Alamat ng Durian – Buod at Aral ng Alamat ng Durian 2021

Alamat ng Durian – Inyong matutunghayan ang “Alamat ng Durian”. Ito ay isang alamat tungkol sa isang masarap ngunit may kakaibang amoy na prutas. Ang alamat ng durian ay nagsalin-salin na mula sa ating mga ninuno. Ang alamat na ito ay siguradong magbibigay aral na dadalhin natin habambuhay.

Ang alamat o legend sa Ingles ay may kahulugan na uri ng panitikan kung saan tinatalakay ang pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Ito ay mga kwentong bayan na karaniwang nagpapaliwanag kung saan nanggaling ang isang bagay. Ito ay mga kathang-isip na nagpasalin-salin sa mga henerasyon kung kaya’t ito ay buhay na buhay pa rin hanggang ngayon.

Isang halimbawa nito ay ang tatalakayin natin ngayong alamat ay tungkol sa Alamat ng Durian.

Alamat ng Durian - Buod at Aral ng Alamat ng Durian 2021
Alamat ng Durian – Buod at Aral ng Alamat ng Durian 2021

Sana sa pamamagitan nitong mga maikling halimbawa ng alamat na “Alamat ng Durian” ay maging inspirasyon natin ito para magtagumpay sa buhay. Marahil ay makakarelate ka sa mga karanasan ng mga sumulat ng ang alamat ng durian.

Alamat ng Durian – Buod at Aral ng Alamat ng Durian

Basahin ang nakakatuwang alamat na pinamagatang “Alamat ng Durian”.

Alamat ng Durian

Sa isang bayan sa Mindanao ay may matandang babae na lalong kilala sa tawag na Tandang During. Nakatira siya sa paanan ng bundok. Ang maliit niyang kubo ay nakatayo sa gitna ng malawak niyang bakuran na naliligid ng mga puno.

Si Tandang During ay karaniwan nang ginagawang katatakutan ng mga ina sa kanilang malilikot na mga anak. Sabi nila ay lahi ito ng mangkukulam kung kaya dapat iwasan.

Si Tandang During ay nasanay nang mamuhay na nag-iisa. Mula nang mamatay ang asawa at mga anak ay hindi na siya umalis sa paanan ng bundok. Tahimik siyang tao at dahil matanda na ay mas ibig pa niyang asikasuhin na lang ang mga tanim na halaman.

Masungit si Tandang During kaya iniiwasan ng mga tao. Noong kamamatay palang ng mga mahal niya sa buhay ay marami ang nag-alok ng tulong ngunit tinanggihan niya. Sa gayon ay unti-unti na ring lumayo sa kanya ang mga tao hanggang maging panakot na lamang siya sa makukulit na mga bata.

Ilang taon ang nagdaan. Ang dati ay makukulit na mga bata ay malalaki na ngunit si Tandang During ay gayon parin.
Nag-iisa sa kubo sa paanan ng bundok at hindi nakikisalamuha sa mga tao.

Isang gabi ay itinaboy ng hanging amihan ang isang kakaibang amoy sa komunidad. Hindi nila alam kung ano ang amoy na iyon at kung saan galing. Nanatili ang amoy nang sumunod pang mga araw at patindi nang patindi. Nagpasya ang mga tao na hanapin ang pinanggalingan ng amoy.

Nagkaisa silang puntahan ang kubo ni Tandang During at natiyak na doon nanggagaling ang amoy. Hinanap nila ang matanda ngunit hindi nila ito nakita. Sa halip ay nabaling ang pansin nila sa isang puno na ang mga bunga ay may matitigas na balat at matatalim na tinik. Dahil sobrang hinoy ay nagsisimula nang bumuka ang mga prutas. Isang lalaki ang umakyat ng puno para kumuha ng bunga. Nagtakip sila ng ilong nang buksan ang prutas pero pare-pareho ring nasarapan sa lasa ng prutas na iyon. Nagsipitas sila ng mga bunga at iniuwi sa kani-kanilang bahay.

Nang may makasalubong silang isang matanda na tagaibang lugar at itinanong kung ano ang dala nilang prutas ay iisa ang sagot nila, “bunga ng tanim ni Tandang During ‘yan”, sabi nila.

“During yan,” ang pagkakaintindi sa kanila ng matanda. Kaya nang bigyan nila ito ng bunga at itanong ng mga kakilala kung ano iyon ay sinabi nitong ang pangalan ng prutas ay “during yan”. Kalaunan ay nagiging durian.

Ang Alamat ng Durian short story ay nanggaling sa proudpinoy.ph.

Buod ng Alamat ng Durian

Ang buod ng Alamat ng Durian ay isang alamat tungkol sa isang prutas na may kakaibang amoy. Nagsimula ito sa kay atandang During. Si Tandang During ay isang matanda na naninirahang mag-isa sa isang bayan sa Mindanao. Dahil sa kasungitan nito, siya ay ginagamit na panakot sa mga bata doon sa bayan.

Sa likod ng kasungitan nito ay isang malungkot na asawa at ina. Mula nang mamatay ang asawa at mga anak ay hindi na siya umalis sa paanan ng bundok. Tahimik siyang tao at dahil matanda na ay mas ibig pa niyang asikasuhin na lang ang mga tanim na halaman.

Lumipas ang maraming taon at bumalik ang mga bata na tintakot gamit ang kanyang pangalan. Isang gabi ay tinangay ng hangin ang maalingasaw na amoy at nagkaisa sila na hanapin ito. Natagpuan nila ang isang puno sa bakuran ni Tandang During na may bunga. Ang prutas ay may makapal at matinik na balat. Nang buksan nila ito ay nasarapan sila at inuwi ang bunga sa kani-kanilang tahanan.

Sinabi nila na ang prutas ay si Tandang During. Ang Durian ay galeng sa katagang “Si Tandang During yan!”.

Aral ng Alamat ng Durian

Ang aral na makukuha natin sa Alamat ng Durian ay iwasan ang maging masungit. Si Tandang During ay isang masungit na matanda kaya’t siya ay kinatatakutan ng mga bata. Isa ring aral ay huwag mapanghusga sa mga taong hindi natin kilala. Sa sitwasyon ni Tandang During ay hindi naman alam ng mga tao na siya ay malungkot at nag-iisa kaya’t siya ay masungit. Sa huli, laging tandaan na huwag maging mapanghusga sa tao na nakapaligid sa atin.

Konklusyon

Ang maikling alamat na “Alamat ng Durian” ay nagpapakita lamang na ang mga ito ay nagpasalin-salin na sa bawat henerasyon. Dagdag pa rito, ang alamat ay isang panitikan na may kaugnayan sa ugali, tradisyon at pamumuhay nating Pilipino. Malaki ang naging ambag nito sa ating pagkakakilanlan at pagpapanatili sa ating kultura at tradisyon.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan ng ang alamat ng durian. Happy reading and God bless.

Inquiries

If you have any questions or suggestions about Alamat ng Durian- Buod at Aral ng Alamat ng Durian 2021. Let us know what you think about this post by leaving a comment below.

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Leave a Comment