Alamat Ng Dagat – Buod At Aral

ALAMAT NG DAGAT – Ngayon, ating tunghayan ang buong kwento tungkol sa “alamat ng dagat” at kung bakit ito maalat, na may buod at aral. Alamin natin kung ano nga ba ang pinagmulan kung bakit naging maalat ang dagat.

Ang alamat o legend sa Ingles ay mga kwentong bayan at may kahulugan na uri ng panitikan kung saan tinatalakay ang pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Ito ay mga kathang-isip na nagpasalin-salin sa mga henerasyon kung kaya’t ito ay buhay na buhay pa rin hanggang ngayon.

Alamat Ng Dagat - Buod at Aral
Alamat ng Dagat

Sana maging inspirasyon natin itong maikling halimbawa ng alamat na pinamagatang “alamat ng dagat” para magtagumpay sa buhay. Marahil ay makaka-relate ka sa mga karanasan ng sumulat ng alamat na ito.

Alamat ng Dagat

(Bakit Maalat Ang Dagat?)

Noong unang panahon ang tubig ng dagat ay matabang. Kung kailangan ng mga tao ang asin sila’y tumatawid ng dagat upang kumuha nito sa ibayo.

May isang taong ang ngalan ay Ang-ngalo. Siya’y napakatangkad. Pag siya’y nangingisda sa dagat, ang tubig ay hanggang tuhod lamang. Kung siya’y naglalakad makikitang ang mga bundok ay kapantay ng kanyang alak-alakan.

Malaking lalaki ngunit takot siya sa langgam. Takot siya sa pugad ng langgam tulad din natin.

Isang araw ang mga tao ay naubusan ng asin. Kailangan nilang tumawid sa dagat. Naalaala nila si Ang-ngalo at sila’y nag usap,

“Dapat pa ba naman tayong maglayag sa bangka? Atin na lamang usapin si Ang-ngalo. Kung kanyang ilalagay ang isa niyang paa na pahalang sa tubig, tayo’y maaaring maglakad sa pagtawid sa dagat...

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento ng alamat at malaman kung bakit nga ba naging maalat ang dagat.

Buod ng Alamat ng Dagat

Ang “alamat ng dagat” ay tungkol sa matabang na dagat na naging maalat. Noong unang panahon, ang dagat ay matabang. Kapag kailangan ng mga tao ng asin, sila ay tumatawid pa ng dagat upang kumuha nito sa ibayo.

May isang taong nagngangalang Ang-ngalo. Siya ay isang napakatangkad na lalaki na kapag nangingisda ay hanggang tuhod niya lang ang tubig at ang bundok ay kapantay ng kanyang alak-alakan. Ngunit siya ay takot sa langgam.

Isang araw, ang mga tao ay naubusan ng asin kaya kinailangan nila tumawid sa dagat upang kumuha nito. Ngunit naisip nila si Ang-ngalo at pinakiusapan ito na ilayag na lamang ang kanyang isang paa upang sila ay makatawid at makakuha ng asin.

Dahil sa mabait si Ang-ngalo, ito ay pumayag. Ang mga tao ay malayang nanulay sa paa ni Ang-ngalo. Hindi dinasadya na pagtungtong niya ng kanyang paa, ang kanyang talampakan ay nakatapak sa pugad ng mga langgam.

Hindi naglaon ay gumapang na sa kanyang paa ang mga langgam. Nang nakatawid na ang mga tao ay agad niyang inalis ang kanyang paa at nagsabi na punuin ang kanilang mga supot at magsabi lang kung tapos na sila.

Nang mapuno na ang kanilang supot ay nagsabi agad sila kay Ang-ngalo. Sinabi nito na paalisin muna ang mga langgam ngunit tinawanan ito ng mga kaibigan. At dahil kailangang kailangan na ng asin ng mga kababaihan ay inilagay niya na lamang ang kanyang mga paa.

Agad na gumapang ang mga langgam sa kanyang paa at ito’y pinagkakagat. Pinadali niya ang mga ito sa pagtawid ngunit hindi sila nakinig kaya sa hindi sinasadya ay naalis niya ang kanyang mga paa at nahulog ang mga ito sa dagat.

Tinulungan niya ang mga ito upang hindi malunod ngunit natunaw na ang asin sa dagat. Mula noon, ang tubig ng dagat ay naging maalat.

Aral ng Alamat ng Dagat

Ang aral sa alamat na ito ay “gaano man kalaki ang isang tao, ano man ang anyo nito, kailangan nating respetuhin na sila ay may mga kinatatakutan din katulad ng mga normal na tao.”

Lahat ng tao ay may kinatatakutan. Malaki man o maliit, tayo ay nilikha ng Diyos na pantay-pantay lamang. Huwag nating balewalain, tawanan, o gamitin laban sa kanila ang mga kinatatakutan o kapintasan ng ibang tao. Sapagkat, mukha man silang matapang o malaki sa ating paningin, sila ay tao lamang at nasaksaktan din.

Alamat ng Maalat na Dagat (Version 2)

Ang nasa ibaba ay isa ring halimbawa ng alamat ng dagat.

Noong unang panahon ang mga tao sa silangan ay nagpupunta pa sa kanluran upang makipagpalitan ng kalakal. Ang mga katutubo sa silangan ay maraming asukal na naimbak. Ito ang ipinamamalit nila upang makakuha naman ng asin.

Sapagkat higit na nangangailangan ng asin ang silangan, ang mga katutubo na ang nagpupunta sa kabilang ibayo ng dagat. Ang problemang pagpunta sa kabilang dagat ay iniinda ng mga katutubo. May nakapagpayong dapat magpatulong na sila kay Ang-ngalo upang mabawasan ang kanilang kapaguran.

Isang higante si Ang-ngalo. Nakikita ang mga binti niya kapag nahiga at inilatag ang buong katawan sa karagatan. Kapag tumayo naman ay tuhod lang niya ang pinakamatarik na bundok na lapitan niya. Pero kahit isang dambuhalang higante, mabait at matulungin siya.

Napapayag ng mga tao na ilatag ni Ang-ngalo ang mga binti sa karagatan. Nanulay sa mga binti ng higante ang mga katutubo upang ihatid ang saku-sakong asukal bilang pamalit ng saku-sako ring asin na kinakailangan.

“O hayan, tumulay na kayo! Sisikapin kong hindi igalaw ang mga binti ko nang makatulay kayong paroon at parito.”

Ang alamat na ito ay nanggaling sa wattpad.

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Leave a Comment