ANG PASKO (Dula) – Ang pasko ay isa sa mga mahalagang okasyon na tradisyon na nating ipinagdidiriwang. Mas masaya itong ipagdiwang kapag kasama natin ang ating pamilya. Dagdagan pa ng mga regalo at masasarap na pagkain.
Sa artikulo na ito, ating matutunghayan ang kwento ng isang mag-anak na masayang ipinagdiwang ang pasko kasama ang kanilang buong pamilya at kamag-anak.
Pero bago ang lahat, alamin muna natin kung ano ang kahulugan ng dula.
Ano ang Dula?
Ang dula ay isang uri ng panitikan, na hango sa salitang griyego na “drama,” at “play” naman sa Ingles. Ito ay isang paglalarawang ginaganap sa isang teatro. Bukod pa rito, maaaring hango ito sa totoong buhay o kathang-isip lamang ng isang manunulat.

Atin ng basahin at alamin ang nilalaman ng dula na pinamagatang “Ang Pasko” na isinulat nina Laura B. Corpuz at Pacita D. Morales.
Ang Pasko
Unang Tagpo
(Tanawin: Loob ng bahay)(Naghahanda ang mag-anak papunta sa simbahan. Tumutugtog ang kampana.)
Nanay: “Dalian Ninyo mga anak. Baka mahuli tayo sa misa.”
Anak 1: “Nandiyan na po ako, Nanay.”
Anak 2: “Hintayin Ninyo ako. Hindi ko makita ang sapatos ko.”
Anak 3: “Handa na po ako, Tatay.”
Anak 4: “Ako rin po.”
Nanay: “O sige, hihintayin naming kayo sa labas ng bahay, mga anak.”
Tatay: “Mag-ingat kayo sa paglalakad sa kalsada.”
(Lalakad ang mag-anak papuntang simbahan.)
Tilon
Pangalawang Tagpo
(Tanawin: Labas ng simbahan matapos ang misa)(May mga tindera. May tugtuging pamasko.)
Nanay at Tatay: “Maligayang Pasko sa inyo, mga anak…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong dula.
Pagsusuri ng Buong Dula
Pamagat: | Ang pamagat ng dula ay “Ang Pasko.” |
May akda: | Sina Laura B. Corpuz at Pacita D. Morales ang sumulat ng dula na ito. |
Uri ng Dula: | Ang dula na ito ay isang uri ng “dulang komedya.” |
Mga Tauhan: | Ang mga tauhan sa kwento ay ang Nanay at Tatay, mga anak, mga tindera, Lolo at Lola, at ang Ninang at Ninong. |
Tagpuan: | Sa loob ng bahay ng mag-anak, sa simbahan, at sa loob ng bahay nina Lolo at Lola ang tagpuan sa dula. |
Moral na Aral: | “Ang pasko ay masayang ipagdiwang kapag kasama ang buong pamilya.” |
Banghay ng Dula na “Ang Pasko”
Time needed: 2 minutes.
Narito ang banghay o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa dula.
- Sa loob ng bahay ng mag-anak, sila’y naghahanda upang magsimba. Sinabihan ng Nanay ang kanyang mga anak na magmadali na dahil mahuhuli na sila sa misa.
- Matapos maghanda ay umalis na ang mag-anak at pumunta ng simbahan. Nang matapos ang misa ay makikita na may mga tindera na nagtitinda at may tugtuging pamasko.
- Nagbatian ng “maligayang pasko” ang mag-anak at habang palabas ng simbahan ay bumili ang dalawang anak ng puto at suman sa nadaanan nilang mga tindera. Ang dalawang anak naman ay sinabing sa bahay nalang sila ng kanilang Lolo at Lola kakain.
- Ayon sa dalawang anak ay marami raw magluto ang kanilang Lola at siguradong ito’y masasarap pa.
- Pagkatapos bumili ay tumungo na ang mag-anak sa bahay ng Lolo at Lola. Nang makarating, ang ama nila’y kumatok sa pintuan at sila’y pinagbuksan ng Lolo at pinapasok.
- Sa loob ng bahay nina Lolo at Lola, magalang na bumati at nagmano ang mag-anak sa matatanda. Naging magalang din ang mga anak sa kanilang Ninong at Ninang.
- Matapos ang batian ay kumain na silang lahat at masayang nagkwentuhan. Nang sila’y uuwi na, magalang na nagpaalam ang mag-anak.
Ang Pasko – Aral ng Dula
➲ Ang pasko ay masayang ipagdiwang kapag kasama ang buong pamilya.
➱ Mahalaga na tayo’y magalang sa mga nakatatanda sa atin.
➲ Ang pamilya ay dapat na nagmamahalan at nagbibigayan.
➱ Gumugol ng mas maraming oras sa iyong pamilya dahil maikli lang ang buhay.
Ang Pasko – Buod ng Dula
Araw ng pasko, naghahanda ang isang mag-anak papunta sa simbahan. Matapos nilang maghanda pumunta na sila sa simbahan at matapos ang misa ay nagbatian ang mag-anak ng “maligayang pasko.”
Sa Labas ng simbahan, may mga nagtitinda at ang dalawang anak ay bumili ng puto at suman. Pagkatapos ay pumunta na sila sa bahay ng kanilang Lolo at Lola. Bumati ang mga ito at naging magalang sa mga matatanda pati na rin sa kanilang Ninong at Ninang.
Pagkatapos kumain at magkwentuhan ay masayang umuwi ang mag-anak, lalo na ang mga bata.
Maraming salamat sa pagbasa ng isa sa mga halimbawa ng dula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.
Iba pang mga Halimbawa ng Dula
- Sinag Ng Karimlan
- Anghel ni Noel De Leon
- Plop! Click!
- Bakit Babae Ang Naghuhugas Ng Pinggan?
- Ito Pala Ang Inyo
We are proud Pinoy!