Alamat Ng Niyog – Buod At Aral

ALAMAT NG NIYOG – Sa artikulong ito, ating matutunghayan ang buong kwento tungkol sa puno ng niyog o “alamat ng niyog” na may buod at aral. Alamin natin kung saan at ano nga ba ang pinagmulan ng puno ng niyog.

Ang alamat o legend sa Ingles ay mga kwentong bayan at may kahulugan na uri ng panitikan kung saan tinatalakay ang pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Ito ay mga kathang-isip na nagpasalin-salin sa mga henerasyon kung kaya’t ito ay buhay na buhay pa rin hanggang ngayon.

Alamat Ng Niyog - Buod at Aral
Alamat ng Niyog – Buod at Aral

Sana maging inspirasyon natin itong maikling halimbawa ng alamat ng puno ng niyog para magtagumpay sa buhay. Marahil ay makaka-relate ka sa mga karanasan ng mga sumulat ng alamat na ito.

Alamat ng Niyog

Noong unang panahon sa bundok ng Cristobal ay may isang mabait na ina. Masipag at maalaga sa kanyang mga anak. Talagang napakabuti niya at mahal na mahal ang kanyang mga anak.

Dahil sa sampu ang kanyang anak, talagang nahirapan siya sa pag-aaruga sa mga batang ito. Isang araw, nagkasakit ang ina at bigla na lamang namatay. Ang kaawa-awang mga bata ay nag-iyakan at ang sabi nila ay ganito: “ Sino na ang magpapakain sa amin?” tanong ng pinakamatandang anak.

“Sino na ang mag-aalaga sa amin?” tanong ng ikalawang anak. “ Sino na ang maglalaba ng ating damit?” tanong ng ikatlong bata.

Habang sila ay nag-iiyakan, may dumating na isang babae na di nila kilala. Siya’y maganda at maputi. “

Huwag na kayong umiyak” sabi niya. “ Di kayo pababayaan ng inyong ina. Ilibing ninyo siya at magbantay kayo sa kanyang libingan.

Makikita ninyo na may tutubo roon na puno. Ang punong iyon ay pagkukunan ninyo ng makakain araw-araw. Biglang nawala ang maputi at magandang babae. Akala ng mga bata ay nananaginip lang sila…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Buod ng Alamat ng Niyog

Ang buod ng “alamat ng niyog” ay tungkol sa isang mabait na ina at kanyang sampung anak. Noong unang panahon, sa bundok ng cristobal ay may isang mabait na ina na masipag at maalaga sa kanyang mga mahal na anak.

Isang araw, nagkasakit ang ina at namatay ito. Nag-iyakan ang mga kawawang mga bata at nagsisabi kung sino na ang magpapakain at mag-aalaga sa kanila, pati narin ang maglalaba ng kanilang mga damit.

Habang sila ay nag-iiyakan, may dumating na isang magandang babae. Sinabihan sila nito na huwag na silang umiyak dahil hindi sila pababayaan ng kanilang ina. Sinabi din nito na ilibing nila ang kanilang ina at magbantay sa libingan nito dahil may tutubong puno rito at ito ang mapagkukunan nila ng pagkain sa araw-araw.

Ginawa ng mga bata ang sinabi ng babae at may tumubo ngang puno doon at kinain nila ang bunga nito. Nakita nila na hindi na sila magugutom pang muli. Ang bungang iyon ang kauna-unahang niyog dito sa daigdig. Dito na nagtatapos ang alamat ng niyog.

Aral ng Alamat

Ang aral sa alamat na ito ay “huwag nating iasa lahat ng bagay sa ating mga magulang, lalo na sa ating ina, o kahit na sino man, sapagkat hindi habang buhay ay nandyan sila para sa atin.”

Kailangan nating matutong tumayo sa ating mga sariling paa at imbes na tayo ay umasa na lamang sa ating mga ina, tulungan natin sila at matuto sa kanila. Dapat nating matutunan ang mga bagay-bagay sa buhay sapagkat ito ang daan upang tayo ay maging matagumpay.

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Leave a Comment