Alamat ng Gubat – Buod at Aral

Alamat ng GUBAT Narito ang buod at aral sa “alamat ng gubat ni Bob Ong” na siguradong magbibigay sa iyo ng aliw at kaalaman. Ang bersyon ng alamat na ito ay tungkol sa isang talangka sa gubat at ang kanyang paglalakbay dito.

Ang alamat o legend sa Ingles ay may kahulugan na uri ng panitikan kung saan tinatalakay ang pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Ito ay mga kwentong bayan na karaniwang nagpapaliwanag kung saan nanggaling ang isang bagay.

Ito ay mga kathang-isip na nagpasalin-salin sa mga henerasyon kung kaya’t ito ay buhay na buhay pa rin hanggang ngayon.

Alamat ng Gubat - Buod at Aral ng Alamat ng Gubat 2021
Buod at Aral ng Alamat ng Gubat

Sana sa pamamagitan nitong mga maikling halimbawa ng “alamat ng gubat ni Bob Ong” ay maging inspirasyon natin ito para magtagumpay sa buhay. Marahil ay makakarelate ka sa mga karanasan ng mga sumulat ng alamat.

Ang Alamat ng Gubat

Noong unang panahon, sa isang liblib na kaharian sa ilalim ng dagat, ay may nakatirang maganda at mabait na sirena. Pero wala siyang kinalaman sa kwentong ito. Kaya ang pagtutuunan na lang natin ng pansin ay si Tong, ang pinakabatang anak ni Haring Talangka na tulad ng maraming hari ay walang ibang papel sa kwento kundi ang magkasakit. At ito na nga ang dahilan kung bakit isang araw ay bigla na lang ipinatawag si Tong ng kanyang inang reyna.

“Tong, anak, ang iyong ama ay may karamdaman,” wika ng reyna. “Hindi na s’ya nakakalangoy. Kailangan mong umahon ngayon din papunta sa lupa upang kumuha ng puso ng saging — ang tanging prutas na makakapagpagaling sa kanya.”

Sumagot si Tong, “Ngunit inang reyna, hindi ba’t talaga namang hindi nakakalangoy ang amang hari?”

“Dahil nga mayroon s’yang karamdaman!” ang sagot ng reyna.

Noon din ay nag-log-off si Tong sa Friendster at dali-daling nagtungo sa lupa. Inabot s’ya ng pitong araw at tatlong gabi sa paglalakbay bago narating ang kakahuyan. Sa di kalayuang ilog ay namataan n’ya kaagad si Buwaya na nagpapahinga.

“K-kamusta po!” bati n’ya. “Maaari po bang magtanong kung saan ma—”

“NGINANGAUHA MO HA AHO?” tanong ni Buwaya.

“Ano po?”

“Pweh!” Idinura ni Buwaya si Maya na naglilinis ng ngipin n’ya. “Sabi ko, kinakausap mo ba ako?”

“O-opo. Hihingi po ako ng—”

“Kailangan mong magbayad ng pilak.”

“Wala po akong pilak, perlas lang ang dala—”

“Tatlong perlas!”

Iniabot ni Tong ang mga perlas, at itinuloy ang tanong. “Saan po ba maaaring makakuha ng puso ng saging dito?”

“Tatlong perlas!”

“Pero n-n-nagbigay na po ako,” nag-aalangang paalala ni Tong.

“Bayad mo lang ‘yon dahil kinausap mo s’ya!” pasigaw na paliwanag ni Maya.

Iniabot ni Tong ang tatlo pang perlas, pero hindi pa rin s’ya sinagot ni Buwaya.
“Saan po kaya ako makakakuha ng puso ng saging?” muli n’yang tanong.

“Tatlong perlas!”

“Pero dalawang beses na ‘ko nagbigay, at tatlo na lang ang perlas ko!” angal ni Tong.

“Tatlong perlas ang hinihingi, kaya tatlong beses kang magbibigay,” sabat uli ni Maya.

“At wag kang madamot dahil tatlo na lang naman ang kailangan namin!”

“Pero wala na ‘kong pambili ng load!”

“Ano ba ang importante sa’yo, textmate o puso ng saging?” hirit ni Maya.

Wala nang nagawa si Tong kundi iabot ang mga huling perlas.

“Maaari n’yo na bang sabihin kung saan matatagpuan ang pakay bo?” tanong n’ya.

Sumagot si Buwaya, “Tama ang pinagtanungan mo dahil ako nga ang hari dito, kaya—”

“Hari???” nagtatakang tanong ni Tong, pero hindi na nakasabat nang magsalita ulit si Buwaya.

“Halika, ibubulong ko sa’yo,” ani Buwaya.

Lumapit si Tong, pero mas pinalapit pa s’ya ng kausap. “Halika sabi, para maibulong ko sa’yo!”

Lalo pang lumapit si Tong, pero laking gulat n’ya nang biglang buksan ni Buwaya ang malaking bunganga nito upang kainin s’ya. Kumaripas ng takbo si Tong at di na ulit lumingon sa ilog.

“Siyeht!” sigaw ni Bibe. “Yu asshol!”…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong alamat.

Buod ng Alamat

Ang alamat na ito na nagsisimula kay Tong, ang anak ng Hari ng Talangka. Kailangan niyang kumuha ng puso ng saging upang gumaling ang kanynag ama. Naglakbay siyang patungo sa gubat upang makakuha nito.

Subalit marami siyang pinagdaanan bago niya makuha ang puso ng saging na siyang makakapagpagaling sa kanyang ama. Marami siyang nakilalang kaibigan at maraming beses din siyang naloko, pero hindi ito sumuko sa hamon ng buhay.

Sa kabila ng hindi magandang karanasan sa kagubatan ang kanyang nais ay para parin sa kabutihan ng lahat ng nakatira sa kagubatan. Kinuha niya ang puso ng saging at nabuhay ang lahat ng nasa gubat ng maligayang-maligaya.

Aral ng Alamat

Ang aral sa alamat na ito ay maging matatag sa lahat ng hamon sa buhay at huwag kaagad magtitiwala sa taong bago mo palang nakikilala. Isa pa, may magandang maidudulot ang pagiging matapang pero huwag itong pairalin. Palagi maging kalmado sa mga sitwasyon.

Inquiries

Kung mayroon kang anumang mga tanong o mungkahi tungkol sa “Alamat ng gubat na may Buod at Aral,” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.

Para Sa Iba Pang Alamat

Leave a Comment