Alamat Ng Waling-Waling – Buod At Aral

ALAMAT NG WALING-WALING – Sa artikulong ito, ating matutunghayan ang buong kwento tungkol sa “alamat ng waling-waling” na may buod at aral. Alamin natin kung ano at saan nga ba nagmula ang bulaklak na “waling-waling.”

Ang alamat o legend sa Ingles ay mga kwentong bayan at may kahulugan na uri ng panitikan kung saan tinatalakay ang pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Ito ay mga kathang-isip na nagpasalin-salin sa mga henerasyon kung kaya’t ito ay buhay na buhay pa rin hanggang ngayon.

Alamat ng Waling-Waling - Buod at Aral
Alamat ng Waling-Waling

Sana maging inspirasyon natin itong maikling halimbawa ng alamat na pinamagatang “alamat ng waling-waling” para magtagumpay sa buhay. Marahil ay makaka-relate ka sa mga karanasan ng sumulat ng alamat na ito.

Alamat ng Waling-Waling

Sa tabi ng ilog Daba-daba, na ang tubig ay umaagos mula sa Bundok ng Apo, nakatahanan ang balangay ng Dayaw. Pinamumunuan ito ni Raha Musukul. Si Rani Waling ang magandang asawa ng Raha. Siya ang nagdadala ng kaligayahan at kariktan sa Dayaw.

Magdadapit-hapon na nang may isang tauhan ng balangay ang nagmamadaling tumungo sa tahanan ng Raha. Isang masamang balita ang inihatid nito. Ang nakababatang kapatid ni Raha Musukul na si Datu Ambungan ay napatay sa Bundok ng Apo. Sinasabing habang nangangaso ang Datu kasama ang kanyang tauhan, isang kasapi mula sa tribo ni Raha Makalisang ang pumatay sa kanya.

Sa pagkarinig nito ni Raha Musukul ay sumiklab ang kanyang poot kay Raha Makalisang. Ang tribong ito ay matatagpuan sa kabilang dako ng Bundok ng Apo. Agad-agad na pinatawag niya ang kanyang tagapagpayo na si Datu Kinadmanon at ipinahanda ang isandaang mga sundalo. Sa kanyang paghihiganti ay lulusubin niya ang tribo ni Raha Makalisang.

Subalit sa pagpapasyang ito ay hindi sumang-ayon si Datu Kinadmanon.

“Hindi mo maaaring pilitin na lumusob sa balangay ni Makalisang. Hindi tayo handa at mapanganib ito para sa iyong buhay,” ang nag-aalalang sabi ng Datu. “Ako man ay hindi nag-aalala sa sarili kong buhay. Pinatay nila ang pinakamamahal kong kapatid at dapat babayaran ni Makalisang ang buhay niya ng sariling dugo,” ang pagtitimping pananalita ni Raha Musukul

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Buod ng Alamat ng Waling-Waling

Narito ang buod ng “alamat ng waling-waling”. Ito ay tungkol sa isang magandang babae na naghihintay sa kanyang mahal na asawa na makabalik mula sa paglusob nito sa kalaban. Sa tabi ng ilog Daba-daba nakatahanan ang balangay ng Dayaw na pinamumunuan ni Raha Musukul.

May maganda itong asawa na si Rani Waling. Isang araw, may isang tauhan ng balangay na lumapit sa Raha. Nagbalita ito na pinatay ng kasapi ng tribu ni Raha Makalisang ang nakababatang kapatid ng Raha habang ito ay nangangaso.

Sa galit ng Raha nagdesisyon ito na lumusob sa tribu ni Raha Makalisang kasama ang isandaang sundalo. Sinubukan itong pigilan ni Rani ngunit umalis parin ito at nangako na siya ay babalik.

Makalipas ang ilang buwan ay hindi pa rin nakabalik ang Raha. Alalang-alala na si Rani Waling dahil dito. Sa sobrang pag-aalala, nagtungo ito at ang kanyang alalay na si Kugihana sa kagubatan upang hanapin ang asawa.

Nalungkot ito sa kapayapaan ng gubat na simbolo na wala doon ang asawa. Umakyat siya sa matayog at malapad na punongkahoy at doon buong araw na tinanaw ang buong paligid at naghintay sa pagdating ng asawa.

Sumapit ang hapon at naubusan na sila ng pagkain. Inutusan niya si Kugihana na pumitas ng prutas. Umalis ito ng may pag-aalinlangan at pagbalik niya ay wala na ito sa puno. Ngunit sa sanga kung saan nakaupo si Rani ay may kakaibang bulaklak.

Ilang araw silang naghanap kay Rani ngunit hindi nila ito nakita. Wala itong naiwan maliban sa bulaklak. Sa pagkakita nito ni Kugihana ay nabigla siya sa pagdami nito. Kumalat ito na wari’y may hinahanap.

Inihambing ni Datu Kinadmanon ang bulaklak kay Rani at ipinaubaya na lamang ito kay bathala. Magmula noon ay tinawag na nila itong waling-waling at pinaniwalaang hanggang ngayon ay naghihintay parin si Rani sa pagbabalik ng sinisinta.

Aral ng Alamat ng Waling-Waling

Ang aral sa alamat na ito ay “huwag tayong basta-basta nalang sumulong sa isang laban na hindi natin pinaghandaan.” Huwag tayong magdesisyon kapag tayo ay galit dahil hindi natin alam kung tama ba o mali ang ating mga desisyon.

Higit sa lahat, kapag tayo ay nag dedesisyon pag-isipan natin ito ng mabuti at isipin kung ano ang mga kahihinatnan nito. Maging ang dulot nito sa mga taong nagmamahal sa atin.

Alamat ng Waling-Waling (Version 2)

Noong unang panahon sa isang kahariang matatagpuan sa may dagat ng Mindanao, may isang makisig at matapang na sultang nagngangalang Rajah Solaiman. Dahil sa kaniyang galing at tapang sa digmaan siya’y nakilala bilang isang kilabot sa iba’t ibang kaharian. Pinaniniwalaang nasa kaniyang pag-aari ang isang mahiwagang sundang, ang Sundang Lenantatyon. Ibinigay ito kay Solaiman ni Bal-Lido, ang diyosa ng digmaan.

Ipinagkaloob ito sa kaniya dahil sa mahusay niyang taktika sa pakikipagdigma. Malaki ang pasasalamat sa kaniya ng mga taga-Mindanao dahil sa patuloy na pagtatanggol ng Rajah. Isa sa mga digmaang kinasangkutan ng Rajah ang digmaan sa Seta Tem-mon.

Nagwagi siya sa labanang ito, subalit iyon lamang ay naging posible sa tulong ni Bal-Lido. Sa labanang ito siya niregaluhn ng sundang. Subalit bago pa man ito napasakaniya, dumaan muna siya sa isang pagsubok.

“Kunin mo ang itak,” sabi ni Bal-Lido. Sa pagtingala ni Solaiman nakita niya angisang lumulutang na itak. “Gamitin mo iyan at putulin mo ang iyong kaliwang braso,” Di nagdalawang-isip si Solaiman, sa utos ng diyosa ay kinuha niya ang espada at iniakmang puputulin ang kaniyang sariling braso. Sa pagtama ng itak sa kaniyang braso nagulat na lamang siya nang mapansing walang dugong dumanak ni balat na napilas mula sa kaniyang katawan...

Ang alamat na ito ay nanggaling sa thephilippineliterature.

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Leave a Comment