Alamat Ng Makahiya – Buod At Aral

ALAMAT NG MAKAHIYA – Sa artikulong ito, matutunghayan natin ang buong kwento tungkol sa “alamat ng makahiya” na may buod at aral. Alamin natin kung saan nga ba nagmula ang halamang makahiya.

Ang alamat o legend sa Ingles ay mga kwentong bayan at may kahulugan na uri ng panitikan kung saan tinatalakay ang pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Ito ay mga kathang-isip na nagpasalin-salin sa mga henerasyon kung kaya’t ito ay buhay na buhay pa rin hanggang ngayon.

Alamat Ng Makahiya - Buod at Aral
Alamat ng Makahiya – Buod at Aral

Sana maging inspirasyon natin itong maikling halimbawa ng alamat na pinamagatang “Alamat ng Makahiya” para magtagumpay sa buhay. Marahil ay makaka-relate ka sa mga karanasan ng mga sumulat ng alamat na ito.

Alamat ng Makahiya

Noong unang panahon ay may mayamang mag-asawa, sina Mang Dondong at Aling Iska.

Mayroon silang labindalawang taong gulang na anak na babae na nagngangalang Maria.

Mahal na mahal nila ang kanilang anak.

Si Maria ay responsible at masuring anak. Siya ay masipag at mabait, dahil dito ay gusto siya ng lahat.
Ngunit ang pagkamahiyain ay isa sa natatanging katangian ni Maria. Dahil sa mahiyain ay ilang sya sa pakikipag-usap sa mga tao.

Para maiwasan niya ang makita o makisalamuhan sa mga tao, ay palagi niyang kinukulong ang sarili niya sa kanyang silid.

Mayroong hardin ng mga bulaklak si Maria.

Ang mga bulaklak ay magaganda at alam ito ng buong bayan. Matiyaga at magiliw niyang inaalagaan ang kanyang mga halaman. Sapagkat dito siya nakakakita ng kaligayahan.

Isang araw, ay kumalat ang balita na isang grupo ng mga bandido ang sumalakay sa kalapit bayan. Pinapatay ng mga bandido ang mga tao at tinatangay ang salapi ng mga residente.

Kinabukan, ang mga bandido ay dumating kung saan naninirahan si Mang Dondong at Aling Iska at ang anak na si Maria. Nakita ni Mang Dondong na parating ang mgabandido, nagdesisyon siya na itago si Maria sa hardin para sa kaliktasan nito…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Buod ng Alamat ng Makahiya

Ang “Alamat ng Makahiya” ay tungkol sa isang mahiyaing babae na si Maria. Noong unang panahon may mayamang mag-asawa na sina Mang Dondong at Aling Iska. May anak sila na babae na nagngangalang Maria.

Si Maria ay napakamahiyain kaya palagi siyang nagkukulong sa kanyang silid. Mayroong siyang hardin ng mga bulaklak at inaalagaan niya ito ng mabuti dahil ito ang kanyang kasiyahan.

Hanggang isang araw, may kumalat na balita na mayroong mga bandido na pumapatay at tumatangay ng mga salapi sa mga residente. Kinabukasan, ang bahay ng mag-asawa ang kanilang pinasok.

Itinago ni Mang Dondong si Maria sa hardin para sa kaligtasan nito. Sa takot ni Aling Iska, nagsambit siya ng panalangin na “Aking Panginoon! Iligtas nyo po ang aking anak.”

Pinalo ng mga bandido sa ulo ang mag-asawa at tinangay ang mga salapi at alahas ng mga ito. Sinubukan nilang hanapin si Maria ngunit hindi nila ito nakita.

Pagkagising ng mag-asawa ay hinanap nila ang kanilang anak pero hindi nila ito nakita. Biglang-bigla ay may tumusok sa paa ni Mang Dondong at nakita ang kakaibang halaman na ngayon lang nila nakita. Nagulat siya dahil isa itong maliit na halaman na mabilis na tumitiklop ang mga dahon.

Pinaniwalaan nilang ito ay si Maria dahil katulad ni Maria ay mahiyain din ang halaman at magmula noon ay inalagaan na nila ito ng mabuti.

Sa pagtatapos ng kwento, tinawag nila ang halaman na “makahiya” dahil nagtataglay ito ng katangian ni Maria na pagkamahiyain.

Aral ng Alamat

Ang aral sa alamat na ito ay “dapat nating mahalin at respetuhin ang ating mga magulang, sapagkat handa silang masaktan at magsakripisyo para sa ating kapakanan at kaligtasan.” Sa mundong ito, walang ni sino man ang makakapantay sa pagmamahal ng magulang sa kanilang mga anak.

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Leave a Comment