Alamat ng Ahas – Buod at Aral ng Alamat ng Ahas 2021

Alamat ng Ahas Mahaba, gumagapang, at nakakatakot! Yan ang karamihang inilalarawan sa ahas ngunit bakit nga ba ganito ang anyo ng isang ahas?Sasagutin natin ang mga katanungan mo sa pamamagitan ng “Alamat ng Ahas” na kwentong pambata. Ang alamat ng ahas ay siguradong magbibigay ng napakagandang aral at aliw sa aaraw mo!

Ang alamat o legend sa Ingles ay may kahulugan na uri ng panitikan kung saan tinatalakay ang pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Ito ay mga kwentong bayan na karaniwang nagpapaliwanag kung saan nanggaling ang isang bagay. Ito ay mga kathang-isip na nagpasalin-salin sa mga henerasyon kung kaya’t ito ay buhay na buhay pa rin hanggang ngayon.

Isang halimbawa nito ay ang tatalakayin natin ngayong alamat ay tungkol sa unang Alamat ng Ahas.

Alamat ng Ahas - Buod at Aral ng Alamat ng Ahas 2021
Alamat ng Ahas – Buod at Aral ng Alamat ng Ahas 2021

Sana sa pamamagitan nitong mga maikling halimbawa ng “Alamat ng Ahas” ay maging inspirasyon natin ito para magtagumpay sa buhay. Marahil ay makakarelate ka sa mga karanasan ng mga sumulat ng Alamat ng Unang Ahas.

Alamat ng Ahas – Buod at Aral ng Alamat ng Ahas

Basahin ang nakakatuwang alamat na pinamagatang “Ang Alamat ng Ahas”.

Alamat ng Ahas

Sa isang nayon sa katagalugan, may naninirahang isang mag-ina. Ang biyudang si Aling Sima at ang kanyang anak na si Masung. Bagama’t malaki ang pangangatawan ni Masung ay sobra naman ang kanyang kawalanghiyaan. Sa halip na makatulong siya sa ina ay pabigat pa siya rito.

“Ano kaba naman, anak. Sana man lang ay linangin mo ang lupang iniwan ng iyong ama. Sayang na lang ang pagpapalaki ko sa iyo. Inubos mo lamang ang pera sa pag-inom ng alak,” ang wika ni Aling Sima.

“Ayan na naman kayo. Pagod ako at huwag ninyong isusumbat sa akin ang ibinibigay ninyong pera sa akin dahil sa tungkulin ninyong bigyan ako ng pera!” ang sagot ni Masung.

Walang nagawa si Aling Sima kundi ang tumahimik. Alam niyang walang patutunguhan ang pag-uusap nilang mag-ina dahil sa maling katuwiran ng anak. Hindi lang ubod ng tamad si Masung, siya ay ubod pa ng takaw. Hirap na hirap na ang kanyang ina sa bukid samantalang siya ay naroon at tiyesong-tiyeso sa pagtulog. Tamad na nga siya ay basagulero pa.

Isang araw, natutulog ang matanda nang gulantangin ito ng ingay ng pinto. Humahangos si Masung at naghahanap ng gulok dahil may nakaaway siya. Walang nagawa si Aling Sima kundi ang sumigaw at humingi ng tulong sa kanyang mga kapitbahay. Anim na lalaki ang nagtulung-tulong para lamang mapigil sa pakikipagaway si Masung. Marami nang sinaktang tao si Masung kapag ito ay nagwawala kaya’t siya ay kinatatakutan.

Minsan, wala siyang inabutang pagkain sa bahay. Gutom na gutom pa naman siya. Galit na galit na pinuntahan niya sa silid ang kanyang ina at pabulyaw na nagsabing, “Bakit hindi ninyo ako ipinaghanda ng pagkain?”

“Anak may sakit ako. Wala akong lakas.”

“Kayo may sakit? Arte lang ninyo iyan. Sige bumangon kayo riyan at ipagluto ninyo akong pagkain!”

“Anak, parang awa mo na. Ikaw na muna ang maghanda ng iyong makakain,” ang lumuluhang sabi ni Aling Sima.

“Ako…magluluto..ano ako babae. Hindi maaari, sige bumangon kayo at magluto!” ang bulyaw ni Masung na sabay sipa sa ina.

Sa kawalanghiyaang inasal ng anak ay hindi na nakapagtimpi pa si Aling Sima at nagwika ng, “Walang utang na loob, lapastangan na anak, ikaw na ubod ng tapang ay gagapang sa lupa at kailanman ay hindi ka na makakatayo sapagka’t habang buhay kang gagapang. Mananatili ang iyong kabagsikan at lalo kang katatakutan ng mga tao.”

Tinawanan lamang ni Masung ang sinabi ng ina. Lumayas siya at sa paglalakad niya sa bukid ay bigla siyang nalugmok. Hindi niya maitayo ang kanyang mga paa. Naramdaman niyang unti-unting humahaba at pumapayat ang kanyang katawan hanggang sa tuluyang mawala na ang kanyang mga paa’t kamay. Huli na nang magsisi siya.

Samantala, ang kanya palang kaaway ay lihim siyang sinusundan. Nasaksihan niya ang pagbabago sa katawan ni Masung. Nagdatingan pa ang ibang tao. Nakita nila ang mahabang hayop sa lupa na gumagapang sa damuhan. Nang makita niya ang mga tao ay umakma siyang manunuklaw at sa takot ay nagpulasan ng takbo ang mga tao.

Magmula nga noon ay nilayuan na ng mga tao ang damuhang iyon sa takot na matuklaw sila ni Masung – ang taong naging ahas na siyang pinagmulan ng unang ahas.

Ang Alamat ng Ahas ay na ito ay nanggaling sa proudpinoy.com

Buod ng Alamat

Ang buod ng alamat ng ahas ay tungkol sa mag-inang nakatira sa katagalugan. SIla ay ang btudang si Aling Sima at ang kanyang anak na si Masung. Si Masung ay may kalakihan ng katawan ngunit siya naman ay tamad at basagulero. Marami ng beses na nagkasagutan sila at talagang walang magawa si Aling Sima sa kanyang anak.

Minsan ay nagkasakit si Aling Sima at umuwi si Masung na walang pagkain. Sinabihan niya ang kanyang ina na nag-iinarte lang. Di nakapagtimpi si Aling Sima at pinagsabihan niya ang lapastangan niyang anak. Sinabihan niya ang kanyang anak na siya ay gagapang sa lupa at kailanman ay hindi tatayo. Umalis si Masung at [umunta ng bukid.

Nag siya ay nasa bukid, unti-unting nagbago ang kanyang anyo. Unti-unting pumayat at humaba ang kanyang katawan. Hindi niya alam na sinundan siya ng kanyang mga kaaway. Nagdatingan pa ang ibang tao. Nakita nila ang mahabang hayop sa lupa na gumagapang sa damuhan. Nang makita niya ang mga tao ay umakma siyang manunuklaw at sa takot ay nagpulasan ng takbo ang mga tao.

Magmula nga noon ay nilayuan na ng mga tao ang damuhang iyon sa takot na matuklaw sila ni Masung – ang taong naging ahas na siyang pinagmulan ng unang ahas.

Aral ng Alamat

Ang aral sa Alamat ng Ahas ay maging masipag at irespeto ang mga magulang. Isa pa, may magandang maidudulot ang pagiging matapang pero huwag itong pairalin. Palagi maging kalmado sa mga sitwasyon.

Konklusyon

Ang maikling alamat na “Alamat ng Ahas” ay nagpapakita lamang na ang mga ito ay nagpasalin-salin na sa bawat henerasyon. Dagdag pa rito, ang alamat ay isang panitikan na may kaugnayan sa ugali, tradisyon at pamumuhay nating Pilipino. Malaki ang naging ambag nito sa ating pagkakakilanlan at pagpapanatili sa ating kultura at tradisyon.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan ng ang Alamat ng Unang Ahas. Happy reading and God bless.

Inquiries

If you have any questions or suggestions about Alamat ng Ahas – Buod at Aral ng Alamat ng Ahas 2021. Let us know what you think about this post by leaving a comment below.

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Leave a Comment