasyon kaya niya naisipang magsulat ay ang mga aklat na "The Wandering Jew, Uncle Tom’s Cabin, at ang Bibliya." Ito ang mga aklat na nagbigay sa kanya ng inspirasyon at lakas ng loob upang ipagtanggol ang mga Pilipino laban sa mga Kastila sa paraang pagsusulat. Nais ni Rizal na kumuha ng iba pang karanasan sa kanyang kapwa Pilipino. Subalit hindi ito naisakatuparan, kung kaya mag-isa niyang sinulat ang nobela. Noong 1884 sinimulan niyang isulat ang nobela sa Madrid, ngunit kalahati lamang ang natapos niya. Sa Paris niya pinapatuloy ang pagsusulat ngunit hindi rin niya ito natapos. Noong Pebrero, 21, 1887 sa Alemanya, ay natapos niya ang huling bahagi ng nobela. Pagkatapos ng maraming taon ay natapos din ni Rizal ang kanyang nobela ngunit wala siyang pilak upang ipalimbag ito. Mabuti na lamang ay pinahiram siya ni Maximo Viola (kanyang kaibigan) ng salapi. Ito ang naging daan upang maipalaganap ang kayang nobela. Nagkaroon ito ng 2,0000 na kopya at lumaganap ito sa ibat-ibang lugar. Ang nobelang ito ay nakarating sa mga Kastila. Hindi nila nagustuhan ang mga isinulat ni Rizal kaya labis na lamang ang kanilang galit kay Rizal.
2. Kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismo
Nagsimula ang lahat matapos lumaganap ang kayang unang nobela na pinamagatan niyang "Noli Me Tangere." Ang nobelang ito ay nakarating sa mga Kastila, dito nagsimula ang banta sa buhay ni Jose Rizal at ng kanyang pamilya. Sa kabila ng mga banta sa kanyang buhay ay patuloy pa rin ang kanyang pagsusulat dahil nakita niya ang magandang epekto nito sa kanyang kapwa Pilipino at sa mga mananakop (Kastila). Dahil sa labis na galit ng mga Kastila kay Rizal ay umalis ito ng bansa. Ngunit, sa kabila ng lahat ipinagpatuloy pa rin niya ang pagsusulat ng isa pang nobela. Ito ang "El Filibusterismo" ang ikalawang nobela ni Jose Rizal, isa ito sa pinaka-tanyag na nobela na gawang Pilipino. Kanyang isinulat ang nobelang ito upang mamulat ang mga kababayang Pilipino sa pang-aapi ng mga Kastila. Dahil sa nobelang El Filibusterismo, naging inspirasyon ito ng mga Pilipino sa pag laban sa mga Kastila at sa mga isyung lipunan na kanilang hinaharap. Sa kanyang pagsusulat sa nobelang ito ay hinango niya sa kanyang mga karanasan sa buhay. Kabilang dito ang ginawang pagpapahirap sa kanyang mga mahal sa buhay. Ang pagkuha ng mga sinasakang lupain ng mga magsasaka sa kanyang nasasakupan. Tampok din sa nobela ang kanyang pagmamahal kay Leonor Rivera. Dahil hindi sila pinahintulutan na magpakasal sapagkat ayon sa mga magulang ni Leonor, isang erehe raw si Rizal. Hindi naging madali ang pagsusulat ni Rizal, nagkaroon siya ng mga suliranin. Isa na rito ang pananalapi, mabuti na lamang ay pinahiram siya ng kanyang kaibigan na nagngangalang Valentin Viola. Natapos ni Jose Rizal ang paglilimbag ng nobela noong 1891 sa ibang bansa. Ipinamahagi niya ito sa ibat-ibang bahagi ng Europa at Hong Kong.
3. Kaligirang pangkasaysayan ng Florante at Laura
Ang Florante At Laura ay isinulat ni Francisco ‘Baltazar’ Balagtas. Isa siya sa pinakadakilang manunulat sa Pilipinas. Isinulat niya ito noong 1938, ang kanyang edad ay 50 taong gulang. Noong 1906 naman ay mayroong isang manunulat na si Herminigildo Cruz. Siya ang sumulat ng akda tungkol sa buhay at akda ni Francisco Baltazar. Pinamagatan niya itong "Kung Sino ang Kumatha ng Florante at Laura". Ito ay isinulat niya bilang pagbibigay-pugay sa pamanang iniwan ni Francisco Baltazar. Sa tulong ni Victor Baltasar, anak ni Francisco Baltasar, at ng iba pang kasapi ng pamilya. Nagkaroon ng ibat-ibang bersyon ang Florante at Laura na nasa wikang Ingles at Tagalog. Datapuwa't, sa hindi inaasahan nasunog at nasira ang mga iyon noong 1945. Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Gayunpaman, mayroong isang palimbagan ang nakapagtabi ng orihinal na kopya ng aklat na siyang pinagkopyahan ng mga sumunod na sipi ng aklat noong 1875. Batay sa mga eksperto ng kasaysayan, ang Florante at Laura ay isang uri ng korido. Ito ay hango sa kwentong pag-ibig ni Balagtas, kanyang mga karanasan at kasawian sa buhay. Ang Pangunahing tagpuan ng Florante at Laura ay ang madilim na gubat ng Quezonaria. Sinasabing ang bidang si Florante ay si Balagtas daw samantala, si Laura naman ay ang kanyang iniibig na si Maria Asuncion Rivera. Hindi nagkatuluyan ang dalawa dahil si Maria ay naikasal sa ibang lalaki na nagngangalang si Mariano Capule na isa ring masugid na manliligaw at karibal sa pag-ibig ni Francisco Baltazar at kinakatawan naman ni Adolfo sa kwentong Florante at Laura. Isinulat ni Baltazar ang Florante at Laura habang siya'y nasa kulungan.
4. kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna
Ang Ibong Adarna ay isang uri ng korido na binibigkas sa pakantang paraan. Ito ay bahagi ng panitikang Pilipinas. Nailimbag at naitala sa kasaysayan ng panitikang Pilipino ang Ibong Adarna, noong ikalabing-anim na siglo na ang makaraan. Hanggang sa ngayon wala pa ring katiyakan kung sino nga ba ang sumulat nito. Sa kabilang banda, mayroong nagsasabi na ito raw ay sinulat ni Jose dela Cruz o (Huseng Sisiw). Mayroon ding nagsasabi na ito raw ay epiko ng mga Kastila na dinala ni Manuel Lopez de Legazpi noong siya ay pumunta ng Pilipinas. Ang Ibong Adarna ay tungkol sa buhay na pinagdaanan nang tatlong prinsipeng magkakapatid na anak ng Haring Fernando at ng Reina Valeriana sa Kahariang Berbania. Kahit hindi pa napapatunayan na ito ay isinulat ng isang Pilipino. Tinanggap ito ng mga Pilipino. Sapagkat ang kultura at pagpapahalaga nito ay naangkop sa bansang Pilipinas. Kabilang dito ang pananampalataya, pagpapahalaga sa pamilya, at pagkakaroon ng magandang ugnayan sa kasapi ng pamilya. Ang orihinal na bersiyon ng Ibong Adarna na nakarating sa Pilipinas ay mayroong 1,056 na saknong at ang kabuuan ng aklat ay mayroong 48 na pahina. Marahil sa mga gintong aral na makukuha sa korido ay ginawa itong bahagi ng pag-aaral ng mga kabataan at isa sa mga akdang pampanitikang tinatalakay sa paaralan.
Konklusyon
Sa paksang ito, ating tinalakay kung ano ang kaligirang pang kasaysayan at mga halimbawa ng kaligirang kasaysayan. Isa ito sa magandang pag-aralan sapagkat, nakakalimutan na ito ng ibang mag-aaraln sa panahon ngayon.
Ang paksang ito ay isang malaking tulong para sa mga mag-aaral sa kanilang aralin sa Filipino. Maari ninyong ibahagi sa iba ang artikulong ito, upang magkaroon din sila ng kaalaman tungkol sa paksang iyong natutunan.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagbabasa hanggang sa dulo ng artikulong ito. Nawa ay mayroon kayong natutunan. Kaya, hinihikayat ko kayong magbasa at mag-aral tungkol sa ibat-ibang aralin sa Filipino.
Mga katanungan
Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa “Ano Ang Kaligirang Pangkasaysayan at Halimbawa Nito,” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.
Para sa iba pang Aralin
- Malikhaing Pagsulat Halimbawa
- Halimbawa Ng Dula
- Ano Ang Tulang Patnigan
- Ano Ang Pagsalaysay
- Anekdota Halimbawa At Kahulugan Nito
We are Proud Pinoy.