ALAMAT NG SAMPAGUITA – Inyong matutunghayan ang napakagandang alamat na “Alamat ng Sampaguita.” Ito ay isang alamat tungkol sa pambansang bulaklak ng Pilipinas. Ang alamat na ito ay nagsalin-salin na mula sa ating mga ninuno. Ito ay siguradong magbibigay aliw at aral na dadalhin natin habambuhay.
Ang alamat o legend sa Ingles ay may kahulugan na uri ng panitikan kung saan tinatalakay ang pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Ito ay mga kwentong bayan na karaniwang nagpapaliwanag kung saan nanggaling ang isang bagay. Ito ay mga kathang-isip na nagpasalin-salin sa mga henerasyon kung kaya’t ito ay buhay na buhay pa rin hanggang ngayon.
Isang halimbawa nito ay ang tatalakayin natin ngayong alamat na pinamagatang “Alamat ng Sampaguita.”

Sana sa pamamagitan nitong maikling halimbawa ng alamat na pinamagatang “Alamat ng Sampaguita” ay maging inspirasyon natin ito para magtagumpay sa buhay. Marahil ay makakarelate ka sa mga karanasan ng mga sumulat ng alamat na ito.
Alamat ng Sampaguita
(Version 1)
Sa isang malayong bayan sa Norte ay may isang napakagandang dalaga na Liwayway ang pangalan.
Ang kagandahan ni Liwayway ay nakarating hanggang sa malalayong bayan. Hindi naging kataka-taka kung bakit napakarami ng kanyang naging mga manliligaw.
Mula sa hilaga ay isang grupo ng mga mangangaso ang nagawi sa lugar nina Liwayway. Sa kasamaang palad, si Tanggol, isa sa mga ito ay inatake ng baboy-ramo. Ang binata ay dinala sa ama ni Liwayway para mabigyan ng pangunang lunas. Iyon ang naging daan ng paglakalapit nila.
Umibig sina Liwayway at Tanggol sa isa’t-isa sa maikling panahon ng pagkikilala.
Nang gumaling si Tanggol ito ay nagpaalam kay Liwayway at sa mga magulang niya. Anang binata ay susunduin ang ama’t ina upang pormal na hingin ang kamay ng dalaga.
Puno ng pangarap si Liwayway nang ihatid ng tanaw si Tanggol.
Subalit dagling naglaho ang pag-asa ni Liwayway na babalik si Tanggol tulad ng pangako. Ilang pagsikat na ng buwan mula nang umalis ito ngunit ni balita ay wala siyang natanggap.
Isang dating manliligaw ang nakaisip siraan si Tanggol. Ikinalat nito ang balita na hindi na babalik si Tanggol dahil may asawa na ito.
Tinalo ng lungkot, pangungulila, sama ng loob at panibugho ang puso ni Liwayway. Nagkasakit siya. Palibhasa ay sarili lang ang makagagamot sa karamdaman kung kaya ilang linggo lang ay naglubha ang dalaga at namatay.
Bago namatay ay wala siyang nausal kundi ang mga salitang, “Isinusumpa kita! Sumpa kita…”
Ang mga salitang “Isinusumpa kita! Sumpa kita…” ang tanging naiwan ni Lwayway kay Tanggol.
Ilang araw makaraang mailibing si Liwayway ay dumating si Tanggol kasama ang…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.
Buod ng Alamat
Ang alamat na pinamagatang “Alamat ng Sampaguita” ay tungkol sa napakagandang dalaga na si Liwayway. Siya ay nakatira sa isang malayong bayan sa Norte. Dahil sa angking kagandahan, maraming nanliligaw sa kanya.
Isang araw ay may isang grupo ng mangangaso galing hilaga na inatake ng baboy ramo. Isa sa nasaktan ay si Tanggol. Ginamot ng ama ni Liwayway si Tanggol at ito ang naging dahilan ng pagkahulog ni Liwayway at Tanggol sa isa’t isa.
Nang gumaling si Tanggol ay nagpaalam ito na umuwi sa kanilang bayan upang sunduin ang kanyang mga magulang. Plano niyang pormal na hingin ang kamay ni Liwayway. Ilang buwan ang lumipas at hindi pa rin ito nakakabalik.
Siniraan si Tanggol ng isang karibal niya na kinalat ang balita na nag-asawa na si Tanggol kaya’t hindi na ito nakabalik. Dinamdam ito ni Liwayway at nagkasakit ito. Ito ay lumubha at siya ay namatay.
Ang huling sinabi ni Liwayway ay “Isinusumpa kita! Sumpa kita…”
Dumating si Tanggol kasama ang kanyang mga magulang ngunit patay na ang kaniyang iniibig. Doon nalaman nila na nagkasakit ang kaniyang ina kaya’t natagalan itong bumalik.
Araw-araw ay halos madilig ng luha ang puntod ng kasintahan dahil hindi matanggap ng binata ang nangyari dito. Mula noon ay hindi na siya bumalik sa kaniyang bayan at binantayan ang puntod ni Liwayway. Hanggang isang araw ay may napansin ang binata sa puntod ng iniibig.
Tumubo ang isang halaman na may napakabangong bulaklak. Tinawag nila itong Sampaguita na hango sa huling salita ni Liwayway.
Aral ng Alamat
Ang aral na ating maaaring matutunan sa alamat na ito ay huwag maniwala sa mga sabi-sabi o tsismis mula sa ibang tao. Sapagkat hindi natin alam kung ito ba ay may katotohanan o wala. Tayo ay maging maingat sa mga bagay na ating pinaniniwalaan. Maniwala lamang kung ito ay nanggaling sa taong pinagkakatiwalaan natin at kilala nating lubos.
Ang paniniwala sa mga walang katuturan na mga sabi-sabi ay maaaring makapagdulot ng masama sa atin pati na rin sa ating kapwa. At ang pagpapalaganap nito ay isang napakasamang gawain. Dahil hindi lamang ito makasisira sa buhay ng iba, makakapagkitil din ito ng buhay.
Isa pang aral sa alamat ng sampaguita ay ang paghihintay at pagtitiwala ay may magandang maidudulot sa atin. Hindi masama ang maghintay at magtiwala. Maging matiyaga at pasensyoso sa mga bagay na iyong hinihiling.
Konklusyon
Ang maikling alamat na ito ay nagpapakita lamang na ang mga ito ay nagpasalin-salin na sa bawat henerasyon. Dagdag pa rito, ang alamat ay isang panitikan na may kaugnayan sa ugali, tradisyon at pamumuhay nating Pilipino. Malaki ang naging ambag nito sa ating pagkakakilanlan at pagpapanatili sa ating kultura at tradisyon.
Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan ng alamat na ito. Happy reading and God bless.
Inquiries
If you have any questions or suggestions about “Alamat ng Sampaguita – Maikling Kwento na may Buod at Aral,” let us know by leaving a comment below.