Alamat ng Lansones – Buod at Aral ng Alamat ng Lansones 2021

ALAMAT NG LANSONES – Ang “Alamat ng Lansones” ay isang alamat tungkol sa isang prutas na paborito ng lahat. Ang maikling alamat ng lansones sa Tagalog ang magpapaliwanag kung paano nga ba tinawag na Lansones ang prutas na ito. Ang alamat na ito ay siguradong magbibigay aliw at aral na dadalhin natin habambuhay.

Ang alamat o legend sa Ingles ay may kahulugan na uri ng panitikan kung saan tinatalakay ang pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Ito ay mga kwentong bayan na karaniwang nagpapaliwanag kung saan nanggaling ang isang bagay. Ito ay mga kathang-isip na nagpasalin-salin sa mga henerasyon kung kaya’t ito ay buhay na buhay pa rin hanggang ngayon.

Isang halimbawa nito ay ang tatalakayin natin ngayong alamat ay tungkol sa Alamat ng Lansones.

Alamat ng Lansones - Buod at Aral ng Alamat ng Lansones 2021
Alamat ng Lansones – Buod at Aral ng Alamat ng Lansones 2021

Sana sa pamamagitan nitong mga maikling halimbawa ng alamat na “Alamat ng Lansones” ay maging inspirasyon natin ito para magtagumpay sa buhay. Marahil ay makakarelate ka sa mga karanasan ng mga sumulat ng ang maikling alamat ng lansones tagalog.

Alamat ng Lansones – Buod at Aral ng Alamat ng Lansones

Basahin ang nakakatuwang alamat na pinamagatang ” Ang Alamat ng Lansones”.

Alamat ng Lansones

Noong unang panahon sa isang bayan sa Laguna ay matatagpuan ang isang uri ng puno na may bilugan hugis ang bunga. Sa panahon ng tagbunga, kahit na hitik sa bilugang bunga ang nasabing puno ay walang sinuman ang nangangahas na lapitan o kainin ito. Sa likod ng tila ba masarap na anyo ng bunga nito ay nakakubli ang matindi at maaring nakamamatay na lason.

Nagsimulang katakutan at pag-usapan ang “puno ng lason” ng may isang manlalakbay ang nagpahinga sa ilalim ng puno na may nakakalasong bunga. Marahil dahil sa pagod, gutom at sa kaaya-ayang kaanyuan ng bunga ay pumitas ang manlalakbay ng bunga ng puno upang kainin. Huli na ng makita upang pigilan ng mga taong-bayan ang manlalakbay sa pagkain nito ng nasabing bunga. Bumula ang bibig ng manlalakbay at nangisay ito matapos makain ang nakalalasong bunga.

Maliban sa nasabing nakalalasong puno ay marami pang ibang namumungang puno at halaman ang matatagpuan sa bayan. Sa isang bibihirang pagkakataon ay tinamaan ng isang matinding tagtuyot ang bayan. Nangamatay ang mga tanim na kanilang inaasahang magbibigay sa kanila ng makakain, lingid sa isa… Ang puno na nagtataglay ng nakalalasong bunga. Taimtim na nanalangin ang mga taong bayan upang matapos na ang nasabing tagtuyot dulot ng matinding tag-init.

Isang araw ay may isang babaeng nakaputi ang dumating sa bayan. Kakatuwa ang babaeng ito dahil ito ay pakanta pang tinungo ang lugar kung saan matatagpuan ang punong namumunga ng bungang may lason. Sinubukang pigilan ng ilang nakatatanda ang babae ngunit tila ba hindi sila narinig nito at patuloy lamang sa maligayang pag-awit nito at nagsimulang pitasin ang bunga ng puno.

Nagimbal ang mga taong nasaksihan ang pagkain ng babae sa nakalalasong bunga ng puno sa kabila ng kanilang pagbabala dito. Inasahan na ng mga taong-bayan na anumang oras ay babagsak ito ngunit nakailang bunga na itong nakakain ay wala pa ring nangyayari. Sa halip ay sarap na sarap pa ito sa pagkain. Marahil sa pagataka at gutom ay nagsimulang lumapit ang mga kabataan sa babae.

Tinanong ng babae ang mga lumapit na bata kung bakit tila ba hindi nagagalaw ang mga masasarap na prutas ng nasabing puno. Inilahad sa kanya ng mga bata ang kuwento ng nakalalasong puno at umiling lamang ang babae. Pumitas siya ng bunga at pinisil ito upang ilantad ang kaaya-ayang laman ng bunga ng nasabing puno. Sa gutom ay nagbakasakali ang isang bata upang tikman ito.

“Masarap at malinamnam!” ang nasabi ng bata at muli itong pumitas. Nang makita ito ng mga taong-bayan ay nagsimula itong lumapit sa nasabing puno upang kumuha ng bunga upang kainin. Lahat ay nabigla sa kakaibang tamis ng dating itinuring nilang bungang may lason. Sa di maipaliwanag na pangyayari ay bigla na lamang nawala ang babaeng unang kumain ng bunga ng puno ng lason. Matapos mabatid na wala na ang lason sa puno ay naitawid ng bayan ang matinding tag-init. Pinaniwalaan ng mga taong-bayan na ang babaeng nakaputi ay isang diwatang sumagot sa kanilang panalangin.

Sa paglipas ng panahon ang dating puno at bunga na may lason ay tinawag na nilang “lansones”.

Buod ng Alamat ng Lansones

Ang alamat ng lansones tagalog ay nagsimula noong unang panahon sa isang bayan sa Laguna ay matatagpuan ang isang uri ng puno na may bilugan hugis ang bunga. Kahit hitik na hitik ang bunga nito ay walang sinuman ang nangahas na kumain dahil ito ay nakakalason.

Isang tagtuyot ang nangyari at namatay ang mga punong nagbibigay ng mga di nakakalasong prutas. Ganoon rin ang mga tanim na inaasahan nilang nagbibigay pagkain. Ang “Puno ng Lason” lang ang nakaligtas sa tagtuyot.

Isang araw ay may isang babaeng nakaputi ang dumating sa bayan. Kakatuwa ang babaeng ito dahil ito ay pakanta pang tinungo ang lugar kung saan matatagpuan ang punong namumunga ng bungang may lason. Pinigilan siya ng mga nakakatanda at ikinuwento nila ang nalason lalaki pero kumain pa rin siya. Nang tinikman rin nila ang prutas ay nasarapan sila. Biglang nawala ang nakaputing babae at pinaniniwalaang siya ay diwata na sumagot sa kanilang hiling.

Sa paglipas ng panahon ang dating puno at bunga na may lason ay tinawag na nilang “lansones”.

Aral ng Alamat ng Lansones

Ang aral sa Alamat ng Lansones ay manalangin dahil ito ay makapangyarihan. Mas nagiging makapangyarihan ito kapag tayo ay nagkakaisa sa iisang hangarin.

Konklusyon

Ang maikling alamat na “Alamat ng Lansones” ay nagpapakita lamang na ang mga ito ay nagpasalin-salin na sa bawat henerasyon. Dagdag pa rito, ang alamat ay isang panitikan na may kaugnayan sa ugali, tradisyon at pamumuhay nating Pilipino. Malaki ang naging ambag nito sa ating pagkakakilanlan at pagpapanatili sa ating kultura at tradisyon.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan ng ang alamat ng lansones Tagalog. Happy reading and God bless.

Inquiries

If you have any questions or suggestions about Alamat ng Lansones – Buod at Aral ng Alamat ng Lansones 2021. Let us know what you think about this post by leaving a comment below.

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Leave a Comment