30 Halimbawa Ng Karapatang Pantao At Kahulugan

30 HALIMBAWA NG KARAPATANG PANTAO – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang karapatan o karapatang pantao at ang mga halimbawa nito. Mahalagang malaman natin ang ibat-ibang karapatan pantao sa pagkakataong ito.

Handa ka na ba? Halina’t tunghayan sa ibaba ang ibat-ibang halimbawa ng karapatan pantao na kailangan ninyong malaman at pagtuunan ng pansin.

30 Halimbawa Ng Karapatang Pantao At Kahulugan
30 Halimbawa Ng Karapatang Pantao At Kahulugan

Sa pagkakataong ito, atin ng talakayin ang kahulugan at ibat-ibang halimbawa ng karapatan o karapatang pantao. Basahin at intindihing mabuti ang mga impormasyong inyung mababasa.

Ano ang Karapatang Pantao?

Ang karapatang pantao ay tumutukoy sa mga karapatan at mga kalayaan na nararapat na matanggap ng lahat ng tao. Ito rin ay ang pamantayang moral o kaugalian ng bawat tao.

Ang karapatang pantao ay nangangahulugang pagkakaroon ng kalayaang mamuhay ng mga tao. Ito ay nangangahulugan ding pagkapantay-pantay sa lahat ng uri ng hahi at paggalang.

Mahalaga rin ang mga karapatang pantao dahil nagbibigay ito ng proteksyon, lalo na sa mga taong inaabuso at napapabayaan para sa kanilang mga lahi at iba pang katulad na sitwasyon.

Simula palang na ipanganak ang isang tao ay may karapatan na itong matatanggap sa buhay. Dagdag pa rito, may layunin itong panatilihin ang reputasyon ng bawat tao at maging maayos at ligtas.

Sa bansang Pilipinas, ang karapatang pantao ay nasa sa Artikulo III o ang Bill of Rights

Kahalagahan ng karapatang pantao

Narito ang ilang mga dahilan kung bakit mahalaga ang karapatang pantao:

  • Upang mabuhay ang tao ng masaya at malaya
  • Upang maiwasan ang diskriminasyon
  • Upang maging malaya silang pumili ng relihiyon
  • Upang maging malayang makapagpahayag at mag-isip.
  • Upang mayroong patas na paglilitis at due process ng batas.
  • Upang iligtas ang mga tao sa pang-aabuso, kalupitan at pang aalipin.

Ngayon, narito na ang mga halimbawa ng karapatang pantao

Mga 30 Halimbawa ng Karapatang Pantao

Narito na ang 30 karapatang pantao halimbawa at ang deskripsyon nito.

1. Ang karapatan sa buhay

Ito ang pangunahing karapatan ng isang tao. Ang bawat tao ay may karapatan sa buhay, kalayaan at kapanatagan ng sarili. Ito ay nagpapahayag ng malayang pag-unlad at proteksyon ng bawat isang mamamayan.

2. Ang karapatan sa kalayan

Ang bawat mamayang Pilipino ay may kalayaan at ang pagkakaroon ng pantay-pantay na karangalan at mga karapatan. Ang lahat ng tao ay ipinanganak na may kalayaan at mayroong pantay-pantay sa karangalan at mga karapatan.  

Wala itong pagtatangi, kagaya na lamang ng kulay, lahi, wika, kasarian, katayuan sa buhay, pampulitika o iba pang katayuan.

3. Karapatan o kalayaan sa pagsasalita

Ang bawat Pilipino ay mayroong karapatan sa pagpapahayag ng kanilang saloobin o damdamin. Malayang makakapagsalita ang isang tao batay sa kanyang gusto.

4. Ang karapatan sa pagkakapantay-pantay sa harap ng batas

Ang bawat isa ay mayroong pantay na karapatan sa batas. Kung ikaw ay inakusahan, ikaw ay may karapatang ipaglaban ang iyong sarili sa pagbibigay ng pamahalaan ng mga pambublikong abogado.

Ang bawat mamamayang Pilipino ay may karapatang kilalanin sa hukuman ng batas saan mang lugar bilang isang tao.

5. Karapatan sa disenteng buhay

Ang bawat tao ay may karapatang mamuhay ng disente, maayos, at mapayapa. Nang walang nangingialam na kasapi ng pamahalaan o ibang tao.

6. Ang karapatan sa paghahangad ng kaligayahan

Lahat ng tao ay mayroong karapatan sa paghahangad ng kaligayahan. Ang bawat tao ay malayang makakagawa ng paraan upang maging maligaya sa buhay.

7. Karapatang lumaya sa pagkaalipin

Ang isang tao ay may karapatang lumaya sa kanyang pagka-alipin kung kailan nito gusto.

8. Karapatan sa edukasyon

Ang bawat mamamayang Pilipino ay mayroong karapatan sa edukasyon. Maaring mayaman o mahirap ay pinapayagan ng pamahalaan na makapag-aral ang bawat estudyante. Ito ay suportado ng gobyerno upang ang kinakabukasan ng mga mag-aaral sa pampublikong paaralan ay maging matagumpay.

9. Karapatan sa kalayaan ng pag-iisip

Lahat tayo ay may kalayaan sa pag-iisip kung ano man ang gusto mong isipin sa isang bagay, tao, pangyayari, at iba pa. Ito ang karapatang hindi usigin mula sa mga bagay-bagay na iyong iniisip.

10. Karapatang Mabuhay

Ang bawat tao ay isinilang na malaya at ang pagkakaroon ng pantay-pantay sa karangalan at mga karapatan.

11. Karapatang sa pansariling kalayaan

Ang bawat mamayang Pilipino ay may pansariling kalayaan. Itinatag ito upang walang tao ang maaaring basta na lang mapagkaitan ng kalayaan na labag sa kanilang kalooban.

Samantala, ang mga taong gumagawawa ng krimen ay dapat makulong kahit na sila ay may pansariling kalayan. Sapagkat layunin nito na protektahan ang bawat indibidwal.

12. Karapatan sa Pag-aari

Ang bawat mamamayang Pilipino ay mayroong karapatang mag may-ari. At, ito ay bawal o hindi pwedeng pakialaman ng ng batas ang isang bahay oa ri-arian na walang kaukulang utos sa paghahalughog.

13. Karapatan sa Relihiyon

Ang bawat tao ay may kalayaang pumili kung anong relihiyon ang kanyang pipiliin. Dito sa ating bansang Pilipinas ay maraming relihiyon kaya ginarantiya ng pamahalaan na ang bawat isa ay karapatang mamili.

Dagdag pa rito, malaya ang isang tao na isagawa ang kanyang mga paniniwala sa relihiyon ng walang takot na kasuhan dahil sa kanyang mga paniniwala o pinaniniwalaan.

14. Karapatan sa Pribadong Komunikasyon

Ang pagkakaroon ng karapatan ng bawat tao na makipagusap sa iba ng walang kinakatakutan.

Ito ang karapatang malayang makipagkomunikasyon sa sinumang tao at sumali sa ibat-ibang grupo na gustong mong maging bahagi.

15. Karapatan magtrabaho

Bawat isa ay may karapatang humanap ng trabaho at kumita ng pera upang matustusan ang pangangailangan sa pang-araw-araw, lalaki man o babae.

Dagdag pa rito, bawat isa ay may karapatan sa paggawa o magtrabaho. At, ang malayang pagpili ng mapapasukang trabaho o hanapbuhay.

16. Karapatan sa seguridad

Ang pamahalaan ang siyang nagpapanatili ng seguridad ng bawat tao sa isang bansa. Ito ang karapatang seguridad na ang bawat mamayan ang protektado ng gobyerno laban sa mga krimen, digmaan, at kalamidad.

17. Karapatang mamuhay ng walang diskriminasyon

Ang bawat tao ay may karapatang mamuhay ng walang diskriminasyon kahit anuman man ang anyo, hitsura, antas ng pamumuhay ng isang tao.

18. Kalayaan sa paglalakbay

Lahat tayo ay mayroong kalayaan sa paglalakbay o pagbibiyahe sa ibat-ibang lugar. Ito ay isang karapatan kung saan ang isang indibidwal ay malayang makakapunta sa mga lugar na gustong nitong puntahan.

19. Karapatang Mamili

Ito ang karapatang malaya kang mamili sa mga bagay na gusto mo o gusto mong mangyari sa iyong buhay.

20. Karapatan sa karangalan

Bawat isa ay mayroong karapatang tumanggap ng karangalan. Ang karangalan na ito ay upang protektahan ang isang indibidwal sa kanyang pagkatao.

21. Karapatan sa pagkamit ng katarungan

Ang bawat taong inaapi ay may karapatang makamit ang katarungan laban sa mga mapang-abuso at mapang-aping tao. Sa pamamagitan ng karapatan sa pagkakapantay-pantay sa harap ng batas.

Ito ang pagkakaroon ng karapatan na maging inosente hanggang hindi napapatunayan na ang isang tao ay may sala.

22. Karapatan sa pagkakaroon ng personal privacy

Ito ang karapatang kontrolin ng isang tao kung ano ang gusto niyang mangyayari sa kanyang sariling katawan at magsagawa ng mga medikal na desisyon para sa kanyang buhay.

23. Karapatan na pumili ng nasyonalidad

Ang lahat ay may karapatan pumili kung anong gusto niyang nasyonalidad ng hindi pinakikialaman ng pamahalaan o ng ibang tao.

24. Karapatan sa ari-arian

Ang bawat indibidwal may karapatang magkaroon ng ari-arian bilang isang mamamayang Pilipino.

Ang bawat tao ay may karapatan sa ari-arian. Ito ay ang pagkakaroon ng mga bagay, kalakal, at mga lupain na hindi kinukuha o pinakikialaman ng gobyerno.

25. Ang Karapatan para ilahad ang opinyon

Ang bawat tao ay may karapatang ilahad ang opinyon batay sa isang paksa, kalayaan sa pagkukuro, at pagpapahayag ng saloobin.

26. Karapatang magdesisyon

Lahat tayo ay may karapatang magdesisyon sa ating buhay. May kalayaan tayong gawin ang anumang bagay o naisin natin sa ating buhay.

27. Karapatang mamuhay ng malaya

Ang bawat tao ay may karapatang mamuhay ng malaya at maging malaya sa pagpapahirap ng sinuman.

28. Karapatang pumili ng kabiyak

Ang bawat indibidwal ay may karapatang pumili ng kabiyak sa tamang edad at panahon. Ang mga babae at lalaking nasa tamang edad ay may karapatang mag-asawa at bumuo ng sariling pamilya.

29. Karapatan sa malayang samahan

Ang bawat tao ay may karapatan sa malayang samahan sa mapayapang pakikipagsamahan at magkaisa sa ibat-ibang grupo.

30. Karapatan sa Kapayapaan

Ang bawat mamamayang Pilipino ay may karapatan sa kapayapaan at isa ito sa mga pangunahing karapatan ng bawat indibidwal. Layunin ng pamahalaan na bigyang kapanatagan ang mga mamamayan sa anumang peligro.

Konklusyon

Sa artikulong ito, ating tinalakay ang halimbawa ng karapatan o karapatang pantao. Isa ito sa magandang pag-aralan sapagkat maraming may mga tao at mga mag-aarala na wala pang alam tungkol dito.

Ang paksang ito ay isang malaking tulong para sa mga mag-aaral sa kanilang aralin sa Filipino. Maari ninyong ibahagi sa iba ang artikulong ito, upang magkaroon din sila ng kaalaman tungkol sa paksang iyong natutunan.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagbabasa hanggang sa dulo ng artikulong ito. Nawa ay mayroon kayong natutunan. Kaya, hinihikayat ko kayong magbasa at mag-aral tungkol sa ibat-ibang aralin sa Filipino.

Mga katanungan

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa “30 Halimbawa Ng Karapatang Pantao At Kahulugan,” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.

Para sa iba pang Aralin

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment