ALAMAT NG KALABASA – Sa artikulong ito, ating matutunghayan ang buong kwento tungkol sa “alamat ng kalabasa” na may buod at aral. Alamin natin kung saan nga ba nagmula ang gulay na kalabasa.
Ang alamat o legend sa Ingles ay mga kwentong bayan at may kahulugan na uri ng panitikan kung saan tinatalakay ang pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Ito ay mga kathang-isip na nagpasalin-salin sa mga henerasyon kung kaya’t ito ay buhay na buhay pa rin hanggang ngayon.

Sana maging inspirasyon natin itong maikling halimbawa ng alamat na pinamagatang “alamat ng kalabasa” para magtagumpay sa buhay. Marahil ay makaka-relate ka sa mga karanasan ng mga sumulat ng alamat na ito.
Alamat ng Kalabasa
Si Kuwala ay anak ni Aling Disyang, isang mahirap na maggugulay. Maliit pa siyang bata nang mamatay ang ama at tanging ang ina ang nagpalaki sa kanya.
Mabait si Kuwala. Maliit pa ay mahilig na siyang tumingin sa mga larawang nasa libro at nang matuto ay pagbabasa ang naging libangan.
Basa siya ng basa. Walang oras na hindi siya nagbabasa. Binansagan tuloy siyang Kuwalang basa nang basa.
Matalino ang anak kaya nagsikap si Aling Disyang para matustusan ang anak. Si Kuwala naman ay higit na pinagbuti ang pag-aaral. Tag-ulan noon nang isang hapon ay umuwi si Kuwala na mataas na mataas ang lagnat.
Inirireklamo niya ang mahirap na paglunok. Nagsuka rin siya nang nagsuka. Palibhasa ay walang pera, hindi agad nadala ni Aling Disyang sa doktor ang anak. Nang masuri ito ng doktor ay malala na ang kondisyon...
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.
Buod ng Alamat ng Kalabasa
Narito ang buod ng alamat ng kalabasa. Ang alamat na ito ay tungkol sa isang batang mahilig magbasa. Mayroong isang bata na ang pangalan ay Kuwala at siya ay anak ng isang mahirap na maggugulay na si Aling Disyang. Maliit pa ito ng mamatay ang kanyang ama at ang ina niya na lamang ang nagpalaki sa kanya.
Si Kuwala ay isang matalino na bata at siya ay mahilig magbasa kaya binansagan siyang “kuwalang basa nang basa.” Isang araw, umuwi si Kuwala na mataas na mataas ang lagnat. Dahil sa walang pambayad sa doktor hindi agad napatingin si Kuwala.
Nang tignan na ito ng doktor, malala na ang sakit ng bata at ikinamatay niya ito. Sa sobrang kalungkutan ng ina inubos na lamang niya ang kanyang panahon sa pag-aalaga sa kanyang mga tanim na gulay.
May kakaibang gulay na tumubo at nagbunga sa kanyang pataniman at natuklasan ng mga kumain ng gulay na ito ay may bitamina na nagpapalinaw ng mata. May isang nagtanong kung saan galing ang gulay at ang sabi ng tinanong ay “kina Kuwalang basa ng basa” at sa kalaunan ay tinawag na itong kalabasa.
Aral ng Alamat ng Kalabasa
Ang aral sa alamat na ito ay “hindi dapat natin balewalain ang kahit anong sakit na ating nararamdaman.” Maliit mn ito o malaki, kailangan natin itong agarang bigyan ng pansin at ipatingin sa doktor dahil maaari itong maghatid sa atin sa ating kamatayan.”
Dagdag na aral, “pahalagahan natin ang sakripisyo at pangarap sa atin ng ating mga magulang, sapagkat handa silang gawin ang lahat maging maganda lang ang ating kinabukasan.”