Alamat ng Mindanao – Buod at Aral ng Alamat ng Mindanao 2021

Alamat ng Mindanao Ang Mindanao ay isang kayamanan ng Pilipinas. Ito ay isang pulo na kay raming likas na yaman. Sa arikulong ito, matutunghayan natin ang “Alamat ng Mindanao”. Ang alamat na ito ay nagsalin-salin na mula sa ating mga ninuno. Siguradong makapagbibigay ng aliw at aral ang Alamat ng Mindanao sa inyo.

Ang alamat o legend sa Ingles ay may kahulugan na uri ng panitikan kung saan tinatalakay ang pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Ito ay mga kwentong bayan na karaniwang nagpapaliwanag kung saan nanggaling ang isang bagay. Ito ay mga kathang-isip na nagpasalin-salin sa mga henerasyon kung kaya’t ito ay buhay na buhay pa rin hanggang ngayon.

Alamat ng Mindanao - Buod at Aral ng Alamat ng Mindanao 2021
Alamat ng Mindanao – Buod at Aral ng Alamat ng Mindanao 2021

Sana sa pamamagitan nitong mga maikling halimbawa ng “Alamat ng Mindanao” ay maging inspirasyon natin ito para magtagumpay sa buhay. Marahil ay makakarelate ka sa mga karanasan ng mga sumulat ng Alamat ng Mindanao.

Alamat ng Mindanao – Buod at Aral ng Alamat ng Mindanao 2021

Basahin ang nakakatuwang alamat na pinamagatang “Ang Alamat ng Mindanao”.

Ang Alamat Ng Mindanao

Si Sultan Kumpit ay isa sa mga naging pinuno ng isang malaking pulo. Siya ay matalino nguni’t ang mga Muslim ay takot sa kanya dahil sa siya raw ay masungit. Ang sultan ay may kaisa-isang anak na dalaga. Ang pangalan niya ay Minda.

Si Minda ay ubod ng ganda. Dahil sa kagandahan ng prinsesa ay marami ang nanliligaw dito. Kabilang na ang mga sultan, raha, datu at prinsipe ng iba’t ibang pulo. Bawat manliligaw ni Prinsesa Minda ay may kani-kaniyang katangian kung kaya’t nagpasiyang magbigay ng tatlong pagsubok si Sultan Kumpit. Ang mananalo sa tatlong pagsubok na ito ang siyang mapalad na makaka-isang dibdib ng kanyang anak.

Ang unang pagsubok ay kung sino ang makapagsasabi ng kasaysayan ng kanyang angkan hanggang sa ikasampung salin nito. Ang ibig sabihin nito ay kung sino at ano ang naging buhay ng ama, nuno, ama ng nuno, nuno ng nuno at mga kanunununuan hanggang sa ikasampung salin.

Ang ikalawang pagsubok naman ay kinakailangang malagpasan ang kayamanan ng hari upang maging daan patungo sa ikatlong pagsubok. Nguni’t ang higit na mayaman ang siyang magmamay-ari ng kayamanang natalo.

Marami ang nakipagsapalaran at natalo sa unang pagsubok. Isa na rin ang kilalang si Prinsipe Kinang. Siya ay nakapasa sa unang pagsubok nguni’t natalo sa ikalawang pagsubok sapagkat ang kanyang tatlong tiklis na ginto ay nahigitan ng apat natiklis na ginto ng hari. Lalong yumaman si Sultan Kumpit. Alam ng lahat na marami pang ginto si Sultan Kumpit at ngayon nga ay nadagdagan pa ng tatlong tiklis na tinalo kay Prinsipe Kinang.

Isang matalinong prinsipe ang nais na sumubok. Ngunit bago niya ito gawin ay nag-isip siyang ma buti kung papaano niya matatalo ang kayamanan ng Sultan. Nanghiram siya ng ginto sa kanyang mga kaibigang maharlika hanggang sa makatipon siya ng labintatlong tiklis ng ginto.

Nagbihis at nag-ayos ng buong kakisigan si Prinsipe Lanao. Una niyang nakausap si Prinsesa Minda. Sa unang pagkikita pa lamang ay sumang-ayon agad ang prinsesa sa binatang prinsipe. Lihim na natuwa ang puso ni Prinsipe Lanao sapagkat nasiguro niyang may pagtingin din sa kanya Prinsesa.

“O, ano ang masasabi mo sa iyong angkan?” ang unang pagsubok ng sultan kay Lanao. Mabilis na isinalaysay ni Lanao ang kanyang lahi ngunit muntik na itong mabuko sa ikasampung salin. Nakaisip siya ng pangalan at nag-imbanto ng kagitingan nito. Laking pasasalamat niya nang siya ay makapasa sa unang pagsubok. Sa ikalawang pagsubok ay, “Ilang tiklis na ginto ang dala mo, Mayroon akong pito, iyon ba ay iyong mahihigitan? ang pagmamalaking tanong ng sultan.

“Mayroon akong labintatlong tiklis ng ginto rito ngayon nguni’t kung kulang pa ito ay handa akong, ilabas ang mga nakatago pa sa aming kaharian,” ang tugon ni Prinsipe Lanao.

“Hindi na bale, iyo na ang pitong tiklis ko. Ganito naman ang ikatlong pagsubok. Ikaw ay tutulay sa isang lubid sa may malalim na bangin. Pag ito’y nagawa mo ay ikakasal kayo ng aking mahal na prinsesa sa pagbibilog ng buwan,” ang sabi ng sultan. “Ang ikatlong pagsubok ay kinabukasan na natin itutuloy.”

Umalis si Lanao napunong-puno ng pag-asa. Nagsanay siyang tumulay sa baging na sampayan. Ngunit lingid sa kanya ay may masama palang balak ang sultan sa pagtulay niya sa lubid. Natunugan ito ni Minda at laki ng kanyang pag-ibig sa binata ay gumawa siya ng paraan. Inutusan niya ang kanyang katulong na putulin ang matibay at manipis na sinulid na nakakabit sa tulay na tatawiran ni Lanao. Ang sinulid palang ito ay hahatakin upang malaglag sa bangin si Lanao. Mabilis na natupad ang ipinag-utos ni Minda sa kanyang katulong.

Kinabukasan ay maluwalhating nakatawid si Lanao sa lubid at ang kanilang kasal ni Prinsesa Minda ay naganap. Namuno ang mag-asawa sa kaharian ni Sultan Kumpit. Dahil sa kabaitan ay napamahal sa mga tao ang dalawa kaya’t ang malaking pulong iyon ay pinangalanang Minda-Lanao na di nagtagal ay naging “Mindanao.”

Ang alamat na ito ay galing sa proudpinoy.com

Buod ng Alamat

Ang Alamat ng Mindanao ay may buod na tungkol sa anak ni Sultan Kumpit na si Minda. Si Minda ay napakaganda at may mga manliligaw na raha, sultan, datu, at mga prinsipe galing sa iba’t ibang lugar.

Upang mapangasawa nila si Minda, dapat nilang maipasa ang talong pagsubok. Ang unang pagsubok ay dapat niyang ikwento sa Sultan ang kanilang angkan. Ang ikalawa ay higitan ang ginto ng sultan at ang ikatlo ay dapat makatawid ang manliligaw sa tulay na lubid. Maraming manliligaw ang hindi nakapasa sa pagsubok ng Sultan.

Ngunit isang matalinong prinsipe na si Lanao ang naka-ispi ng paraan upang malampasan ang unang dalawang pagsubok. Nagimbento siya ng istorya na kapani-paniwala sa Sultan. Sa ikalawang pagsubok naman ay humiram siya ng ginto sa mga kaibigan niya upang mahigitan ang sa Sultan. Nakapasa siya sa mga pagsubok at ang ikatlong pagsubok nalang ang kanyang dapat lampasan.

May masamang balak ang sultan sa ikatlong pagsubok. Natunugan ito ni Minda kaya inutusan niya ang kanyang tauhan na putulin ang matibay at manipis na lubid na siyang makapagpuputol ng sampayan.

Kinabukasan ay maluwalhating nakatawid si Lanao sa lubid at ang kanilang kasal ni Prinsesa Minda ay naganap. Namuno ang mag-asawa sa kaharian ni Sultan Kumpit. Dahil sa kabaitan ay napamahal sa mga tao ang dalawa kaya’t ang malaking pulong iyon ay pinangalanang Minda-Lanao na di nagtagal ay naging “Mindanao.”

Aral ng Alamat

Ang aral sa Alamat ng Mindanao ay maging mapagmahal sa sarili. Unahin ang pagmamahal sa sarili bago mahalin ang iba at ang tamang tao ay kusang lalapit sayo

Konklusyon

Ang “Alamat ng Mindanao” ay nagpapakita lamang na ang mga ito ay nagpasalin-salin na sa bawat henerasyon. Dagdag pa rito, ang alamat ay isang panitikan na may kaugnayan sa ugali, tradisyon at pamumuhay nating Pilipino. Malaki ang naging ambag nito sa ating pagkakakilanlan at pagpapanatili sa ating kultura at tradisyon.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan ng ang Alamat ng Mindanao. Happy reading and God bless.

Inquiries

If you have any questions or suggestions about Alamat ng Mindanao – Buod at Aral ng Alamat ng Mindanao 2021. Let us know what you think about this post by leaving a comment below.

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Leave a Comment