Alamat Ng Bundok Kanlaon – Buod At Aral

ALAMAT NG BUNDOK KANLAON – Sa artikulong ito, matutunghayan natin ang buong kwento tungkol sa “Alamat ng Bundok Kanlaon” na may buod at aral. Alamin natin kung saan nga ba nagmula ang salitang “kanlaon.”

Ang alamat o legend sa Ingles ay mga kwentong bayan at may kahulugan na uri ng panitikan kung saan tinatalakay ang pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Ito ay mga kathang-isip na nagpasalin-salin sa mga henerasyon kung kaya’t ito ay buhay na buhay pa rin hanggang ngayon.

Alamat Ng Bundok Kanlaon - Buod At Aral
Alamat ng Bundok Kanlaon – Buod at Aral

Sana maging inspirasyon natin itong maikling halimbawa ng alamat na pinamagatang “Alamat ng Bundok Kanlaon” para magtagumpay sa buhay. Marahil ay makaka-relate ka sa mga karanasan ng mga sumulat ng alamat na ito.

Alamat ng Bundok Kanlaon

Sa malayong lugar ng Visaya sa Negros Occidental ay my Isang Hari na ang pangalan ay Haring Laon, na my mabuting kalooban at pantay pantay na pagtingin sa kanyang mga nasasakupan. Sa katunayan ang kanyang mga mag sasaka’y binibigyan niya ng kalahati ng kanyang mga aning pananim kapalit ng tapat na pag lilingkod sakanya ng mga ito.

Isang araw habang namamasyal si Haring Laon sa kanyang maluwang na bukirin ay my napansin siyang kakaiba sa tuktok ng bundok, na tila isang malaking ulupong na my pitong ulo. Kaya agad siyang nag balik sa kanyang kaharian upang utusan ang mga kawal na sugpuin ang natanaw niyang malaking salot sa tuktok ng bundok.

At dahil sa dapit hapon na ng makarating at masabi ng Hari sa kanyang mga kawal ang kanyang nakita ay minabuti na niyang ipag pabukas na ang pag akyat sa bundok dahil lubhang napaka panganib kung aabutin ng gabi sa bundok ang kanyang mga kawal.

Malalim na ang gabi ngunit gising parin Hari dahil sa pag iisip niya na baka sumalakay ang napakalaking ulupong na iyon sa knilang lugar, Nasa ganoong pag iisip ang hari ng biglang makarinig siya ng mga sigaw at iyak ng mga tao sa labas ng palasyo.
At ng biglang my tumawag sa Hari na kawal “mahal na hari sinalakay tayo ng salot na iyong namataan sa tuktok ng bundok.” at agad inutusan ng hari ang kawal.
“Tawagin ang lahat ng kawal at sugpuin ang mapaminsalang salot na iyon” at agad sumunod ang kawal sa utos ng Hari.

Maya maya pa ay nagbalik ang kawal na tila ba napakalungkot at siya ay nag wika sa hari,
“Haring Laon hindi po namin nasugpo ang salot ngunit amin siyang na itaboy pabalik sa tuktok ng bundok” agad sabi ng kawal ” kung ganon ay mainam kahit papaano ay natigil ang kanyang pananalanta sa ating lugar.” ang sabi ni Haring Laon. At ilang besses pang naulit ang pananalanta ng napakalaking ulupong na my pitong ulo, subalit hindi talaga kaya ng mga kawal ng hari ang ulupong dahil sa napakalaki nito at bumubuga pa ito ng apoy.
..

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Buod ng Alamat ng Bundok Kanlaon

Ang “Alamat ng Bundok Kanlaon” ay tungkol sa mabait na Haring Laon, ulupong, at sa matapang na si Kan. Sa malayong lugar sa Negros Occidental, Visayas, may isang hari na may napakabuting kalooban at mapagbigay sa kanyang mga nasasakupan.

Isang araw, namamasyal ang hari sa kanyang bukirin ng may makita syang isang malaking ulupong na may pitong ulo sa tuktok ng bundok. Agad siyang bumalik sa kaharian upang utusan ang kanyang mga kawal na sugpuin ito. Ngunit dapit hapon na ng siya ay dumating kaya pinagpabukas niya nalang ito.

Malalim na ang gabi ngunit gising parin ang Hari sa pag-aalala ng biglang sumalakay ang ulupong. Napabalik nila ang ulupong sa bundok ngunit hindi nila ito napatay. Ilang beses na naulit ang pananalanta ng ulupong subalit hindi talaga ito kaya ng mga kawal ni Haring Laon.

Dahil dito, kumunsulta ang Hari sa mga pantas at ang sabi ng ibang pantas ay “mag-alay ng magandang dalaga sa ulupong upang tumigil ito sa pamiminsala.” Labag man sa kalooban ng Hari dahil siya ay may napakaganda ding anak na dalaga, pinaabot parin niya sa nasasakupan ang balita.

Hanggang sa may isang banyaga na umalok ng tulong sa hari. Pumayag ito at sinabi sa kanya na kapag nasugpo niya ang ulupong ibibigay niya dito ang kalahati ng kanyang kayamanan at ipapakasal niya dito ang kanyang nag-iisang anak na si prinsesa Talisay.

Lingid sa kaalaman ng marami ay may kapangyarihan ang binata na makipag-usap sa mga hayop at insekto. Humingi ito ng tulong sa haring langgam, haring putakti, at mga uwak. Hindi nabigo ang binatang sugpuin ang ulupong at dinala niya ang mga ulo nito sa kaharian, at tinupad ng Hari ang kanyang pangako.

Sa pagtatapos ng kwento, ang bundok ay pinangalanan na KanLaon upang alalahanin ang katapangan ni Kan at kabaitan ni Haring Laon.

Aral ng Alamat

Ang aral sa alamat na ito ay “kapag ikaw ay nasa posisyon o pinuno ng nakararami, dapat maging pantay ka sa lahat at dapat handa kang magsakripisyo para sa ikabubuti ng lahat.” Ang pagiging mabait at matulungin ay isang magandang asal na dapat nating tularan.

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Leave a Comment