Alamat ng Pakwan – Sa araling ito ay ating malalaman kung ano ang alamat ng pakwan Tagalog na may kasamang buod at aral ngayong 2021. Ang mga maikling halimbawa ng alamat ay pinamagatang “Alamat ng Pakwan“.
Ang alamat o legend sa Ingles ay may kahulugan na uri ng panitikan kung saan tinatalakay ang pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Ito ay mga kwentong bayan na karaniwang nagpapaliwanag kung saan nanggaling ang isang bagay. Ito ay mga kathang-isip na nagpasalin-salin sa mga henerasyon kung kaya’t ito ay buhay na buhay pa rin hanggang ngayon.
Isang halimbawa nito ay ang tatalakayin natin ngayong alamat ay tungkol sa Alamat ng Pakwan.

Sana sa pamamagitan nitong mga maikling halimbawa ng alamat na “Alamat ng Pakwan” ay maging inspirasyon natin ito para magtagumpay sa buhay. Marahil ay makakarelate ka sa mga karanasan ng mga sumulat ng ang alamat ng pakwan Tagalog.
Alamat ng Pakwan Story
Basahin ang nakakatuwang alamat na pinamagatang “Alamat ng Pakwan”.
Alamat ng Pakwan
Kaawa-awa ang batang si Juan. Ulila siya sa ama at ina. Nakatira siya sa kanyang tiya at tiyo. Mga pilyo, tamad, at masasama ang ugali ng kanilang mga anak. Malupit sila kay Juan. Sinisigawan, pinapalo at pinagtatawanan nila si Juan kapag nagkakamali ito. “Pak-Juan” ang tawag nila sa pinsan na ang ibig sabihin ay pangit si Juan.
Malaki ang ulo ni Juan. Maiitim ang kanyang mga ngipin at mapupula ang kanyang makakapal na labi. Ngunit mabait, masipag at matulungin si Juan. Nagtatrabaho siya sa bahay sa buong maghapon. Naglilinis, nagluluto, nag-aalaga ng bata, at nagliligpit ng kinainan.
Minsan, nabasag ang hinugasang pinggan ni Juan. “Wala kang ingat, maghuhugas ka lang ng pinggan ay mababasag pa”, sigaw ng kanyang tiya. Pinagtawanan siya ng kanyang mga pinsan, “ha-ha-ha, Pak-Juan! Pak-Juan!”, ang paulit-ulit na biro ng mga pinsan.
Hindi na nakatiis si Juan. Umiiyak siya. Tumawag siya at nanalangin sa Poon. “Kung maari kunin mo na po ako! Hirap na hirap na po ako!”
At biglang nagdilim ang langit! Bumuhos ang malakas na ulan. Kumidlat at kumulog. Kinabukasan, di na nakita ng mag-anak si Juan.
Sa halip, isang halamang may bungang simbilog ng ulo ni Juan ang kanilang nakita. Biniyak nila ang bunga. Simpula ng mga labi ni Juan ang laman nito at sing-itim ng mga ngipin ang mga buto. Nagsisi ang mga anak. “Juan, sana’y mapatawad mo kami”, ang sabi nila sa sarili. Nagbago sila ng ugali. Inalagaan nila ang halaman. Tinawag nila itong Pak-Juan. Sa paglipas ng mga araw, nang Pakwan ang tawag sa halaman. Iyon ang simula ng pagkakaroon ng halamang pakwan.
Ang alamat ng pakwan ay nagmula sa proudpinoy.ph
Buod ng Alamat
Ang “Alamat ng Pakwan” ay tungkol sa isang ulila na si Juan. Siya ay nakatira lang sa kanyang tiyo at tiya. Malupit ang mga anak nila sa kay Juan dahil nagkakamali ito at dahil sa malaki ang kanyang malaking ulo. Dahil sa kalupitan nila, nagdasal si Juan na sana ay kunin na lang siya ng Panginoon. Kinabukasan ay hindi na nila nakita si Juan.
Sa halip, isang halamang may bungang simbilog ng ulo ni Juan ang kanilang nakita. Biniyak nila ang bunga. Simpula ng mga labi ni Juan ang laman nito at sing-itim ng mga ngipin ang mga buto. Nagsisi silang lahat at tinawag ang bunga ng halaman na pakwan.
Aral ng Alamat
Ang Alamat ng Pakwan ay may aral na iwasan ang pagiging mapanghusga sa kapwa. Wala tayong karapatan na husgahan ang sinoman at saktan ang kanilang damdamin. Dapat nating isipin na respetuhin ang mga tao kahit ano pa ang kanilang anyo.
Konklusyon
Ang “Alamat ng Pakwan” na halimbawa ng maikling alamat ay nagpapakita lamang na ang mga ito ay nagpasalin-salin na sa bawat henerasyon. Dagdag pa rito, ang alamat ay isang panitikan na may kaugnayan sa ugali, tradisyon at pamumuhay nating Pilipino. Malaki ang naging ambag nito sa ating pagkakakilanlan at pagpapanatili sa ating kultura at tradisyon.
Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan ng ang alamat ng pakwan Tagalog. Happy reading and God bless.
Inquiries
If you have any questions or suggestions about, Alamat ng Pakwan – Ano Ang Alamat ng Pakwan? [Buod at Aral] 2021. Let us know what you think about this post by leaving a comment below.
Para Sa Iba Pang Filipino Lessons
- Sanaysay Tungkol Sa Magulang – 8 Halimbawa Ng Sanaysay 2021
- Tula Tungkol sa Wikang Filipino 2021 | 10+ Halimbawa Ng Tula sa Wika
- Tula Tungkol Sa Pangarap 2021 – 12 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Pangarap
- 10 Halimbawa Ng Maikling Kwento Na May Gintong Aral – Short Stories 2021
- Talumpati Tungkol sa Wika
- Tula Tungkol Sa Kalikasan – 25 Maikling Tula Tungkol Sa Pangangalaga At Pagmamahal Sa Kalikasan 2021
- Tula Tungkol Sa Pamilya – 10 Maikling Tula Tungkol Sa Pamilya 2021
- 9 Maikling Kwento Tungkol Sa Kaibigan | Short Stories Tagalog
- 9 Maikling Kwento Tungkol Sa Pag-ibig | Short Stories Tagalog
- 7 Maikling Kwento Tungkol Sa Pangarap | Short Stories Tagalog
- 10 Maikling Kwento Tungkol Sa Kalikasan | Short Stories Tagalog
- Anu Ang Maikling Kwento: Kahulugan at Halimbawa
- Tula Tungkol Sa Kaibigan – 14 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Kaibigan (Pambata at Barkada) 2021
- Tula Tungkol Sa Pandemya – 10 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Panahon Ng Pandemya (Covid 19) 2021
- Nang at Ng Pagkakaiba – Tamang Paggamit ng Ng at Nang
- Tula Tungkol Sa Pagmamahal Sa Bayan – 20 Maikling Tula Tungkol Sa Pagmamahal Sa Inang Bayan 2021
- Example of Tanaga Poem in English and Tagalog
- 30 Tula Tungkol Sa Guro (Pasasalamat Sa Mga Guro Ngayong Pandemya) 2021
- 15 Halimbawa Ng Maikling Tula Tungkol sa Paglabag O Pagkakapantay-pantay Ng Karapatang Pantao
- Tula Tungkol Sa Crush – 18 Tula Tungkol Sa Crush (Paghanga At Pag-ibig) 2021
- Tula Tungkol Sa Pag-ibig – 31 Halimbawa Ng Tula Sa Pag-ibig 2021
- Halimbawa Ng Pabula – 10+ Pabula Sa Pilipinas Na May Aral 2021
- Panitikan Kahulugan at Halimbawa | Meaning and Examples
- Tula Tungkol Sa Sarili 2021 – 8 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Sarili
- Tula Tungkol Sa Kaibigan – 14 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Kaibigan (Pambata at Barkada) 2021
- Kwentong Bayan Kahulugan – Halimbawa Ng Kwentong Bayan 2021
- Talumpati Example : 10 Example of Talumpati [Tagalog] 2021