HALIMBAWA NG DULA – Sa artikulong ito, ating matutunghayan ang mga halimbawa ng mga dulang pantanghalan sa Filipino na may iba’t-ibang tema. Sa pamamagitan ng mga dulang ito, tayo ay may matututunang mga kaalaman na paniguradong makakapagpabago sa ating mga pananaw sa buhay.

Bago ang lahat, alamin muna natin kung ano ang kahulugan ng dula.
Ano ang Dula?
Ang dula ay isang uri ng panitikan, na hango sa salitang griyego na “drama,” at “play” naman sa Ingles. Ito ay isang paglalarawang ginaganap sa isang teatro. Bukod pa rito, maaaring hango ito sa totoong buhay o kathang-isip lamang ng isang manunulat.
Dagdag pa rito, ang dula ay nahahati sa ilang yugto na maraming tagpo. Ang bawat yugto nito ay mayroong maraming eksena na tinatawag sa Ingles na “Stage Play,” dahil ang isang dula ay itinatanghal sa isang entablado.
Mga sangkap ng Dula:
- Tagpuan – tumutukoy sa panahon at pook kung saan naganap ang mahahalagang pangyayari sa dula.
- Tauhan – tumutukoy sa mga taong gumaganap sa isang dula.
- Kakalasan – ito ay ang unti-unting pagtukoy ng kalutasan sa mga problema at pagsasaayos ng mga ito.
- Kasukdulan – ito ay bahagi ng dula na nagbibigay pagsubok sa mga tauhan.
- Tunggalian – tumutukoy sa mga paglalaban ng mga tauhan sa dula.
- Sulyap sa suliranin – tumutukoy sa mga suliranin sa dula na kailangan solusyunan.
- Saglit na kasiglahan – tumutukoy sa mga pansamantalang kasiyahan na nararanasan ng mga tauhan.
Mga Tema ng Dulang Pantanghalan
Time needed: 2 minutes.
Narito ang ilang tema ng mga dula na pantanghalan na ating matutunghayan sa artikulong ito.
- Dulang Trahedya
Ang Dulang Trahedya ay isang halimbawa ng dula na nakakaiyak o nakakasama ng loob na kadalasang may malungkot na pagtatapos. - Dulang Komedya
Ang Dulang Komedya ay isang halimbawa ng dula na nakakatawa o nagbibigay ng kasiyahan sa mga mambabasa. - Dulang Melodrama
Ang Dulang Melodrama ay isang halimbawa ng dulang nakakaiyak at nag-aantig sa puso ng mga mambabasa. - Dulang Parsa
Ang Dulang Parsa ay isang halimbawa ng dula na puro katatawanan ang laman na halos wala ng saysay ang kwento.
Mga Halimbawa ng Dula sa Filipino
Ang ating matutunghayan sa ibaba ay ang mga halimbawa ng dulang pantanghalan sa iba’t-ibang tema. Narito ang ilang halimbawa ng dula:
Trahedya o Dulang Trahedya

“Moses, Moses“
May akda: Rogelio Sikat
Ang dulang ito ay tungkol sa kawalang katarungan na nangyari sa isang pamilya. Isang makatarungan na tao ang ina sa dula ngunit ito’y nakulong dahil sa mga taong hindi makatarungan.
Isinasawalat sa dulang ito ang totoong nangyayari sa panahon ngayon. Hindi man nilalahat ngunit ito ang kadalasang nangyayari sa ating mundo.

“Jaguar.”
May akda: Catalino Ortiz Brocka
Ang dulang ito ay tungkol sa isang sekyu na gustong makaahon sa kahirapan. Dahil dito, pinilit nitong mapalapit sa kanyang mayaman na amo.
Sa kawakasan ng kwento, ito ay napadpad sa bilangguan dahil napatay nito ang kaibigan ng kanyang amo sa pagtatanggol dito.

“Kahapon, Ngayon, at Bukas“
May akda: Aurelio Tolentino
Ang dulang ito ay tungkol kay Asalhayop na ipinagbenta ang kanyang mga kapatid at kasama dahil sa pilak.
Dahil sa ginawa ng sakim sa kayamanan na si Asalhayop, siya ay hinatulan ng kamatayan. Ang dulang ito ang patunay na hindi nagwawagi ang kasamaan.

“Sinag sa Karimlan.”
May akda: Dionisio S. Salazar
Ang dulang ito ay tungkol sa kwento ng apat na bilanggo na nagbahagi sa isa’t-isa kung paano sila napadpad sa bilangguan.
Natuon ang kwento sa pagpapatawad ng isang anak sa kanyang amang iniwan sila’t ang kanyang ina dahil sa isang babae. Ating tandaan na ang pagpapatawad ang daan upang tayo ay magkaroon ng katahimikan.

“Anghel“
May akda: Noel De Leon
Ang dulang ito ay tungkol sa isang taong namuhay ng masama dahil sa kahirapan sa buhay. Maaga pa itong naging ulila dahil bata palang siya ng mamatay ang kanyang ina at ang kanyang ama naman ay nakulong.
Dahil sa isang Anghel na ipinadala ng Diyos para sa kanya, nabago ang kanyang buhay. Tinulungan siya nitong kilalanin ang Diyos at bumalik sa pananampalataya sa Diyos.
Komedya o Dulang Komedya

“Sa Pula, Sa Puti.”
May akda : Francisco “Soc” Rodrigo
Ito ay tungkol sa mag-asawang inihaw ang kanilang mga tinali dahil sa pagkatalo sa sabong.
Palagi na lamang natatalo si Kulas sa sabong. Isang araw, ipinangako nitong ititigil na niya ang pagsasabong at iihawin nila ang kanyang mga tinali kapag siya ay natalo muli.

“Plop! Click!“
May akda: Dobu Kacchiri
Ito ay tungkol sa mag-among bulag na naglakbay at pinaglaruan ng isang nagdaraan.
Dahil bulag ang dalawa, akala nila’y pinagkakaisahan sila ng isa’t-isa. Nag-away ang mga ito at tumakas naman ang nagdaraan na nagpaaway sa dalawa.

“Bakit Babae ang Naghuhugas ng Pinggan.”
May akda: Filomena Colendrino
Ito ay tungkol sa mag-asawang nagkaroon ng kasunduan na kung sino ang magtatalo ay siyang maghuhugas ng pinggan araw-araw.
Natalo ang babae sa kasunduan at siya na ang maghuhugas ng kanilang pinggan palagi.

“Ang Pilosopo“
Ito ay tungkol sa isang pilosopong estudyante na kahit na pilosopo ay naka-graduate pa rin.
Isinasaad sa dula na ito na ang pagpapatawad at pagtulong, kahit na sa ating mga kaaway, ay isang mabuting gawain na dapat nating tularan.

“Ito Pala Ang Inyo.”
May akda: Federico B. Sebastian
Ito ay tungkol sa mag-asawang kakakasal lang. Hindi naging tapat ang lalaki sa kanya’t hindi nito sinabi na may anak na pala ito.
Nais ipahiwatig ng sumulat ng dula na ito na kilalanin muna natin ng mabuti ang isang tao bago natin ito pakasalan.

“Ang Pasko“
May akda: Laura B. Corpuz at Pacita D. Morales
Ito ay tungkol sa isang mag-anak na masayang ipinagdiwang ang pasko kasama ang kanilang buong pamilya at mag-anak.
Ipinapahiwatig sa dula na ito na ang pasko ay masayang ipagdiwang kapag kasama ang buong pamilya.
Melodrama o Dulang Melodrama

“Pag-ibig nga naman.”
May akda: Elaine Anne Gumaygay
Ang dulang ito ay tungkol sa dalawang taong nagmamahalan na nagkahiwalay dahil sa isang kwentong hindi dapat pinaniwalaan.
Sa kawakasan ng kwento, sila’y nagkabalikan ng malaman ang totoong nangyari. Ating tandaan na sa isang relasyon, marami talagang pagsubok na dumadating. Maging matatag tayo at palaging piliin na paniwalaan ang sinasabi ng ating puso kesa sa sinasabi ng iba.

“Noche Buena“
May akda: Galeny G. Topacio- Manalaysay
Ang dulang ito ay isang nakakaantig na kwento tungkol sa mga anak na hindi nakalimutang ipagdiwang ang pasko kasama ang kanilang ina kahit na sila’y may mga pamilya na.
Labis na naging masaya ang kanilang ina dahil sila’y magkakasama sa araw ng pasko.
Sa isang pamilya, hindi maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan. Ngunit ang mahalaga, tayo ay nagkakapatawaran at mas pinapangibabaw ang pagmamahal sa isa’t-isa.

“Walang Sugat.”
May akda: Severino Reyes
Ang dulang ito ay tungkol sa lubos na pagmamahalan nina Julia at Tenyong. Kahit na may balakid na dumating ay kinaya pa rin nilang ipaglaban ang kanilang pagmamahalan.
Ito ay isang patunay na ang tunay na nagmamahalan ay hindi sinusukuan ang isa’t-isa. Ano mang balakid o problema ang dumating, kanila itong ipaglalaban at hindi susuko kailanman.
Parsa o Dulang Parsa

“Si Rosang Taga-Bundok.” Ang dulang ito ay tungkol sa isang babaeng kasambahay sa siyudad na lumaki sa bundok.
Marami itong bagay na hindi maintindihan sa syudad lalo na sa pagkain at mga gamit. Ano kaya ang mangyayari sa babaeng taga-bundok? Atin itong tunghayan.
Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan.
Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!
We are proud Pinoy!