Alamat ng Aso – Buod at Aral ng Alamat ng Aso 2021

Alamat ng ASo ang aso ay ang matalik na kaibigan ng tao. Bakit nga ba ganito ang mga aso? Sa artikulong ito matutunghayan natin ang napakagandang “Alamat ng Aso”. Ang alamat ng aso na short story ay siguradong makakapagbigay ng aral at makapagbibigay aliw sa atin.

Ang alamat o legend sa Ingles ay may kahulugan na uri ng panitikan kung saan tinatalakay ang pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Ito ay mga kwentong bayan na karaniwang nagpapaliwanag kung saan nanggaling ang isang bagay. Ito ay mga kathang-isip na nagpasalin-salin sa mga henerasyon kung kaya’t ito ay buhay na buhay pa rin hanggang ngayon.

Isang halimbawa nito ay ang tatalakayin natin ngayong alamat ay tungkol sa short story na Ang Alamat ng Aso.

Alamat ng Aso - Buod at Aral ng Alamat ng Aso 2021
Alamat ng Aso – Buod at Aral ng Alamat ng Aso 2021

Sana sa pamamagitan nitong mga maikling halimbawa ng “Alamat ng Aso” ay maging inspirasyon natin ito para magtagumpay sa buhay. Marahil ay makakarelate ka sa mga karanasan ng mga sumulat ng Alamat ng Aso.

Alamat ng Aso – Buod at Aral ng Alamat ng Aso

Basahin ang nakakatuwang alamat na pinamagatang “Ang Alamat ng Aso”.

Alamat ng Aso

Kinaiinggitan ang mabuting samahan ng magkaibigang Masong at Lito. Maliliit pang mga bata ay lagi na silang magkasama. Lagi nilang inaalala ang isa’t isa. Lagi rin silang magkasama sa bawat lakaran.

Nanatili ang magandang samahan ng dalawa kahit nang mag-binatilyo na sila. Naging bahagi na ng buhay nila ang pag tutulungan. Mula sa paggawa sa bukid hanggang sa pangangahoy sa gubat ay lagi silang magkasama.

Hindi inasahan ninuman ang pagkakaroon ng malubhang sakit ni Masong. Humantong iyon sa kamatayan ng binatilyo. Labis na nagluksa si Lito. Hindi niya matanggap na wala na ang kaibigan. Araw-araw niyang dinadalaw ang puntod nito at nililinis. Madalas ay kinakausap rin niya ito na parang nasa tabi lang at nakikinig sa kanya.

Minsan ay sumama ang pakiramdam ni Lito. Kaunting lakad lang ay hilung-hilo na siya. Pinigilan siya ng ina sa pagdalaw sa libingan ni Masong. Ilang araw siyang ganoon.

Sa buong panahon ng pagkakasakit ay may isang maliit na hayop na umuwi kina Lito. Lagi iyong itinataboy ng ina ngunit balik nang balik sa tapat ng silid ng binatilyo na tila nagbabantay sa kanya.

Nang mabawi ang lakas ay ang puntod ni Masong ang unang pinuntahan ni Lito. Doon ay nakita niya ang hayop na araw-araw na itinataboy ng ina. Nakatayo iyon sa tapat ng puntod at kawag nang kawag ang buntot.

Hindi na humiwalay ang hayop hanggang sa pag-uwi niya. Natutulog ito sa paanan niya at pag-gising niya sa umaga ay sasalubungin siya ng kahol at kawag sa buntot nito. Dahil sa hayop ay nalimot ni Lito ang lungkot ng pagkamatay ni Masong.

Pinangalanan niyang Masong ang hayop pero nang lumaon ay naging aso ang tawag dito.

Ang alamat na ito ay nakuha sa pinoycollection.com

Buod ng Alamat ng Aso

Ang buod ng alamat ng aso ay nagsisimulasa samahan nila ni Masong at Lito. Sila ay matalik na magkaibigan simula noong bata pa hanggang sila ay naging binata. Nalaman ni Lito na may malubhang karamdaman si Mason at ito ay namatay. Labis itong iniluksa ang pagkakamatay ng kanyang kaibigan kaya lagi niyang binibisita at nililinis ang putod nito.

Isang araw ay nagkasakit si Lito. Hindi siya makalakad. Isang hayop ang lumapit sa kanya at binantayan siyasa kanyang kwarto. Kahit anong taboy ng kanyang ina ay hindi ito umaalis.

Nang mabawi ang lakas ay ang puntod ni Masong ang unang pinuntahan ni Lito. Doon ay nakita niya ang hayop na araw-araw na itinataboy ng ina. Nakatayo iyon sa tapat ng puntod at kawag nang kawag ang buntot. Hindi umalis kay Lito ang hayop at dahil sa hayop na iyon ay nalimutan ni Lito ang lungkot sa pagkawala ng kaniyang kaibigan.

Aral ng Alamat ng Aso

Ang aral sa Alamat ng Aso ay pahalagahan ang tunay na kaibigan. Sila ay mahirap hanapin sa panahon ngayon.

Konklusyon

Ang maikling alamat na “Alamat ng Aso” ay nagpapakita lamang na ang mga ito ay nagpasalin-salin na sa bawat henerasyon. Dagdag pa rito, ang alamat ay isang panitikan na may kaugnayan sa ugali, tradisyon at pamumuhay nating Pilipino. Malaki ang naging ambag nito sa ating pagkakakilanlan at pagpapanatili sa ating kultura at tradisyon.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan ng ang Alamat ng Aso. Happy reading and God bless.

Inquiries

If you have any questions or suggestions about Alamat ng Aso – Buod at Aral ng Alamat ng Aso 2021. Let us know what you think about this post by leaving a comment below.

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Leave a Comment