Alamat ng Bulaklak – Buod at Aral ng Alamat ng Bulaklak 2021

Alamat ng Bulaklak Saan nga ba nagmula ang bulaklak? Kay rami nito sa ating paligid ngunit paano nga ba ito nagawa? Ang Alamat ng Bulaklak ay ang magpapaliwanag sa atin kung saan nagmula ang mga napakagandang halaman na ito. Isinulat ni Secret XD ang alamat na ito at siguradong kakapulutan ito ng aral.

Ang alamat o legend sa Ingles ay may kahulugan na uri ng panitikan kung saan tinatalakay ang pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Ito ay mga kwentong bayan na karaniwang nagpapaliwanag kung saan nanggaling ang isang bagay. Ito ay mga kathang-isip na nagpasalin-salin sa mga henerasyon kung kaya’t ito ay buhay na buhay pa rin hanggang ngayon.

Isang halimbawa nito ay ang tatalakayin natin ngayong alamat ay tungkol sa short story na Ang Alamat ng Bulaklak.

Alamat ng Bulaklak - Buod at Aral ng Bulaklak 2021
Alamat ng Bulaklak – Buod at Aral ng Bulaklak 2021

Sana sa pamamagitan nitong mga maikling halimbawa ng “Alamat ng Bulaklak” ay maging inspirasyon natin ito para magtagumpay sa buhay. Marahil ay makakarelate ka sa mga karanasan ng mga sumulat ng Alamat ng Bulaklak short story.

Alamat ng Bulaklak – Buod at Aral ng Alamat ng Bulaklak

Basahin ang nakakatuwang alamat na pinamagatang “Ang Alamat ng Bulaklak”.

Noong unang panahon may isang prinsesang may napaka-gandang buhok na iba’t iba ang kulay. Siya’y nagngangalang Prinsesa Buna na umiibig ng palihim sa kanilang hardinero na si Lakal.

Araw-araw ay pumupunta ang prinsesa sa hardin. Iniisip ng kanyang ama na mahilig lamang talaga ang prinsesa sa mga bulaklak kaya ito ay laging naroroon. Ngunit lingid sa kaalaman ng ama ay hindi iyon ang pinupunta ng kanyang anak sa hardin. Pinupuntahan ng prinsesa si Lakal na laging gumagawa ng sari-saring pabango na gustong-gusto niyang amuyin at gamitin dahil sa kakaibang amoy ng pabangong gawa nito.

Ngunit isang araw, nahuli ng hari ang dalawa na naglalakad sa hardin ng magkahawak ang kamay. Agad na nagalit ang hari dahil ang isang prinsesa ay umiibig sa isang hardinero kaya isinikreto niya sa kanyang anak ang plano niyang pamamaslang kay Lakal.

Inutusan ng hari ang isang kawal na pagdating ng gabi ay dapat ipatapon si Lakal sa kagubatan at iwanan doon hanggang mamatay. Ginawa ng kawal ang utos ng hari at agad na iniwan si Lakal sa gitna ng gubat.

Si Lakal ay namatay at ang prinsesa ay inintay ang pagdating ni Lakal sa hardin ngunit hindi niya nakita ang binata hanggang magdilim.

Ilang araw na nag-intay si Buna at hindi siya kumain o naligo. Ni hindi rin siya natulog at kinaumagahan ay inaantay pa rin nya si Lakal.

Isang araw ay naisipan ng prinsesa na umalis sa palasyo at hanapin si Lakal. Ngunit siya’y nang hihina na.

Paglipas ng ilang araw ay hinanap ng hari ang kanyang anak na si Buna. Pumunta siya sa hardin kung saan nagpupunta si Buna upang intayin si Lakal. Ngunit ang nasilayan niya lamang ay ang isang malagong halaman na may iba-t ibang kulay at iba’t ibang uri. Napansin din niyang ito ay kakulay ng buhok ng kanyang anak. Kasing bango rin ng mga gawang pabango ni Lakal ang mga halaman. Nasa huli plagi ang pagsisisi. Nalungkot ang hari at walang nagawa kundi alagaan ang natitirang bunga na naiwan bilang alaala sa anak. Pinangalanan niya ang halaman na Bunalak at kalaunan ay tinawag na Bulaklak.

Ang Alamat ng Bulaklak ay galing sa Wattpad

Buod ng Alamat ng Bulaklak

Ang buod ng alamat ng bulaklak ay nagsisimula sa kay Buna. Siya ay isang napakagandang prinsesa na may kakaibang buhok. Ang buhok niya ay may iba’t ibang kulay. Siya ay mahilig sa mga halaman at parati itong pumupunta sa hardin.

Lingid sa kaalaman ng kanyang ama ay pinupuntahan niya si Lakal sa hardin. Pinupuntahan niya ito dahil gusto niya ang kanyang mga gawa na pabango. Isang araw ay nakita ng hari ang kanyang anak at si Lakal na maglalakad sa hardin na magkahawak-kamay. Galit na galit ito dahil umibig ang kanyang anak sa isang maghahardin.

Inutusan ng hari ang kanyang kawal na patayin si Lakal sa gabi. Namatay si Lakal at ilang araw hinanap at hinintay siya ni Buna sa hardin. Hindi siya kumain at natulog sa paghihintay kay Lakal. Isang araw ay nagdesisyon na hanapin ito ngunit tuluyan itong nanghina at namatay sa hardin.

Hinanap ng Hari ang kanyang anak sa hardin. Ngunit ang nasilayan niya lamang ay ang isang malagong halaman na may iba-t ibang kulay at iba’t ibang uri. Napansin din niyang ito ay kakulay ng buhok ng kanyang anak. Kasing bango rin ng mga gawang pabango ni Lakal ang mga halaman. Nasa huli plagi ang pagsisisi. Nalungkot ang hari at walang nagawa kundi alagaan ang natitirang bunga na naiwan bilang alaala sa anak. Pinangalanan niya ang halaman na Bunalak at kalaunan ay tinawag na Bulaklak.

Aral ng Alamat ng Bulaklak

Ang aral sa Alamat ng Bulaklak ay kausapin ang anak tungkol sa kanyang iniibig bago gumawa ng isang aksyon o desisyon at isipin ang maaaring mangyari kung ito ay gagawin. Sa mga anak naman, huwag maglihim sa mga magulang at lagi silang kausapin tungkol sa mga desisyon mo sa buhay.

Konklusyon

Ang maikling alamat na “Alamat ng Bulaklak” ay nagpapakita lamang na ang mga ito ay nagpasalin-salin na sa bawat henerasyon. Dagdag pa rito, ang alamat ay isang panitikan na may kaugnayan sa ugali, tradisyon at pamumuhay nating Pilipino. Malaki ang naging ambag nito sa ating pagkakakilanlan at pagpapanatili sa ating kultura at tradisyon.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan ng ang Alamat ng Bulaklak. Happy reading and God bless.

Inquiries

If you have any questions or suggestions about Alamat ng Bulaklak – Buod at Aral ng Bulaklak 2021. Let us know what you think about this post by leaving a comment below.

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Leave a Comment