Alamat Ng Sibuyas – Buod At Aral

ALAMAT NG SIBUYAS – Sa artikulong ito, ating matutunghayan ang buong kwento tungkol sa “alamat ng sibuyas” na may buod at aral. Alamin natin kung saan at ano nga ba ang pinagmulan ng “sibuyas.”

Ang alamat o legend sa Ingles ay mga kwentong bayan at may kahulugan na uri ng panitikan kung saan tinatalakay ang pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Ito ay mga kathang-isip na nagpasalin-salin sa mga henerasyon kung kaya’t ito ay buhay na buhay pa rin hanggang ngayon.

Alamat ng Sibuyas - Buod at Aral
Alamat ng Sibuyas

Sana maging inspirasyon natin itong maikling halimbawa ng alamat na pinamagatang “alamat ng sibuyas” upang maging matagumpay sa buhay. Marahil ay makaka-relate ka sa mga karanasan ng sumulat ng alamat na ito.

Alamat ng Sibuyas

Si Buyas ay anak ng manggagamot ng isang tribo na nakatira sa paanan ng bundok ng Sierra Madre. Maliit pang bata ay kapansin-pansin na ang pagiging sensitibo ni Buyas. Lalo siyang naging maramdamin nang isilang ang bunsong kapatid. Maganda ang kapatid kung ihahambing kay Buyas kaya agad napapansin ang kaibahan nila.

Palibhasa ay marami ang nagpapagamot sa ama, kadalasan ay maraming tao sa kanilang kubo. Hindi mai-alis na mapansin ang mag-kapatid dahil maliit lang ang kubo at doon mismo nanggagamot ang kanilang ama.

“Kayganda ng inyong bunso,” madalas ay sinasabi ng mga nagpupunta roon.

“Maganda rin si Buyas,” madalas ay maririnig ng kanyang ina. Ayaw na ayaw ni Buyas na maririnig ang ganyong usapan. Agad na siyang pupunta sa likod ng kubo at doon uubusin ang oras hanggang maubos ang kanyang mga luha.

Nang magdadalaga si Buyas ay umibig siya sa isang makisig na binata. Ang problema, ang bunso niyang kapatid ang gusto ng lalaki...

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento ng “alamat ng sibuyas.”

Buod ng Alamat ng Sibuyas

Nasa ibaba ang buod ng “alamat ng sibuyas.”

Ang alamat na ito ay tungkol sa napaka sensitibong si Buyas. Si Buyas ay anak ng isang manggagamot ng isang tribu sa paanan ng bundok ng Sierra Madre. Bata palang si Buyas ay kapansin-pansin na ang kanyang pagiging sensitibo.

Lalo siyang naging maramdamin nang isinilang ang kanyang bunsong kapatid. Mas maganda ang kapatid niya kumpara sa kanya kaya madalas itong napapansin ng mga nagpapagamot sa kanilang ama.

Nang magdalaga si Buyas, umibig siya sa isang makisig na binata ngunit ang gusto nito ay ang kanyang kapatid. Labis na nasaktan si Buyas dahil dito. Alam ito ng kanilang ina subalit wala itong magawa.

Tuwing pupunta sa kanila at aakyat ng ligaw ang lalaki ay lagi siyang pumupunta sa kanilang likod-bahay at doon nag-iiiyak. Ilang buwan pa ay nagplano nang magpakasal ang dalawa.

Labis itong dinamdam ni Buyas at kinabukasan ay hindi na ito nakita. Lumipas na ang kasal ng kanyang kapatid ay hindi pa rin nakita si Buyas. Hanggang isang umaga, habang nagwawalis ang kanilang ina sa likod-bahay, may napansin itong halaman. Nang bunutin niya iyon upang isalin sa maayos na lalagyan ay nagulat ito ng makita ang bilog na bunga.

Natuklasan niya na pwedi itong isahog sa lutuin at nagpapa-iyak pag hinihiwa. Dahil dito, naalala niya si Buyas at pinangalanan niya itong “buyas” at sa kalaunan ay naging “sibuyas.”

Aral ng Alamat ng Sibuyas

Ang aral sa alamat na ito ay “ang pagiging sensitibo, lalo na sa mga nangyayari sa iyong paligid at nararamdaman ng ibang tao ay isang magandang katangian. Ngunit, ang pagiging sobrang sensitibo ay hindi na maganda at tama.”

Ang pagiging sobrang sensitibo ay maaari ng magdulot ng masama sa iyong sarili maging sa ibang tao. Kailangan din nating intindihin ang nararamdaman ng ibang tao, hindi lamang ang ating sariling damdamin.

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Leave a Comment