Alamat ng Gagamba – Buod at Aral ng Alamat ng Gagamba 2021

ALAMAT NG GAGAMBA– Inyong matutunghayan ang “Alamat ng Gagamba”. Ito ay isang alamat tungkol sa insekto na malamang ay kinakakatakutan mo. Ang alamat ng gagamba ay nagsalin-salin na mula sa ating mga ninuno. Ang alamat na ito ay siguradong magbibigay aral na dadalhin natin habambuhay.

Ang alamat o legend sa Ingles ay may kahulugan na uri ng panitikan kung saan tinatalakay ang pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Ito ay mga kwentong bayan na karaniwang nagpapaliwanag kung saan nanggaling ang isang bagay. Ito ay mga kathang-isip na nagpasalin-salin sa mga henerasyon kung kaya’t ito ay buhay na buhay pa rin hanggang ngayon.

Isang halimbawa nito ay ang tatalakayin natin ngayong alamat ay tungkol sa Alamat ng Gagamba.

Alamat ng Gagamba - Buod at Aral ng Alamat ng Gagamba
Alamat ng Gagamba – Buod at Aral ng Alamat ng Gagamba

Sana sa pamamagitan nitong mga maikling halimbawa ng alamat na “Alamat ng Gagamba” ay maging inspirasyon natin ito para magtagumpay sa buhay. Marahil ay makakarelate ka sa mga karanasan ng mga sumulat ng ang alamat ng gagamba.

Alamat ng Gagamba – Buod at Aral ng Alamat ng Gagamba

Basahin ang nakakatuwang alamat na pinamagatang “Alamat ng Gagamba”.

Alamat ng Gagamba

Noong unang panahon may isang mag-asawa na biniyayaan ng isang magandang anak na babae. Ang kanilang anak ay tinawag nilang Amba.

Ang mag-asawa ay may hanapbuhay na paghahabi ng mga tela. Parehas na galing sa angkan ng mga mahuhusay humabi ang mag-asawa. Kaya’t tama lamang na ito rin ay kanyang ipapamana sa nag-iisang anak.

Habang maliit pa ang bata ay itinuro na ng mag-asawa kung paano ang humabi. At habang lumalaki na nga ang bata ay unti-unti itong naging bihasa sa paghahabi ng mga tela. Maging ang mga mahihirap na disenyo ay kaya ng gawin ng bata sa murang edad. Nahigitan na nito ang kakayanan ng kanyang ama at ina.

Dahil sa kanyang natatanging kakayanan naging tanyag ang bata sa iba’t-ibang lupalop. Marami ang dumarayo hindi lamang para bumili ng mga disenyo kundi upang makita rin ang paggawa ng bata. Naging mayaman din ang mag-anak dahil sa mga bentang tela na ginagawa ng bata.

Ngunit ang bata ay naging mayabang. Dahil sa alam nito na magaling siya sa kanyang kakayanang paghahabi hinamon nito ang sino man na magkipagtagisan sa kanya. Maraming mga mahuhusay na maghahabi ang tumaggap sa hamon ng batang si Amba. Gusto rin nilang patunayan kung siya nga ay magaling tulad ng napabalita.

Nagtagisan ng galing ang mga maghahabi. Napakahusay nga ang bata. Lahat ng magagaling na maghahabi ay napahanga sa kakayanan ni Amba. Nilaos sila ng bata at dahil dito mas lalong yumabang ang bata.

Ani niya, wala nang makakatalo sa kanyang kakayanan. Maging ang mga diyosa ay kanyang hinamak na wala na ngang makahihigit pa sa galing niya. Narinig ng mga diyosa ang kayabangan ng bata. Hindi na sila nasisiyahan sa nagiging asal ng bata.

Isang araw, isang matanda ang nagpunta sa bahay ng bata at hinamon niya ito. Natawa ang bata ngunit pumayag din ito. Mukha namang pangkaraniwan lang ang matanda at baka nga hindi pa nito alam kung paano humabi. Sigurado na siyang walang panalo sa kanya ang matanda.

Nag-umpisa ang paligsahan. Maraming tao ang dumalo upang manood kung mananalo ang matanda sa batang si Amba. Naging napakaganda ng telang hinabi ng matanda. Maging si Amba ay natulala sa mahirap na disenyong nagawa ng matanda. Ang pasya nang pagkapanalo ay sa tela ng matanda.

Nagngingit-ngit ang bata. Paano daw siya natalo ng isang matanda na mahina na ang mata at uugod-ugod pa. Pinagalitan niya ang matanda at tinulak-tulak ito. Iginiit nito na ang matanda ay nandaya at baka ipinalit lamang ang isang nagawa nang tela sa ginagawa nito. Baka nga si Amba pa gumawa ng tela aniya.

Tangka na niyang pagbubuhatan ng kamay ang matanda nang biglang lumiwanag ang damit ng matanda at nagbago ang kanyang anyo. Iyon pala ay isang diyosa na nagpapanggap lamang.

Hindi na maganda ang asal ng bata ayon sa diyosa. Naging masyadong mayabang ang bata at nararapat daw itong parusahan. Nagbago ang anyo ng bata. Lumiit ito at nagkaroon ng mga mahahabang paa. Umiiyak ang kanyang mga magulang ngunit alam nilang wala na silang magawa para sa bata.

Simula noon ang batang si Amba ay naging unang gagamba. Sa ngayon, makikita pa rin ang kahusayan ng mga gagamba sa paghahabi ng kanilang mga bahay.

Buod ng Alamat ng Gagamba

Ang buod ng Alamat ng Gagamba ay tungkol sa batang nagngangalang Amba. Si Amba ay isang napakagandang babae na nagmula sa pamilya ng maghahabi.

Tinuruan siya ng kanyang mga magulang na maghabi. Likas na magaling si Amba. Sa galing niya, dinadayo ang kanyang mga gawa mula pa sa malalayong lugar. Naging mayaman din ang mag-anak dahil sa kanya.

Ngunit naging mayabang ang bata. Hinamon niya lahat ng magagaling na manghahabi at sila ay nilaos ni Amba. Isang araw, isang matanda ang nagpunta sa bahay ng bata at hinamon niya ito. Tinanggap niya ito at sila ay nagtunggali.

Natalo si Amba ng matanda dahil sa napakaganda at komplikado na disenyo nito. Hindi niya ito natanggap at nanggagalaiti ito sa galit. Tinulak niya ito at natumba. Nang bubuhutan niya na ang matanda ng kamay ay biglang lumiwanag ang damit nito nagbagong anyo. Isa pa lang diyosa ito at nagpapanggap lamang itong matanda.

Hindi na mabuting ang inaasal ng bata kaya pinarusahan siya ng diyosa. Lumiit ito at dumami ang kanyang mga paa. Umiiyak ang mga magulang nito ngunit wala silang nagawa. Si Amba ang kauna-unahang gagamba.

Si Aral ng Alamat ng Gagamba

Ang aral sa alamat ng gagamba ay laging mapagpakumbaba kahit ano pa ang galing mo sa isang bagay. Hindi mo kailangang maging mayabang kundi kaingalan mong isaisip na may igagaling ka pa. Kung sa tingin mo ay magaling na sa isang bagay, isipin mo na tulungan ang mga nag-uumpisa pa lamang. Ang buhay ay hindi kompetisyon – ang kailangan natin ay magtulungan para maabot ang mga pangarap.

Konklusyon

Ang maikling alamat na “Alamat ng Gagamba” ay nagpapakita lamang na ang mga ito ay nagpasalin-salin na sa bawat henerasyon. Dagdag pa rito, ang alamat ay isang panitikan na may kaugnayan sa ugali, tradisyon at pamumuhay nating Pilipino. Malaki ang naging ambag nito sa ating pagkakakilanlan at pagpapanatili sa ating kultura at tradisyon.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan ng ang alamat ng gagamba. Happy reading and God bless.

Inquiries

If you have any questions or suggestions about Alamat ng Gagamba – Buod at Aral ng Alamat ng Gagamba 2021. Let us know what you think about this post by leaving a comment below.

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Leave a Comment