Alamat Ng Araw At Gabi – Sa araling ito inyong matutunghayan ang isang halimbawa ng alamat na pinamagatang “alamat ng araw at gabi.” Ito ay isang alamat na kapupulutan ng aral ng mga mambabasa.
Ang araw at gabi ay mahalaga sa ating buhay, pero paano nga ba nagsimula ang lahat? Ang alamat na ito ang siyang magbibigay liwanag sa inyong mga katanungan.
DAgdag pa rito, ang alamat o legend sa Ingles ay may kahulugan na uri ng panitikan kung saan tinatalakay ang pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Ang alamat na ito ‘y mga kathang-isip na nagpasalin-salin sa mga henerasyon kung kaya’t hanggang ngayon ay buhay pa rin sila sa ating mga puso.

Ang maikling halimbawa ng alamat na ito na pinamagatang “Alamat ng araw at gabi” ay may gintong aral para sa mga mambabasa at maging inspirasyon sa araw-araw. Basahin ng mabuti ang alamat sa ilalim upang inyong maintidihan ang nais iparating ng alamat na ito.
Ang Alamat Ng Araw at Gabi
Noong unang panahon ay panay na liwanag at walang dilim, sapagkat sina Adlaw at Bulan ay mag-asawang maligayang namumuhay. Sila ay nagkaroon ng maraming anak. ang kanilang anak ay mga tala at bituin na nagkakalat kung kaya’t lalong nagliwanag sa kalangitan.
Minsan ay nagkagalit nang malubha ang mag-asawa na humantong sa paghihiwalay. Pinamili ang mga anak kung kanino sasama…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong alamat.
Buod ng Alamat
Ang alamat ay nagsimula sa mag asawang sina Adlaw at Bulan mayroon sila ng maraming anak, mga tala at mga bituin. Isang araw nagkaroon sila ng hidwaan ng kanyang asawa na humantong ito sa hiwalayan. Dumating ang panahon na kailangan pumili ng kanilang mga anak kung kanino sila sasama.
Sapagkat mas mabait ang ina kumpara sa kanilang tatay kung kaya pinili ng kanilang mga anak na sumama sa kanilang ina. Walang nagawa si Adlaw kundi tanggapin ang kanyang kapalaran.
Simula noon, kapag araw ay mag-isang nagbibigay liwanag si Adlaw. Samantala kung gabing madilim tulong-tulong naman na nagpapaliwanag ang mag-iinang Bulan, mga tala at bituin.
Aral ng Alamat
- Ang unang aral sa alamat na ito ay kung maari ay iwasan ang pagkaroon ng away o alitan dahil maraming naapektuhan kapag lumala ang hidwaan.
- Tanggapin ang katotohanan at matutong magpakumbaba upang maiwasan ang alitan.
- Huwag hayaang masira ang isang pamilya dahil lamang sa galit.
Inquiries
Kung mayroon kang anumang mga tanong o mungkahi tungkol sa “Alamat ng Araw at gabi na may Buod at Aral,” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.