Alamat Ng Apoy – Buod at Aral

ALAMAT NG APOY – Sa artikulong ito, ating matutunghayan ang maikling kwento tungkol sa “alamat ng apoy” na may buod at aral. Alamin natin kung ano nga ba ang pinagmulan at saan nga ba nagmula ang salitang “apoy.”

Ang alamat o legend sa Ingles ay mga kwentong bayan at may kahulugan na uri ng panitikan kung saan tinatalakay ang pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Ito ay mga kathang-isip na nagpasalin-salin sa mga henerasyon kung kaya’t ito ay buhay na buhay pa rin hanggang ngayon.

Alamat Ng Apoy - Buod at Aral
Alamat ng Apoy

Sana maging inspirasyon natin itong halimbawa ng maikling kwento ng alamat na pinamagatang “alamat ng apoy” upang maging matagumpay sa buhay. Marahil ay makaka-relate ka sa mga karanasan ng sumulat ng alamat na ito.

Alamat ng Apoy

Noong unang panahon may dalawang prinsesang nagngangalang Apienna at ang mas nakababata nyang kapatid na si Oyallah. Si Apienna ay may naglalagablab na kagandahan at isang matapang na dalaga sa kanilang kaharian. Ngunit ang nakababata niya namang kapatid na si Oyallah ay isang mainit at matapang na babae.

Ang mag kapatid ay malapit sa isa’t isa, kung kaya’t lagi silang nagkakasundo. Mahal na mahal sila ng kanilang ama na si Haring Anand, at ang kanilang reynang ina na si Reyna Bihattie.

Isang araw nagpasya ang magkapatid na lumisan sa kanilang kaharian.Sa kadahilanang mag hahanap sila ng mga maidadagdag na kawal sa kanilang kaharian, dahil ilang linggo nalang ay sasapit na ang pinaka malaking digmaan laban sa mga dayo sa kaharian.

Malalim na ang gabi ng magising si Apienna at ng mag umaga ay sabay nilang binagtas ang daanan pauwi ng kaharian. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay laking gulat nila na may mga dayuhan ng sumugod sa kanilang kaharian.

Nang biglang may lumapit na ermitanyo sa dalawa at tinanong “gusto niyo bang mapigil ang mga dayuhan sa pag sira ng inyong kaharian? Gulat pang napatingin sa isa’t-isa ang magkapatid. Nagkakapaan kung ano ang isasagot sa ermitanyo, “oo naman po” sabay na tugon ng dalawa…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Buod ng Alamat ng Apoy

Nasa ibaba ang buod ng “alamat ng apoy.”

Ang alamat na ito ay tungkol sa dalawang matatapang na prinsesa. Noong unang panahon, may dalawang magkapatid na prinsesa na nagngangalang Apienna at Oyallah.

Si Apienna ay may naglalagablab na kagandahan at matapang, at si Oyallah naman ay isang mainit at matapang na babae. Malapit silang dalawa sa isa’t-isa at laging nagkakasundo.

Isang araw, nagpasya ang magkapatid na lumisan sa kanilang kaharian. Ito ay upang maghanap ng maidadagdag na kawal sa kanilang kaharian bilang paghahanda sa nalalapit na digmaan laban sa mga dayo.

Nang sila ay bumalik sa kanilang kaharian, nagulat sila na may mga dayuhan na sumugod sa kanilang kaharian. Biglang may lumapit na ermitanyo sa dalawa at nagtanong kung gusto ba nila na mapigil ang mga dayuhan sa pagsira ng kanilang kaharian at sabay na tumugon ng “oo” ang dalawa.

Dahil dito, pinagsama ng ermitanyo ang katangian ng dalawa upang makabuo ng isang nag-iinit at nag lalagablab na kapangyarihan. Mula sa pangalang Apienna at Oyallah, nabuo ang pangalang “apoy.”

Aral ng Alamat ng Apoy

Ang aral sa alamat na ito ay “maging matapang ka kahit anong pagsubok ang dumating sa iyong buhay.” Lahat ng problema ay may solusyon, at nasisiguro kong lahat tayo ay may kakayahang solusyunan at labanan ang anumang pagsubok na ating kahaharapin.

Naniniwala ako na hindi magbibigay ang Diyos ng isang problema o pagsubok sa atin na alam niyang hindi natin kayang solusyunan. Kung kaya’y maging matapang tayo at manalig sa Panginoon.

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Leave a Comment