Alamat ng GUMAMELA – Ang gumamela ay isang napakaganda at natatanging bulaklak. Sa artikulo na ito matutunghayan natin ang “Alamat ng Gumamela”. Ito ay magbibigay sa inyo ng magandang aral na dadalhin niyo sa habang panahon.
Ang alamat o legend sa Ingles ay may kahulugan na uri ng panitikan kung saan tinatalakay ang pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Ito ay mga kwentong bayan na karaniwang nagpapaliwanag kung saan nanggaling ang isang bagay. Ito ay mga kathang-isip na nagpasalin-salin sa mga henerasyon kung kaya’t ito ay buhay na buhay pa rin hanggang ngayon.

Sana sa pamamagitan nitong mga maikling halimbawa ng “Alamat ng Gumamela ay maging inspirasyon natin ito para magtagumpay sa buhay. Marahil ay makakarelate ka sa mga karanasan ng mga sumulat ng Alamat ng Gumamela.
Alamat ng Gumamela – Buod at Aral ng Alamat ng Gumamela
Basahin ang nakakatuwang alamat na pinamagatang “Ang Alamat ng Gumamela”.
Alamat Ng Gumamela
Mahilig sa mga bulaklak si Mela. Sa katunayan, ang paligid ng bakuran nila ay punung-puno ng mga halamang namumulaklak. Siya ang nagtanim sa lahat ng iyon. Araw-araw, makikita ang napakaraming mga,paruparo, bubuyog at tutubi sa halaman ni Mela.
Katuwaan na ng mga bata at maging ng mga matatanda na panoorin ang mga iyon habang palipat-lipat sa pagdapo sa mga bulaklak. Dahil nalilibang sa paghahala-man, hindi na pansin ni Mela na nagkakaedad na siya. Bagamat may mga manliligaw ay gusto pa niyang i buhos ang panahon sa pagpaparami ng mga tanim kaysa usapin ng kanyang puso.
Isang araw, may bakasyunistang na ligaw sa ha lamanan ni Mela. Natuwa rin ito at naaliw sa maramin mga tutubi, mga paruparo at mga bubuyog na masayang nagliliparan sa mga bulaklak. Nakipagakilala si Rommel, ang binatang taga Maynila kay Mela. Mula noon, araw-araw nang panauhin ni Mela si Rommel at ikinainggit ito ng ibang manligaw ni Mela.
Isa na rito si Goyong, pinakamahigit niyang mangingibig. Minsan ay hinarang ni Goyong si Rommel at pinagbantaan. Ipinagkibit-balikat lang ni Rommel ang banta. Nagpatuloy siya sa pagdalaw kay Mela. Ang totoo ay natutuhan na niyang mahalin si Mela. Lalong nagalit si Goyong nang isang umaga ay makitang kasama ni Rommel si Mela galing sa pagsisimba.
Walang sabi-sabing inundaya nito ng saksak ang binata ngunit hindi nito inasahan ang ginawa ni Mela. Biglang iniharang ng dalaga ang katawan kaya siya ang tumang-gap ng saksak na para kay Rommel. Agaw-buhay agad si Mela subalit bago nalagutan ng hininga ay inamin kay Rommel na mahal niya ito. Gayon na lang ang panggigipuspos ni Rommel.
Matapos ilibing ang dalaga sa gitna ng halamanan nito ay hindi na bumalik ng Maynila ang lalaki. Siya ang pumalit kay Mela sa pag-aalaga ng mga halaman nito. Nais niyang ipadama sa pamamagitan noon na mahal na mahal niya ang dalaga.
Isang araw ay napansin ni Rommel ang pagtubo ng isang ka-kaibang uri ng halaman sa mismong puntod ni Mela. Nang lumaki iyon ay namulaklak ng kulay pula. Inisip ni Rommel na iyon ang paraan ng dalaga upang ipaalam ang kanyang pag-ibig sa binata. Ang bulaklak ay tinawag niyang mela ngunit kalaunan ay naging gumamela.
Buod ng Alamat
Ang Alamat ng Gumamela ay tungkol sa kay Mela. Siya ay isang magandang bata na mahilig sa mga namumulaklak na tanim. Kay raming mga bubuyog, paru-paro, at mga tutubi ang humahapon sa halamanan ni Mela.
Isang araw ay may naligaw sa halamanan ni Mela. Natuwa ito sa mga halaman ni Mela at mga bubuyog, paru-paro at tutubi na nagsisiliparan sa hardin. nakipagkilala siya sa kanya. Ang lalaking naligaw ay si Rommel na taga Maynila. Simula noon ay palagi na silang nag-uusap ni Mela at kinainggit ito ng mga nanliligaw sa kanya. Isa na rito si Goyong, ang pinakamasugid niyang manliligaw.
SInaksak ni Goyong si Rommel sa simbahan ngunit ito ay hinarangan itoi ni Mela. Umamin si ROmmel na mahal niya si Mela ngunit ito ay namatay. Labis ang hinagpis ni Rommel ng inilibing si Mela sa kanyang hardin. Mula noon ay hindi na bumalik ng Maynila si Rommel.
Isang araw ay napansin ni Rommel ang pagtubo ng isang ka-kaibang uri ng halaman sa mismong puntod ni Mela. Nang lumaki iyon ay namulaklak ng kulay pula. Inisip ni Rommel na iyon ang paraan ng dalaga upang ipaalam ang kanyang pag-ibig sa binata. Ang bulaklak ay tinawag niyang mela ngunit kalaunan ay naging gumamela.
Aral ng Alamat
Ang aral sa Alamat ng Gumamela ay huwag hintayin ang huli sa pagpaparamdam ng iyong pagmamahal sa isang tao. Hindi natin alam ang susunod na mangyayari sa ating buhay kaya hangga’t maaari ay iparamdam ang iyong pagmamahal sa kanila.
Konklusyon
Ang “Alamat ng Gumamela” ay nagpapakita lamang na ang mga ito ay nagpasalin-salin na sa bawat henerasyon. Dagdag pa rito, ang alamat ay isang panitikan na may kaugnayan sa ugali, tradisyon at pamumuhay nating Pilipino. Malaki ang naging ambag nito sa ating pagkakakilanlan at pagpapanatili sa ating kultura at tradisyon.
Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan ng ang Alamat ng Gumamela. Happy reading and God bless.
Inquiries
If you have any questions or suggestions about Alamat ng Gumamela – Buod at Aral ng Alamat ng Gumamela 2021. Let us know what you think about this post by leaving a comment below.
Para Sa Iba Pang Filipino Lessons
- Sanaysay Tungkol Sa Magulang – 8 Halimbawa Ng Sanaysay 2021
- Tula Tungkol sa Wikang Filipino 2021 | 10+ Halimbawa Ng Tula sa Wika
- Tula Tungkol Sa Pangarap 2021 – 12 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Pangarap
- 10 Halimbawa Ng Maikling Kwento Na May Gintong Aral – Short Stories 2021
- Talumpati Tungkol sa Wika
- Tula Tungkol Sa Kalikasan – 25 Maikling Tula Tungkol Sa Pangangalaga At Pagmamahal Sa Kalikasan 2021
- Tula Tungkol Sa Pamilya – 10 Maikling Tula Tungkol Sa Pamilya 2021
- 9 Maikling Kwento Tungkol Sa Kaibigan | Short Stories Tagalog
- 9 Maikling Kwento Tungkol Sa Pag-ibig | Short Stories Tagalog
- 7 Maikling Kwento Tungkol Sa Pangarap | Short Stories Tagalog
- 10 Maikling Kwento Tungkol Sa Kalikasan | Short Stories Tagalog
- Anu Ang Maikling Kwento: Kahulugan at Halimbawa
- Tula Tungkol Sa Kaibigan – 14 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Kaibigan (Pambata at Barkada) 2021
- Tula Tungkol Sa Pandemya – 10 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Panahon Ng Pandemya (Covid 19) 2021
- Nang at Ng Pagkakaiba – Tamang Paggamit ng Ng at Nang
- Tula Tungkol Sa Pagmamahal Sa Bayan – 20 Maikling Tula Tungkol Sa Pagmamahal Sa Inang Bayan 2021
- Example of Tanaga Poem in English and Tagalog
- 30 Tula Tungkol Sa Guro (Pasasalamat Sa Mga Guro Ngayong Pandemya) 2021
- 15 Halimbawa Ng Maikling Tula Tungkol sa Paglabag O Pagkakapantay-pantay Ng Karapatang Pantao
- Tula Tungkol Sa Crush – 18 Tula Tungkol Sa Crush (Paghanga At Pag-ibig) 2021
- Tula Tungkol Sa Pag-ibig – 31 Halimbawa Ng Tula Sa Pag-ibig 2021
- Halimbawa Ng Pabula – 10+ Pabula Sa Pilipinas Na May Aral 2021
- Panitikan Kahulugan at Halimbawa | Meaning and Examples
- Tula Tungkol Sa Sarili 2021 – 8 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Sarili
- Tula Tungkol Sa Kaibigan – 14 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Kaibigan (Pambata at Barkada) 2021
- Kwentong Bayan Kahulugan – Halimbawa Ng Kwentong Bayan 2021
- Talumpati Example : 10 Example of Talumpati [Tagalog] 2021