Alamat Ng Paru-Paro – Buod At Aral (3 Versions)

ALAMAT NG PARU-PARO – Sa artikulong ito inyong matutunghayan ang buod at aral ng “alamat ng paru-paro“. Ang alamat na ito may ay tatlong bersyon na siguradong makapagbibigay ng aliw at aral sa inyo.

Napakagandang pagmasdan ng mga paru-paro dahil sa ito ay may ibat-bang kulay. Pero saan nga ba nanggaling ang mga paru-paro? Dito malalaman kung saan ngaba nanggaling ang alamat ng paru paro.

Dagdag pa rito, ang alamat o legend sa Ingles ay may kahulugan na uri ng panitikan kung saan tinatalakay ang pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.

alamat ng Paru-paro
Alamat ng Paru-paro

Ang maikling halimbawa ng alamat na ito na pinamagatang “Alamat ng Paru-paro” ay may gintong aral na makukuha ang mga mambabasa at maging inspirasyon sa araw-araw.

Alamat ng Paru-Paro (Version 1)

Noong unang panahon may magkapatid na ulila na naninirahan sa isang ilang na baryo sa Laguna. Ito ay sina Amparo na ang palayaw ay Paro samantalang ang nakababata naman ay si Perla na pawang sumisibol na dalagita. Pagtitinda ng bulakalak ang kanilang ikinabubuhay.

Magkaiba ang ugali nila, si Amparo ay tamad at walang kinagigiliwang gawin kundi ang lumapit sa mga bulaklak at amuyin ito. Samantalang si Perla naman ay masipag at masinop sa kabuhayan. Likas na mabait si Perla pasensiya na lamang ang kaniyang binibigay sa kapatid na si Amparo na ubod na tamad…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ng buong alamat.

Buod ng Alamat Ng Paru-Paro

Ang alamat na ito ay tungkol sa magkapatid na ulila na naninirahan sa isang ilang na baryo sa Laguna. Si Amparo na tamad at si Perla na masipag at masinop at pagtitinda ng bulakalak ang kanilang ikinabubuhay.

Isang araw naubos ang pasensiya ni Perla kay Amparo dahil nagrereklamo sa ulam. Pumunta sa ilog si Amparo dala-dala ang pinitas na halaman. Habang pinagmamasdan niya ang bulaklak sa ulo siya ay nahulog sa ilog.

Nag-alala si Perla kaya sinundan niya ang kapatid at nakita niya ito kung paano nahulog. Sumigaw ng malakas si Perla “Paro!Paro!, marami ang nakarinig at tinulungan siya ngunit walang Amparo silang nakita. Hindi na nakita pa si Amparo.

Aral ng Alamat

Ang aral sa alamat na ito huwag maging tamad at tumulong sa kapwa, huwag magreklamo kung anuman ang mayron sa hapag kainan.

Alamat ng Paru-Paro (Version 2)

Isang umaga, isang batang lalaki’t isang batang babae ang lumisan ng kanilang tahanan. Sila’y maralita at hindi pumapasok sa paaralan. Sila’y naging palaboy at walang tirahan.

Sa kabila ng lahat ng kahirapan ang dalawa’y maligaya. Laging naibubulalas nila ang mga salitang, “Ang langit ay asul at ang bundok ay luntian.” Sa pagtitig nila sa mga mga ibon at batis, sila’y nagsasalita ng, “Mataas ang lipad ng ibon at ang lagaslas ng ilog ay parang panaginip.”…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong alamat.

Buod ng Alamat

Ang alamat ay nagsimula sa dalawang batang palaboy-laboy at walang tirahan. Isang araw ay umalis sila sa kanilang tahanan at naglibo-libot sa paligid at napadpad sila sa bahay ng diwata. Akala nila ay walang nakatira sa bahay na iyon. Ang puno ay maraming bunga na kanilang kinain at maraming ring mga bulaklak sa paligid.

Naligayahan ang mga bata kaya lumipas ang mga oras. Nakalimot sila kung saan sila naroon. Biglang dumating ang diwata at nagalit ito sa dalawa na ngayon ay natatakot na. Dahil sa kanilang kasalanan, may naisip ang diwata na gawin silang hardinero sa kanyang mga bulaklak.

Pagkatapos ng bumulong ng diwata ang dalawa ay nagkaroon ng pakpak at nagpadapu-dapo sa mga halamanan. Ang mga paru-paro ay paikot-ikot sa magagandang bulaklak.

Aral sa Alamat

Ang aral sa alamat na ito ay huwag basta-bastang pumasok sa bahay ng isang tao at wag kumuha o kumain ng hindi nagpapaalam. Dahil masama ang kumuha ng hindi iyong pag-aari.

alamat ng paru-paro
Buod at Aral ng Alamat ng paru-paro

Alamat ng Paru-Paro (Version 3)

Noong unang panahon, may isang matandang babae raw na nakatira sa tabi ng lawa. Ang munting dampa niya ay naliligid ng mga halamang pinamumulaklakan. May mapupulang gumamela, may madidilaw na santan. Mayroon ding rosas, kalachuchi, champaca at ilang-ilang.

Nakakatawag pansin din sa hardin ang sampaguita, cadena de amor at kamya. Banggitin mo ang alinmang bulaklak na iyo nang nakita, makatitiyak kang nasa halaman ito ng matandang hardinera. May mga bulung-bulungan na ang hardinera ay isa raw Ada na paminsan-minsan ay bumabata at gumaganda…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong alamat.

Buod ng Alamat

Ang alamat na ito ay nagsimula sa isang matandang hardinera na pinaghihiada na nakatira sa tabi ng lawa. Ito ay napaka mapagbigay sa kanyang nasasakupan. Binibigyan niya ang lahat ng humingi ng kanyang bulaklak at bilang kapalit binigyan rin siya ng kanyang mga nasasakupan. Ang mga tao sa kanilang bayan ay nagbibigayan at nagmamahalan.

Nangyari ang kaguluhan ng lumipat ang pamilya Amparo sa kanilang bayan, ang mga ito ay lubos na mapagsamantala. Idang gabi pinasok nila ang hardin ng matanda at kinuha ang lahat ng magagandang bulaklak. Sila ay pinarusahan at naging insekto na may magagandang pakpak at kalaunay ay naging paru-paro na tawag dito.

Aral sa Alamat

Ang aral sa alamat na ito ay huwag maging ganid at mapagsamantala matutong magtrabaho at huwag iaasa sa ibang tao ang pangangailangan. Isa pang aral, ay ang pagkakaroon ng masamang pag-uugali ay walang patutunguhan. Laging pakakatandaan na maging mabuti sa kapwa upang kabutihan rin ang sukli.

Inquiries

Kung mayroon kang anumang mga tanong o mungkahi tungkol sa “Alamat ng Paru-Paro na may Buod at Aral,” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.

Iba pang Alamat sa Pilipinas

Leave a Comment