ALAMAT NG SAMPALOK – Sa artikulong ito, matutunghayan natin ang buong kwento tungkol sa “alamat ng sampalok” na may buod at aral. Alamin natin kung saan nga ba nagmula ang prutas na sampalok at kung bakit ito naging maasim.
Ang alamat o legend sa Ingles ay mga kwentong bayan at may kahulugan na uri ng panitikan kung saan tinatalakay ang pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Ito ay mga kathang-isip na nagpasalin-salin sa mga henerasyon kung kaya’t ito ay buhay na buhay pa rin hanggang ngayon.

Sana maging inspirasyon natin itong maikling halimbawa ng alamat na pinamagatang “alamat ng sampalok” para magtagumpay sa buhay. Marahil ay makaka-relate ka sa mga karanasan ng mga sumulat ng alamat na ito.
Alamat ng Sampalok
May tatlong prinsipe noong araw na pawang masasama ang ugali. Sila ay sina Prinsipe SAM, Prinsipe PAL at Prinsipe LOK. Dahil magkakaibigan, madalas silang nagkikita at nagkakasama sa pamamasyal. Tuwing magkasama naman ang tatlo ay tiyak na may mangyayaring hindi maganda.
Ang mga may kulang sa isip at mangmang ay kanilang pinaglalaruan, pinaparatangan at ipanakukulong. Lubha silang mapang-api, mapangmata at malupit sa mga dukhang mamamayan. Kahit matatanda ay hindi nila iginagalang. Mabait lamang sila sa mayayaman at kauri nilang mga dugong-bughaw.
Minsan sa pamamasyal ng tatlong prinsipe ay napadaan sila sa isang sapa. Saglit silang huminto at pinanood ang mga naliligong dalaga. Kasiya-siyang tingnan ang mga hugis ng katawang naaaninag sa manipis na tapis kaya sila ay nagtatawanan na para bagang nambabastos.
“Kamahalan, huwag po sana ninyo kaming panoorin at pagtawanan.”
Galit na bumaba ng kabayo si Prisipe Sam at walang salitang sinampal ang dalagang nakikusap. Uulitin pa sana ng prinsipe ang pagsampal subalit isang matandang babae ang namagitan. Palibhasa’y walang iginagalang ang mga prinsipe, basta’t mahirap, kaya pinagtulungan nilang saktan ang matanda…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.
Buod ng Alamat ng Sampalok
Ang “alamat ng sampalok” ay tungkol sa tatlong prinsipe. Noong unang panahon, may tatlong prinsipe na may masasama ang ugali. Sila ay sina Prinsipe Sam, Prinsipe Pal, at Prinsipe Lok.
Tuwing magkasama ang mga ito ay palaging may masama silang ginagawa. Pinagtutulungan at pinagmamalupitan nila ang mga dukha, bata man ito o matanda.
Isang araw, namasyal ang mga ito sa sapa at nakita ang mga dalagang naliligo dito. Pinagtawaan nila ang mga ito na parang nambabastos. Isang babae ang nakiusap na sana’y huwag silang panoorin at pagtawanan ngunit sinampal ito ni Prinsipe Sam.
Uulitin niya pa sana ito ng may pumagitna na matandang babae. Imbes na maawa, pinagtulungan pa nilang saktan ang matanda hanggang sa nagulat sila ng ito ay nagpalit ng anyo. Isa pala itong engkantada.
Isinumpa ng matanda ang tatlong prinsipe at naglaglagan ang mga mata ng mga ito. Imbes na magsisi at humingi ng tawad, nagalit at nagbanta pa ang tatlong prinsipe. Nagsikapa sila ng kanilang mga kabayo at umalis ng magkahiwalay. Dahil sila ay mga bulag, nahulog sila sa bangin.
Kinabukasan, may tumubo na puno kung saan nahulog ang mga mata ng mga prinsipe. Ang bunga nito ay maasim at may nakaukit na parang matang nakapikit sa buto nito, kaya naalala nila ang mata ng tatlong prinsipe na nahulog dito.
Sa pagtatapos ng kwento, tinawag nilang SAMPALOK ang puno at bunga nito.
Aral ng Alamat
Ang aral sa alamat na ito ay “huwag maging mapang-api at mapangmata ano man ang posisyon mo sa buhay, dahil hindi sa lahat ng oras ikaw ay nasa itaas.”
Ang mga masasamang gawain ay hindi natin dapat tularan. Laging tandaan na ang pagiging mapang-api at mapangmata ay hindi lamang makakasira sa buhay ng iba, magdudulot din ito ng masama sa iyo.