Alamat Ng Makopa – Buod At Aral

ALAMAT NG MAKOPA – Sa artikulong ito, ating matutunghayan ang buong kwento tungkol sa “alamat ng makopa” na may buod at aral. Alamin natin kung saan at ano nga ba ang pinagmulan ng prutas na “makopa.”

Ang alamat o legend sa Ingles ay mga kwentong bayan at may kahulugan na uri ng panitikan kung saan tinatalakay ang pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Ito ay mga kathang-isip na nagpasalin-salin sa mga henerasyon kung kaya’t ito ay buhay na buhay pa rin hanggang ngayon.

Alamat Ng Makopa - Buos at Aral
Alamat ng Makopa

Sana maging inspirasyon natin itong maikling halimbawa ng alamat na pinamagatang “alamat ng makopa” para magtagumpay sa buhay. Marahil ay makaka-relate ka sa mga karanasan ng sumulat ng alamat na ito.

Alamat ng Makopa

Sinasabing may isang bayang hindi nakakilala ng gutom dahil may isang gong o batingaw silang nagkakaloob ng kanilang kahilingan. Nabalitaan ito ng mga tulisan kaya nag-ambisyon silang nakawin ang gong at ilipat ito sa ibang lugar.

Sa takot ng mga tao sa pagsalakay ng mga tulisan, ibinaon nila ang gong sa isang lugar na malapit sa gubat.

Sumalakay nga ang mga tulisan. Nakipaglaban ang mga taong-bayan hanggang maitaboy paalis ang mga gustong magnakaw ng kanilang gong. Sa kasawiang-palad, marami-rami rin ang namatay.

Kabilang dito ang mga nagbaon ng gong. Samakatwid, walang makapagsabi kung saan nakatago ang gong...

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Buod ng Alamat ng Makopa

Ang alamat na ito ay tungkol sa isang gong o batingaw. Noong unang panahon, may isang bayan na sinasabing hindi nakakakilala ng gutom sapagkat mayroon silang gong na nagkakaloob ng kanilang kahilingan.

Nalaman ito ng mga tulisan at nag-ambisyon ang mga ito na nakawin. Sa takot ng mga tao ibinaon nila ang gong. Dumating ang araw ng pagsalakay ng mga tulisan at marami ang nasawi ang buhay kasama ang mga nagbaon ng gong.

Samakatuwid, walang nakakaalam kung nasaan ang gong at lumipas ang ilang taon na hindi parin ito nakita. Hanggang isang araw, may isang bata na nakakita ng punong may bungang hugis batingaw.

Inakyat niya ito at tinikman ang bunga. Nasarapan siya kaya ng uwi siya para sa mga kababayan. Pagkakita ng mga kababayan niya ang bunga hinukay nila ang ugat ng puno at doon nakita nga ang gong.

Kinuha nila ito at nagkaroon pa ng punong may matamis na bunga na hugis kampana ang mga taong-bayan.

Aral ng Alamat

Ang aral sa alamat na ito ay “huwag tayong magnakaw at mag-ambisyon ng isang kayamanan na hindi sa atin. Ito ay isang makasalanang gawain na hindi dapat gawin ng isang tao.” Maging kuntento tayo sa mga bagay na meron tayo at maging masaya tayo sa biyaya ng iba.

Ang Alamat ng Makopa (Version 2)

Noong sinaunang panahon sa lalawigan ng Samar ay may isang simbahanna dinarayo ng maraming deboto. Maliban sa kanilang pananampalataya, naakitang mga tao dito dahil sa napakagandang tunog ng tatlong kampana na nasakamapanaryo nito.

Ang mga kampanang ito ay hindi lamang ginagamit sa pagsisimba atpagdadasal, ito rin ay naghuhudyat ng mga kalamidad o ang pagdating ng mgapirata. Si Pedro, ang kampanero, ay maagap na nagbibigay babala sa mga tao.

Dahil dito, binalak ng mga pirata na nakawin ang mga kampana. Isang gabina walang buwan, isinagawa ng pirata ang kanilang plano. Laking gulat ng mga itonang hindi nila mahanap ang mga kampana sa kampanaryo. Sa ingay ng kanilangpagkabigla, nagising ang mga taong bayan at hinabol ng mga ito ang mga pirata…

Ang halimbawa sa itaas ay isa pang bersyon ng alamat na ito. Dito mababasa ang buong kwento.

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Leave a Comment