Alamat Ng Bigas – Buod At Aral

ALAMAT NG BIGAS – Sa artikulong ito, ating matutunghayan ang buong kwento tungkol sa “alamat ng bigas” Tagalog na may buod at aral. Alamin natin kung saan at ano nga ba ang pinagmulan ng “bigas” at kung paano ito naging pangunahing pagkain ng mga Pilipino.

Ang alamat o legend sa Ingles ay mga kwentong bayan at may kahulugan na uri ng panitikan kung saan tinatalakay ang pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Ito ay mga kathang-isip na nagpasalin-salin sa mga henerasyon kung kaya’t ito ay buhay na buhay pa rin hanggang ngayon.

Alamat Ng Bigas - Buod at Aral
Alamat ng Bigas

Sana maging inspirasyon natin itong maikling halimbawa ng alamat na pinamagatang “alamat ng bigas” Tagalog para magtagumpay sa buhay. Marahil ay makaka-relate ka sa mga karanasan ng sumulat ng alamat na ito.

Alamat ng Bigas

Noong unang panahon, ang ating mga ninuno ay nabubuhay lamang sa pagkain ng prutas, gulay, ibon, at hayop-gubat na kanilang nahuhuli sa kagubatan. Ang pagbubungkal ng lupa ay wala pa sa isip nila. Ang pagmamanukan at pag-aalaga ng iba pang hayop ay hindi nila alam. Umaasa lamang sila sa mga pagkaing dulot ng kalikasan.

Sa ganitong paniniwala, hindi sila nagtatagal sa isang lugar; Lumilipat sila ng tirahan sa oras na wala nang makuhang pagkain sa isang lugar. Pumupunta sila sa lugar namayroong makakain at pag wala na ay lilipat silang muli.

Ang ating mga ninuno ay tuwang—tuwa sa kanilang kulay kayumanggi at sa kanilang kinagisnang mga tradisyon. Ito ay kanilang ipinagmamalaki. Labis-labis silang nagpapasalamat sa “Bathala.” Kuntento na rin sila sa uri ng kanilang pamumuhay.

Ang mga kalalakihan ay nanghuhuli ng hayop sa gubat samantalang ang mga kababaihan at mga bata ay nanghuhuli ng isda, namimitas ng prutas at gulay. Ang lahat ng kanilang mahuhuli at maaani ay kanilang pinagsasama-sama at pinaghahatian. Pantay-pantay ang kanilang paghahati sa buong barangay...

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Buod ng Alamat ng Bigas

Ang “alamat ng bigas” ay tungkol sa ating mga ninuno at sa pagtuklas ng bigas. Noong unang panahon, ang ating mga ninuno ay nabubuhay lamang sa prutas, gulay, at mga hayop na kanilang nahuhuli sa kagubatan. Kung kaya’y hindi sila nagtatagal sa isang lugar.

Ang mga kalalakihan ay nanghuhuli ng mga hayop, samantala ang mga kababaihan at mga bata naman ay nanghuhuli ng isda at namimitas ng mga prutas at gulay. Sa paghahanap ng usa, minsan ang mga kalalakihan ay nakakaabot na sa malalayong lugar. Isang araw, nakarating sila sa mga bundok ng Cordillera.

Sa pagod, sila ay nagpahinga muna sa ilalim ng puno, at sa kanilang pagpapahinga ay may nakita silang grupo ng tao na kakaiba sa kanilang anyo. Sa pag-aakalang bathala ang kanilang nakita ay nagbigay sila ng galang.

Dahil natuwa sa kanila ang mga bathala, inanyayaan ang mga ito na dumalo sa kanilang pagtitipon. Tumulong ang mga ito sa paghahanda ng pagkain. Maya-maya’y may inilabas ang mga kawal ng mga bathala na bumbong ng kawayan. Ang laman nito ay mapuputing butil.

Pagkaluto nito ay inihain na ito sa hapag-kainan. Noong una ay ayaw pa kumain ng mga bisita sapagkat akala nila ito ay mga puting bulati. Pinaliwanag sa kanila ng isa sa mga bathala kung ano ito.

Pagkatapos kumain ng mga bisita ay nakaramdam ang mga ito ng panibagong lakas. Bago sila lumisan ay pinabaunan sila ng bathala ng tig-iisang sakong palay.

Tinuro sa kanila kung pano ang pagbubungkal ng lupa at ang pagluluto ng mga puting butil. Pagdating nila sa kanilang tirahan, itinuro din nila ito sa kanilang mga kasamahan at ginaya narin ito ng ibang barangay.

Magmula noon, ito na ang naging hanapbuhay ng ating mga ninuno at ang bigas o kanin na ang ating naging pangunahing pagkain.

Aral ng Alamat ng Bigas

Ang aral sa alamat na ito ay “maging bukas tayo sa pagturo sa ibang tao ng mga bagay na maaaring makapagpabago sa kanilang buhay. Huwag tayong maging madamot sa ating mga kaalaman, at tulungan nating umangat din ang mga taong nangangailangan ng tulong.”

Ang pagtulong sa kapwa ay isang napakagandang katangian na dapat nating taglayin. Sapagkat, may kasabihan ngang “kapag ikaw ay mapagbigay at matulungin, ikaw ay pagpapalain.”

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Leave a Comment