Alamat ng Kasoy – Buod at Aral ng Alamat ng Kasoy 2021

Alamat ng Kasoy – Ang “Alamat ng Kasoy” ay isang alamat na isinulat ng ating makatang Pilipino. Ang alamat na ito ay siguradong makapagbibigay aliw at saya sa sinumang mambabasa. Ang alamat na ito ay magbibigay aral na dadalhin natin habambuhay.

Ang alamat o legend sa Ingles ay may kahulugan na uri ng panitikan kung saan tinatalakay ang pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Ito ay mga kwentong bayan na karaniwang nagpapaliwanag kung saan nanggaling ang isang bagay. Ito ay mga kathang-isip na nagpasalin-salin sa mga henerasyon kung kaya’t ito ay buhay na buhay pa rin hanggang ngayon.

Isang halimbawa nito ay ang tatalakayin natin ngayong alamat ay tungkol sa Alamat ng Kasoy.

Alamat ng Kasoy - Buod at Aral ng Alamat ng Kasoy 2021
Alamat ng Kasoy – Buod at Aral ng Alamat ng Kasoy 2021

Sana sa pamamagitan nitong mga maikling halimbawa ng alamat na “Alamat ng Kasoy” ay maging inspirasyon natin ito para magtagumpay sa buhay. Marahil ay makakarelate ka sa mga karanasan ng mga sumulat ng ang alamat ng bahaghari.

Alamat ng Kasoy – Buod at Aral ng Alamat ng Kasoy

Basahin ang nakakatuwang alamat na pinamagatang “Alamat ng Kasoy”.

Alamat ng Kasoy

Noong unang panahon ay nasa loob ng kasoy ang abuhing buto nito. Lungkut na lungkot ang buto sapagkat madilim na madilim sa loob ng kasoy. Lalo itong nalungkot nang malamang magdaraos ng isang handaan ang Adang kagubatan. Sa gabi ng handaan ay ipinatawag ng Ada ang lahat ng hayop at halaman.

Ang buong kagubatan ay nagliliwanag sa tama ng mga ilaw ng parol ng mga Alitaptap. Ang huni ng mga Kuliglig at kokak ng mga Palaka ay sumasaliw sa awit ng mga Maya. Masayang kasayaw ng mga Kuneho ang mga Usa, ng mga Elepante ang mga Tamaraw, ng Zebra ang Tsonggo. Kapareha naman ni Kangkong ang Sitaw, ni Mangga ang Dalanghita, ni Saging ang Papaya.

Lahat ay nagsasayaw. Lahat ay kumakanta. Masayang-masaya ang kagubatan. Bukod tanging ang buto ng kasoy ang lungkut na lungkot.

“Mabuti pa sila, nakikita ang masayang paligid. Heto ako, nakakarinig ng awit at tawanan pero hindi naman nakikita ang katuwaan.”

Naulinigan ng makapangyarihang Ada ang himutok ng Buto.

“Gusto kong maging maligaya ka. May kahilingan ka ba?”

“Ayoko pong nakakulong sa madilim na lugar na kinalalagyan ko. Naiinggit ako sa ibang hayop at halaman na tuwang-tuwa kapag may handaan sa kagubatan. Nakakasama sila sa pagsasaya. Hindi lang nila naririnig kundi nakikita pa ang katuwaan ng lahat. Maawa kayo, mahal na Ada. Gawan ninyo ng paraang makalabas po sana ako sa pagkakakulong ko sa loob ng prutas na ito.”

Naantig ang maawaing damdamin ng mahal na Ada. Iwinasiwas nito ang nagniningning na pananglaw. Sa isang iglap ay nakalabas sa madilim na kulungan ang Buto.”

Masayang-masayang napanood ng Buto ng Kasoy ang sayawan, kantahan, at pagkakatuwaan ng mga hayop at halaman.

Ang malakas na pagkokak ng mga Palaka at paghuni ng mga Kuliglig ay sumaliw sa awit ng mga Maya. Sa tuwa ng Elepante ay kumembut-kembot ito sa pag-indak. Napapasabay din sa pagimbay ang mahagway na Kawayan kasama ang Pagong na nagbababa at nagtataas ng bahay-bahayan.

Hatinggabi na nang iwasiwas na muli ng butihing Ada ang kaniyang makinang na pananglaw. Hudyat iyon ng pamamahinga. Pinatay na ng mga Alitaptap ang parol nila.

Nalungkot ang Buto nang dumilim na ang paligid. Nahahalinhan ng takot at lungkot nang kumulog at kumidlat. Napansin ng Buto na nagsipagtago ang mga hayop sa mga kuweba. Mahigpit namang ikinabit ng mga halaman ang mga ugat sa ilalim ng lupa.

Tulad ng dapat asahan, bumuhos na ang malakas na ulan. Takot at kinakaliglig sa lamig ang Buto.

“Ga…Ganito pala sa labas. Ma…Mamamatay ka sa sobrang ginaw. Mabibingi ka sa ingay ng kulog. Malamang na tamaan ka pa ng kidlat. A…Ayoko na sa labas.”

Hindi pinakinggan ng Ada ang abuhing Buto ng Kasoy. Bilang panghabambuhay na parusa ay pinamalagi ng Adang manatili sa labas ng Kasoy ang abuhing Buto nito.

Iyan ang Alamat ng Kasoy at ng di nito makuntentong Buto.

Ang alamat ng kasoy ay mula sa proudpinoy.ph

Buod ng Alamat ng Kasoy

Ang buod ng Alamat ng Kasoy ay tungkol sa di makuntentong Buto nito. Gusto ng Buto na lumabas sa prutas dahil ito ay naiinip at nadidiliman sa loob ng prutas. Naiinggit ito sa ibang hayop at prutas na nakikita ang kagandahan ng mundo.

Narinig ni Ada ang kaniyang hinaing. Naantig ito dahil ito ay maawain. Iwinasiwas nito ang nagniningning na pananglaw. Sa isang iglap ay nakalabas sa madilim na kulungan ang Buto.

Masayang masayang buto. Nakita niya ang kagandahan at kasiyahan sa labas. Nang dumating ang gabi, nalungkot ito at sinabayan pa ng takot at kaba dahil sa pagkidlat at pagkulob. Napansin ng Buto na nagsipagtago ang mga hayop sa mga kuweba. Mahigpit namang ikinabit ng mga halaman ang mga ugat sa ilalim ng lupa.

Nagsisi ito sa kanyang desisyon. Gusto niyang bumalik sa loob ng prutas ngunit hindi ito pinayagan ni Ada. Bilang panghabambuhay na parusa ay pinamalagi ng Adang manatili sa labas ng Kasoy ang abuhing Buto nito.

Aral ng Alamat ng Kasoy

Ang aral na matutunan sa Alamat ng Kasoy ay maging kuntento sa kung ano ang mayroon ka. Lahat tayo ay mayroong katangian na wala sa iba kaya’t tanggapin ito at makuntento. Isa rin sa aral na makukuha sa Alamat ng Kasoy ay mag-ingat sa hinihiling baka mapahamak ka.

Konklusyon

Ang “Alamat ng Kasoy” ay nagpapakita lamang na ang mga ito ay nagpasalin-salin na sa bawat henerasyon. Dagdag pa rito, ang alamat ay isang panitikan na may kaugnayan sa ugali, tradisyon at pamumuhay nating Pilipino. Malaki ang naging ambag nito sa ating pagkakakilanlan at pagpapanatili sa ating kultura at tradisyon.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan ng ang alamat ng kasoy. Happy reading and God bless.

Inquiries

If you have any questions or suggestions about, Alamat ng Kasoy – Buod at Aral ng Alamat ng Kasoy 2021. Let us know what you think about this post by leaving a comment below.

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Leave a Comment